Ang sakit sa dibdib, parang bigla akong nanghina nang iniwan ako ni Garret at pinuntahan nito si Sabby. Tinatamad akong tumayo kaya nanatiling nakaupo lang ako sa semento. "Major?" Napaangat ang ulo ko nang may nakatayo sa aking naharapan. Si Lieutenant Roswell. "Major, anong ginagawa mo?" "Nagdadasal,"walang ganang sagot ko sa kan'ya. Narinig kong mahina itong napatawa. "Gusto mo ba ihatid kita?"ani niya. Tumango lang ako.Hindi ko kaya mag drive, baka maaksidente pa ako. Inaalalayan ako ni Lieutenant Roswell tumayo, siya na rin nagpagpag ng dumi sa pantalon ko. "Bakit nandito ka?"mahinang tanong ko sa kan'ya. "Pinapapunta ako ng mga kaibigan ko dito," Nakaramdam ako ng hilo nang nakatayo na ako, humawak ako sa balikat ni Roswell. Matangkad ako, pero sobrang tangkad din ni Ro

