Six

1143 Words
Maisie Joy POV "IKAW naman kasi! Kasalanan mo! Iniwan mo 'ko kagabi!" akusa ko kay kay Aldrich at sinabunutan siya sa buhok. "f**k! 'Wag yung buhok ko, dude!" apela niya agad at inalis ang pagkakahawak ko sa buhok niya. Binigyan niya ako ng isang malutong na masamang tingin. "Pasalamat ka nga hinatid ka ni Kuya! Okay lang kasi naka-iskor ako kagabi dun sa babae," ngisi niya. Sa inis ko, sinipa ko ang umbok sa gitna ng pantalon niya. "AW, f**k, TOMBOY!" Namimilipit sa sakit na sigaw niya. Pero wala akong awa. I did not regret causing him that pain by kicking his darn balls. Tinaasan ko lang siya ng gitnang daliri. "Pakyu sa inyo ng babae mo! Ang landi mong tukmol ka!" Inis kong giit at padabog siyang iniwan sa sala. Gago! Napakalakas pa ng amats na pumunta dito sa napakaliit naming bahay para makikain ng pananghalian! Ang yaman-yaman, dito pa naisipang kumain! "Ewan ko sa'yo! Mas inuna mo pa ang babae mo kaysa sa akin! Hayup ka talaga!" May kinikimkim na talaga akong inis! Sinabi pa niyang importante ako sa kanya pero 'pag may dumaang sexy na babae sa harapan niya, tatalab ang pagkalandi niya at iiwan ako para makipagsex! "Argh!" Kagabi, naaalala ko lahat. Lahat ng usapan namin ng Kuya niya. Lahat ng kagaguhang pinaggagawa ko. Lahat ng paglalandi kong hindi ko inaasahang mamumuo sa sarili ko! Lahat ng sinabi kong alam kong pinagsisisihan ko ng matindi ngayon. Lahat lahat! Fakshet! Padabog akong kumuha ng yakult sa ref at inisang tungga iyon tsaka inirapan si Aldrich nang sundan niya ako dito sa kusina. "Wala ng sakit?" Tanong ko sabay turo sa harapan niyang sinipa ko. Inirapan niya lang ako. "Gusto mo ba'ng mabaog ako, huh?! Kingina ka ah," pinukol niya ako ng masamang tingin at kumuha rin ng yakult sa ref. "Pakyu ka talagang tukmol ka, inaagawan mo pa ako ng yakult? Binili ko 'yan gamit ang baon ko!" I told him. Ngumuso siya at napakamot sa batok. Parang naguilty konti. "Nangonsensya ka pa! Di bale, bibilhan kita ng tatlong pack!" ganti niya pabalik. Nagningning ang mga mata ko sa narinig. "Yayamanin! Pramis yan, ha?!" Inalis niya ang cap na suot ko tsaka ulit iyon ibinalik sa ulo ko. "Joke lang," panggagago niya. "Gago ka talaga!" Tumawa siya at tumango. "Oo na! Buwisit na tomboy ka," Pumunta siya dito sa bahay ngayong lunch at isinabay na rin niya ako sa kotse niya papunta sa school, since pareho kami ng school kung saan nag-aaral. Wala si Tatay dahil busy sa paggugol ng ipapakain sa akin. Nasa jeep siguro at nasa biyahe. Tinawagan ko siya kanina para hindi niya makalimutang kumain ng lunch. Kapag talaga nakatapos ako at nakahanap ng trabaho, papatigilin ko na si Tatay sa pagtatrabaho! Ipapatikim ko sa kanya ang maganda at marangyang buhay! 'Yung siya naman ang magpapahinga at mag-e-enjoy sa mga pagtatrabahuan ko. Bibilhin ko lahat ng gusto niya. At bibili ako ng lupa na malapit sa dagat. Ako ang magdedesenyo sa bahay at ipapagawa iyon para may bago kaming tirahan! Malapit na, ga-graduate na rin ako. ‘Tatay Roland, konti na lang.’ "Yung plates ko, malapit ng matapos," sabi ko sa bestfriend kong si Maxine. "Swerte ka sobra! 'Di ako imbitado kagabi sa welcome party ng mga Dela Paz sa pangalawang anak nila! Nakakainggit ka kasi palagi ka na lang imbitado roon," topic ko 'yung plates pero siya, 'yung pinsan kong ubod ng sungit ang bukambibig! "Hindi kita maimbitahana dahil hindi para sa akin ang party, Maxine. Close relatives lang kasi ang imbitado," maikling paliwanag ko. "Laos ka na, Maxine! Kahit anong gawin mo, wala kang pag-asang makarelasyon ang kahit sino sa tatlong magkakapatid. Ikakasal na 'yung Andrew. 