Napatingin kami kay Gaia na palabas ba ito galing ng emergency room. Nilapitan ito ni Z "Kamusta siya?" "Patay na siya,"blangkong mukha na saad ni Gaia. "Review niyo ulit ang CCTV' footage,"utos ni Gaia kay Z. "Bakit?" "May mali sa CCTV, bantayan maigi si Senator.Selene? Tawagan mo si kuya Drake na umuwi muna sa Mansion, kailangan may kasama sila doon,"ani Gaia. Nakikinig lang ako.Kung i-review ang CCTV, baka makita kami ni Savannah na magkasama.Pasimple kong kinuha ang cellphone ko at nagsend ng email kay Savannah.Kailangan mahack ni Savannah ang CCTV footage. "Kuya Drake? Bakit kuya ang tawag mo kay Drake?"tanong ni Ann. "Kailangan makausap ko kayong lahat! Follow me!"diin na sabi ni Gaia sa amin.Napairap naman ako.Kung hindi ko lang ito kapatid, akala mo mapapasunod mo ako? Ts

