May nakita akong maraming dugo.Maraming patay.Nasaan ako? "Bea?" "Ann!" "Nasaan kayo?" "Drake? Geo?" Shit! "Bry? Putang-ina huwag niyo ako pagtataguan!" Madilim! Bakit sobrang dilim?" Lumakad ako papunta sa kagubatan. Hindi ko alam pero parang hinahatak ang paa ko papasok sa gubat. "Jenny!" Nakarinig ako ng isang boses na tinatawag ang pangalan ko. "Jenny! Please !" Tumakbo ako papunta sa taong tinatawag ako. "Hey, nandito ako,"nakangiting saad ko sa kanila. Pero hindi nila ako pinapansin. Bakit umiiyak sila? May nakahiga sa lupa at iniiyakan nila ito. Lumapit ako. Nanlalaki ang mga mata ko. Bakit nandiyan ang sarili ko? Duguan at walang buhay! No! "Bea, nandito ako! Ann, hoy ano ba!" Hindi nila ako naririnig. Anong nangyari? Ang huling naalala ko, sumugod kami sa h