'Di ka kilala nung pangalawa, napakababaero nung ikatlo!" Pang-aasar naman ni Calvin. Bestfriend ko rin. Ngumisi ako at nakipag-fist bump sa pare ko. "LAOS!" Sabay naming untag kay Maxine na asar kaming minura. Paglabas namin, pare-pareho kaming nagreklamo nang madatnan kami ng malakas na ulan. "Fak! Kung kailan kailangan ko ng umuwi agad, sisingit naman 'tong ulan sa buhay ko! Napaka wrong-timing!" Singhal ko at ginulo ang buhok ko. Buong araw akong hindi nagsuklay. Pinusod ko lang. Lalo tuloy nagulo. I don't care anyway. "Malapit lang bahay namin. Kaya naming takbuhin! Ikaw, tomboy?" baling sa akin ni Maxine. "Cal, may tanong ako. Alam mo ba kung bakit laging may dalang mapa si Maxine?" tanong ko. "Bakit?" sagot ni Calvin. "Kasi hinahanap niya pa yung 'Maxine-sincere' na magmamahal sa kanya! Baka kasi naligaw na sa sobrang dami ng paasa!” Nang bumaling ako kay Maxine, puno ng inis niya akong tinapunan ng tingin, lalo na nang tumawa nang malakas si Calvin. "Tumahimik nga kayo! Kapag talaga ako nagkaboypren, ipapagulpi ko kayong dalawa!" Para na siyang tutuklaw sa sobrang inis. Dinuro ni Calvin ang noo ng kaibigan namin. "Baka ako lang ang gulpihin! At ipagpalit ka kay Joy! Magandang tomboy 'tong gago na 'to eh," turo nito sa akin. Nainis lalo si Maxine at humalukipkip. Sinamaan ko naman ng tingin ang gagong si Calvin. "Sinong tinawag mong maganda?" nagbabantang tanong ko at tinaas ang kamao ko pero tumawa lang gago at inakbayan si Maxine na kaagad inalis ang braso nito. "Tatawagan ko lang si Aldrich," sabi ko. Iniwan na naman kasi ako ng gagong iyon! "Naku girl! Narinig kong tsismis kanina, may babae siyang isinabay pauwi!" imporma sa akin ni Maxine. Napasuntok ako sa braso niya dahil sa inis. "Ouch, Joy!" maarteng sabi niya at napahawak sa braso. Umirap lang ako. Masyadong late na. Pagabi na rin kasi nahuli kaming lumabas ng paaralan dahil may tinapos pa kaming group project nila Maxine. Tapos ang lakas-lakas pa ng ulan. Hindi ako makakauwi nito! Medyo malayo pa naman ang bahay namin ni Tatay mula rito! "Bwisit na Aldrich ka!" Iritado kong inilabas ang phone ko at idinial ang numero ng taong alam kong ayaw sa akin. Buti na lang ipinasa sa akin ni Aldrich ang numero ng kuya niya. There's no other option. Kaysa naman maghintay ako rito ng tricy ng sobrang tagal habang naliligo sa ulan! Palalim na ang gabi at rampant pa naman ngayon ang krimen. Lalaki ako pero hindi ako nag-aral ng taekwondo o martial arts para makipagbakbakan! Fak, baka may bogus pa rito o rapist! "Mauna na kayo. Tatawagan ko na ang susundo sa akin," "Sino?" tanong ni Maxine. "Si Kuya Andrew," pagsisinungaling ko. Dahil kapag sinabi kong si Lorcan, ay hindi na aalis itong si Maxine. Crush ata neto 'yung isnabero s***h arogante na 'yon! "Samahan ka na lang namin hanggang sa dumating si Kuya Andrew," suhestiyon ni Calvin ngunit mabilis akong umiling. "Huwag na," tanggi ko. Pinilit ko pa talaga silang umalis bago ko tinawagan si Mr. Arogante! Fak! Humahampas pa din sa akin ang malakas na ulan at hangin kahit naka-silong na ako! ########## Lorcan💗Joy Thank you and God bless everyone 🙏 Xoxo ☺️❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD