Chapter 14 (Reverse Psychology)

2563 Words
Matindi ang tinginan nilang dalawa na parang hindi magpapatalo ang bawat isa. Bawat isa ay may tinatagong masamang plano sa isa’t-isa. “Good to hear that, Mrs. Teng” sagot ni Jeff sa sinabi ng kanyang kausap “Masaya ako dahil may nalaman ka namang bago” “Oo naman. You have no idea kung ano ako kasaya ngayon” “Pwede ko bang malaman kung ano ang nalaman mo?” “Bakit gusto mong malaman?” “Wala naman. Para malaman ko ang rason ng kaligayahan ng future business partner ko” pagmamamlastik ni Jeff sa kanya “Kung okay lang naman” “Naku Mr. Hidalgo. Baka magulat ka sa sasabihin ko” “Try me, Mrs. Teng” “Sige. Kung iyan ang gusto mo” sabay tayo ni Madam Jean sa upuan “Nalaman ko kasi na ang tunay na José Hidalgo ay patay na, labing-isang taon na ang nakakalipas. Ibig sabihin, nakikipag-usap ako sa isang multo ngayon” sabay tingin niya kay Jeff “Sino ka ba talaga? At bakit mo ginagamit ang pangalan ng anak ni Don Rolando?” Napangiti na lang si Jeff sa mga ‘nalaman’ ni Madam Jean sa kanya. “He’s my father. Inampon niya ako at tinuring na bilang tunay na anak. Wala namang masama doon diba?” “No. Not at all” sagot naman niya “Ang akin lang naman ay magpaalam muna kayo” “Magpaalam??” ulit ni Jeff “Bakit gagawin namin yan??” “I don’t know. Maybe for security?” sabat niya “Kasi nagulat lang ako sa nalaman ko. Akala ko may gagawin kang masama sa amin kaya nagpapanggap ka lang” “For real?? Iyan talaga ang naisip mo sa akin, Mrs. Teng?? Nagdududa ka sa akin?” pagtaas ng tono ng boses niya “Hindi kaya ako ang magdududa sa’yo dahil sa attitude mong yan? For your incompetent, and insecure attitude? Hindi pa nga tayo nagkakapirmahan, nagdududa ka na?” “Hindi naman sa ganon, Mr. Hidalgo” sagot ni Madam Jean “Patawarin mo lang ako sa nagawa ko” “No. Alam ko na wala kang tiwala sa akin. At alam ko rin na nagdududa ka na ako si Jeff. Ako ang kapatid mo na matagal nang namatay. Kinakabahan ka dahil baka nagbabalik siya, hindi ba?” “Oo” sabay yuko ni Madam Jean “Sorry, Mr. Hidalgo. I didn’t mean to insult you” “See. Tama ako” sabat ni Jeff “I don’t believe it. Ganon ba talaga kakitid ang utak mo?? Baliw ka na ba??” “Hindi. Pero…” “…don’t need to explain. I had enough” sabay tayo din niya sa kanyang upuan. “Mr. Hidalgo, saan ka pupunta?” “I changed my mind. Ayaw ko nang makipag-invest sa inyo. Walang kwenta ang kumpanya mo” at tuluyan nang lumabas si Jeff sa silid at ng gusali. Samantala si Madam Jean naman ay natayo pa din at nagulat sa ginawa ng isa. *** Maagang umuwi si Nathan sa kanilang bahay pagkatapos ng kanyang trabaho. Nagdesisyon na lang siya na umuwi na lang muna para magpalamig sa naging away nila kagabi ng kanyang asawa na si Cindy. Nang pagpasok niya sa bahay ay nandoon si Nanay Joyce na nakaupo sa hapagkainan at katatapos lang magluto ng hapunan. “Nay” bati ni Nathan sa matanda at nagmano dito “Ang aga niyo ata nagluto” “Nababagot kasi ako, anak. Walang magawa eh, kaya nagluto na lang ako ng kakainin natin” “Ah ganon ba?? Ano ba ang linuto mo, nay?” “Ang paborito mo anak” sagot ni Nanay Joyce “Dinamihan ko na lang dahil alam ko marami ang kakainin mo” “Naku nay. Tamang-tama dahil gutom na gutom ako” “Kumain ka na, anak. Papasok muna ako sa loob ng kwarto ko” “Hindi nay. Dito ka lang” tanggi ni Nathan sa paalam niya “Samahan mo ako dito” Sinunod naman ni Nanay Joyce ang pakiusap ni Nathan sa kanya at umupo sa kanyang tabi. “Sige, dito na lang ako sa tabi mo. Panunuorin kita habang kumakain” Magkalipas ang ilang sandal ay halos maubos ang linutong adobong manok ni Nanay Joyce para sa kanilang hapunan na paboritong pagkain ni Nathan. “Naku nay. Pasensiya na po. Naparami ata ang nakain ko” sambit niya habang hinimas ang kanyang tiyan “Hindi ko namalayan na konti na lang pala” “Okay lang yun, anak. Alam ko naman na mauubos mo ang nilagay ko sa maliit na mangkok” sabat naman ni Nanay Joyce “Huwag kang mag-alala, may tinabi na ako para sa asawa at mga anak mo” “Ganon po ba?? Salamat po nanay” ngiti ni Nathan sa matanda “E ikaw po?? Tapos ka na bang kumain?” “Busog pa ako anak. Mamaya na lang siguro” at biglang tumahimik si Nanay Joyce na parang may naalala. “Nay?? Natahimik kayo” “Ha?? Wala anak. Naalala ko lang si Jeff” sagot ni Nanay Joyce habang nakangiti “Naalala ko lang yung mga araw na dumadating siya mula sa kanyang trabaho. Kahit anong pagod o gutom niya, hindi siya kumakain ng marami. Kahit paborito niya pa ang niluluto ko para sa kanya” kuwento niya kay Nathan “Minsan nga, dinadagdagan ko pa ng kanin ang pinggan niya pero nagagalit siya dahil busog na daw siya” “Baka nakakain na po siya sa labas, nay. Kaya kaunti lang ang kinakain niya” “Hindi anak. Malimit lamang siya kumakain sa labas. Hindi niya kasi gusto ang fastfood” sagot ni Nanay Joyce “Gusto niya daw kasi ang lutong bahay. Ang luto ko. Pero kahit nga ang mga luto ko bago siya mamatay ay hindi na siya minsan kumakain. Ewan ko sa batang yon” “Talaga nay?? E marami na siyang kumain ngayon eh. Minsan nga umoorder pa siya ng isang serve pa” at doon siya natigilan sa kanyang sinasabi. Nadulas siya at narinig iyon ni Nanay Joyce at napatingin siya sa kanya. “Anong sinasabi mo na ‘ngayon’?” “Ha?? Ehh. Wala po, nay” sagot ni Nathan at namumutla ang kanyang mga labi “Ang ibig kong sabihin ay nung nakidnap kami” “Nathan..??” hindi pa rin maalis ang mga tingin ni Nanay Joyce sa kanya “Magsabi ka ng totoo. May tinatago ka ba sa akin?” “Ha?? Wala po. Wala po, nay” “E bakit namumutla ka?” pansin niya kay Nathan “Ano ang ibig mong sabihin sa sinabi mo kanina?? Buhay ba si Jeff?? Buhay ba ang anak ko??” sabay hawak ni Nanay Joyce sa kanyang kamay pero napayuko na lamang ito “Ano??! Sumagot ka!!” “Nanay” sabay tingin din ni Nathan sa mata ng ina ni Jeff at napaluha ito sa mga susunod niyang sasabihin “Sorry po kung matagal kong itinago sa’yo ito” “Ang ano, Nathan?” habang kubakabog ang dibdib ng ina “Nakikiusap siya kasi sa akin na huwag ko munang sabihin sa’yo ito. Pero nadulas ako ngayon nay” “Ang ano nga??! Nathan naman. Sabihin mo ng direcho sa akin” “Napansin mo ba ang ilang mga araw na ginagabi ako sa pag-uwi?” tango naman ni Nanay Joyce “Doon ako dumederecho sa kanya, nay. Doon ako dumerecho sa anak mo. Kay Jeff” at si Nathan naman ang humawak sa mga kamay ng matanda “Nay, buhay siya. Buhay ang anak mo” Parang nasukluban ng langit si Nanay Joyce sa rebelasyon na