Palabas na ng bahay si Natalia nang tinawag sya ng kuya niya.
"Nat saan ka pupunta?"ang Kuya Mattheo niya
"MaY bibilhin lang muna ako dyan kina Aling Melba" sagot ni Natalia
"Pde.. makisuyo? Ngingiti ngiti ito kay Natalia.
"Bilhan mo na rin amo ng shampoo,naubusan n kasi"
"Cge kuya walang problema"at tumango ito sa kanya
"Teka may pera ka ba dyan?
"Dont worry kuya sagot kita"...sabi nito sa kuya niya. At nangiti naman ang kuya niya sa tinuran nito.
Ang ina nila ay nagtatrabaho bilang isang mananahi. Matalino at mababait naman ang tatlo kaya hindi ito nahirapan saka malaki naman na sila nang mamatay ang ama nila. Si mattheo ay nagtatrabaho bilang isang merchandiser sa isang mall sa kanilang probinsya... Matagal naman na itong nakatapos ng pag aaral. Pinili niya kasi munang makasama ang ina at ang mga kapatid hanggang sa makapagtapos na sila ng kanilang pag aaral. Si Cain kakagraduate lang noong nakaraang taon..Sa ngayon ay nagrereview naman sya pra sa board exam niya. At si Natalia naman ay nsa 2nd year college pa lng.. At dahil sya ang bunso at nag iisang babae halos bakuran na ito ng mga kuya niya. Walang nakakalapit na mga kalalakihan dito dahil gwardiyado ng dalawa niyang kuya. Ang iba napapakamot nalang ng ulo sa twing may tatangkang magpakilala kasi hinihila nila kaagad si Natalia papalayo..Ganun ka tindi..Pero ni minsan hindi naman nagrereklamo si Natalia dahil kilala naman niya ang mga kuya niya. At naiintindihan naman niya sila.