sinabi sa kanya ni Nathan. Hindi niya talaga akalain at inaasahan na buhay pala ang kanyang anak. “Paano siya nabuhay? At sino ang taong nilibing natin noon?” “Hindi ako makakasagot sa mga tanong mo yan, nanay. Kundi ang anak mo” “Dalhin mo ako sa kanya, Nathan” pagtulo ng luha ng ina “Dalhin mo ako sa anak ko” “Sige. Pero huwag muna ngayon nay” “Bakit naman?” “Kasi pinapalamig ko pa ang away namin ni Cindy. Baka mahalata niya na rin” “Hindi. Hindi niya mahahalata dahil kasama mo ako” paniniguro niya kay Nathan “Ako ang magpapaalam sa kanya. Magtiwala ka sa akin” “Pero nay…” “Please. Nagmamakaawa ako Nathan. Gusto kong makausap ang anak ko” “Sige. Bukas na bukas din ay dadalhin kita sa kanya” Walang magawa si Nathan kundi sumang-ayon na lang sa pagmamakaawa sa kanya ng ina ni Jeff. Pero hindi nila namalayan na dalawa na nandoon pala sa itaas si Stephen. Nakaupo sa hagdan at nakikinig sa mga pinag-uusapan nilang dalawa. Pati siya ay nagulat sa narinig niya mula sa ama. Nagdesisyon siya na huwag niya munang isumbong ito sa ina dahil sisiguraduhin niya muna kung tama nga ang kanyang narinig. Kung buhay pa nga ang dating karelasyon ng kanyang ama. *** Samantala. Kakauwi lang ni Madam Jean sa mansyon na parang nag-aalala ito. Wala itong lakas sa paglakad habang papaupo ito sa sofa. Kinakabahan sa magiging reaksyon ng kanyang asawa. Sakto din na kakarating lang din ni Richard at kaagad pinuntuhan ang asawa sa sala. Masayang-masaya ito sa ibabalita ni Madam Jean sa kanya. “Oh Mahal” sabay beso sa asawa “Kamusta ka na?” “Okay lang naman” sagot nito “Parang masaya ka ata ah. Anong nangyari?” “Wala naman. Masaya lang ako dahil sa ibabalita mo sa akin” sambit ni Richard at umupo sa tabi ng asawa “So, ano ang balita?? May pipirmahan na ba tayong kontrata?” Natahimik na lamang si Madam Jean dahil kinakabahan ito sa ibabalita niya kay Richard “Richard. Meron akong ibabalita sa’yo” habang nakayuko at nakatitig sa sahig “Good. Haay, sa wakas, Jean. May ginawa ka na ring tama” habang nakatawa “Ano yun mahal na mahal kong asawa?” “It’s about Mr. Hidalgo” “And..?? What about him?? Pumayag na ba siya?” “Hindi. He backed-out” “What??!!!!!!” sigaw ni Richard at napatayo siya sa upuan “Bakit siya umurong?” “I’m sorry, Richard. May nagawa kasi akong kasalanan sa kanya” iyak ni Madam Jean sa asawa “Hindi ko sinasadya” “Ano na naman bang kahibangan ang ginawa mo, Jean?” “I hired a Private Investigator para malaman ko ang totoong pagkatao ni Mr. Hidalgo. Tapos sinabi ko sa kanya ang nalaman ko. Tapos nagalit siya sa akin, then, he backed-out” “Ano?? What the hell was that??!!” patuloy pa din ang galit niya sa asawa “Tungkol pa rin ba ‘to sa pagdududa mo sa kanya na siya ang namatay mong kapatid??!” “Oo. Pero…” “…Napakatanga mo, Jean. Wala ka na sa tamang pag-iisip. Baliw ka na” sigaw niya pa rin sa asawa “Hindi ko naman siya masisisi kung umurong siya dahil baliw ang kausap niya…!!” “Richard. Parang awa mo na. huwag mo naman akong pagalitan. Alam ko na nagkamali ako” “Shut up, okay?? Ayaw ko nang marinig pa ang mga pagmamakaawa at mga bobong rason mo sa akin” panduduro niya kay Madam Jean “Sana ako na lang ang humarap sa kanya. Siguro nasa atin na ang deal ng Hidalgo Breweries” Tangkang aalis si Richard sa harapan niya pero hinawakan ni Madam Jean ang damit nito “Please Richard. Just give me one more chance para makuha natin ang deal ng mga Hidalgo” pagmamakaawa niya sa asawa “Promise. Gagawin ko na ang lahat para mapasa-atin na” “No. I gave you chance, Jean” pagmamatigas ng asawa “Pero hindi mo ginawa ng maayos. Sinayang mo lang ang tiwala ko sa’yo. Pero don’t worry, gagawin ko na lang ang dapat kong gawin” “What do you mean?” “Ang ibig kong sabihin ay ipo-pull-out ko na ang shares ko” “Ano?? Huwag naman ganon, Richard. Mag-asawa tayo. Hindi mo magagawa sa akin ito” “Tanga ka ba?? Oo nga naman, bakit ko pa tinatanong dahil tanga ka nga” pang-iinsulto niya kay Madam Jean “Pinakasalan lang kita dahil gusto ko ang kumpanya mo. Gusto kong mag-merge tayo para lumakas at yumaman ako” “Ganon?? Ang sakit naman nun” “Bakit?? Hindi ba iyon din ang gusto mo? Iyon din ang dahilan kung bakit mo ako pinakasalan?” “Oo. Pero minahal din naman kita, Richard” “Minahal?? Hindi ko naramdaman ang pagmamahal na sinasabi mo” sagot niya asawa “Pero itigil na natin ito. Gusto kong maghiwalay na tayo, both our partnership in business and in marriage” Tuluyan nang umakyat si Richard at nagtungo sa kanilang silid upang magbalot ng kanyang mga gamit. Samantala si Madam Jean naman ay nandoon pa rin sa sala at hindi pa rin makapaniwala sa mga nalaman at desisyon ng kanyang asawa. *** Kinabukasan. Kakatapos lang tumawag si Gwen kay Jeff para ibalita sa kanya ang planong paghihiwalay ng mag-asawa at ang kanilang mga negosyo. “Sino yon, anak?” tanong sa kanya ni Don Rolando habang binababa ni Jeff ang kanyang telepono “Si Gwen, Papá” “Bakit? Anong sinabi niya?” “Haaay Papá” sabay ngiti ni Jeff “Nakikiisa talaga ang tadhana sa akin” “Ano ba ang nangyari, José?” “They’re planning to separate both their marriage and their businesses” “E bakit daw?” “Siguro nag-away ang dalawa dahil hindi ko na itutuloy ang pag-invest ko sa kanila” pag-aanalisa ni Jeff sa nangyayari sa dalawa “Ang dali-dali nilang manipulahin” “Pero ang sabi mo ay gusto mong mag-invest sa kanila?” “Oo Papá. Pero katulad nang sinabi ko sa’yo. Hindi pa muna ngayon” Napatingin silang dalawa sa pintuan. May kumakatok dito mula sa labas. “Sino yan??” tanong naman ni Don Rolando sa kanya. “Hindi ko alam, Papá” sagot ni Jeff at tumayo na lang ito at nagtungo sa pintuan “Titignan ko na lang kung sino” Hinawakan niya ang doorknob at pinihit ito upang bumukas. Nang pagbukas niya ng pinto ay nakita niya na nakatayo si Nathan sa labas. “Jeff” ngiti ni Nathan sa kanya. “Riley?? Bakit ang aga mo dumating dito?? Wala ka bang trabaho?” “Meron. Pero nag-absent ako eh” “Ha? Bakit naman?” “Gusto ka kasi makita ng isang tao na nagmamahal sa’yo ng totoo” “My god, Riley. Pwede ba? Stop that. Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na hindi na ako nadadala sa mga cheesy lines mong yan” “No. Hindi ako, Jeff” “E sino…?” Nagpakita ang isang matandang babae na nagtatago pala sa gilid ng pintuan. Napatingin si Jeff sa matanda at biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso. “Nanay…???” Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD