NATALIAs POV
Mula nang mamatay si papa sina kuya na ang gumabay sa akin lalo na si kuya Mattheo..Siya yung sobrang protective sa akin.. Sobrang lambinh kasi ni Kuya Mattheo kaya super close kaming dalawa.
Kakagraduate ko lang noon ng high school nang mamatay sa aksidente si papa. May pinapasada kasi siyang taxi.. Ito ang tanging bumuhay sa amin at ang pananahi ni mama. At dahil sa sobrang sipag ni papa lalo na't gagraduate na si Kuya Mattheo ng mga panahong iyun kailangan niyamg dumobleng kayod. Umaalis sya ng bahay ng maaga at umuuwi ng pananghalian at bumabalik na naman pra magpasada.. Pagod at puyat ang naging dahilan kaya nabangga ang taksing minamaneho nito. Buti nalang ay nakabig niya ang manibela bago pa man may madamay pa na iba..Kaya sobrang lungkot noon ni Kuya Mattheo nang mamatay si Papa... Panigurado kasing sobrang saya ni Papa dahil nakatapos na si Kuya..Architecture ang kinuhang kurso ni Kuya Mat. MATAlino si Kuya Mat..Mula elementarya hanggang mag high school ay nanguna ito sa klase nila..Kaya naman nang sinabihan siya ni Papa na sa University sya mag aral hindi na tumanggi sa Kuya lalot alam niyang baka mhirapan lang sina Papa na tustusan ang pag aaral niya.. Kumuha ito ng scholarship at nakapasok naman sya knowing he graduated valedictorian..kaya full ang scholarship na nakuha niya..May monthly salary pa.Naalala ko tuloy nong nag uusap si papa at si Kuya Mat..Nagkakape si Papa habang gumagawa naman ng project niya si Kuya Mat.
"Alam mo bang gusto gusto kong maging architect noon"..Sabj ni Papa.magkatabi sila ng upuan ni Kuya Mat. " Dahil sa mahirap lang kami noon at hindi kami kayang pag aralin ng lolo niyo..high school lng din ang natapos ko"...pagpapatuloy ni papa ng kwento niya. Napahinto naman si Kuya sa ginagawa niya at humarap kay Papa PAra makinig sa kwento niya.
"Lima kasi kaming magkakapatid.. Ako ang panganay. Pagkatpos ko ng high school nagtrabaho na ako para makatulong..." may lungkot sa mga mata ni Papa.."...pero wala naman akong pinagsisihan dahil alam kong nakagawa ako ng mabuti sa mga kapatid ko...sa mga lolo niyo"
"Talaga Papa?" Nagulat ito sa kinuwento ni Papa.. Ngayon lang niya kasi naibahagi ang tungkol doon. Kaya natuwa naman si Kuya ng sinabi niya kay papa na.." Eh di sayo pala ako nagmana..guwapo na matalino't masipag pa"natawa naman si Papa sa tinuran ni Kuya Mat.
Iniangat ni Papa ang tasa niya na may kape..Mainit pa ito kaya hinipan niya muna bago niya ininum..Pagkalapag niya ng tasa ng kape niya sa mesa..tinapik niya si Kuya Mat sa likod at magwika.."Okey lang ba sayo kung Architecture ang kunin mong kurso sa kolehiyo?" Sa sinabi ni Papa hindi ko makita si mukha ni Kuya ang pagkagulat o pagkalito man lng subalit parang nagliwanag pa nga mukha nito...
"Oo naman po...kaya lang.."masaya niyang sabi pero napahinto ito sandali parang nag isip pa muna. "....baka po kasi mahirapan lang kayo ni mama..Sobrang mahal kasi ng tuition pagka Architecture ang kursong kinuha ko. Saka tanging sa St Mary University lang ako pwedeng mag enroll..Sobrang mahal ng tuition doon.." malungkot na sabi nito kay papa.
Hindi naman kalayuan ang St Mary University sa lugar namin.. Isang sakay lng ng jeep mga kalahating oras na biyahe. Marami ang nakatirang mayayamang pamilya sa probinsya namin. GUSTO daw kasi nila dito sa probinsya tumira keysa sa siudad na maingay at polluted pa daw ang hangin..Kaya seguro naisipan ng may ari ng SMU( St mary University) na magpatayo dito ng school..Saka iilan lang ang mga paaralan dito..Seguro nasa dalawang private school at isang public school lang ang meron sa probinsya namin. Isa yun seguro sa mga dahilan ng may ari ng SMU kaya dito naisipang magpatayo ng isang malaking school..At ang dami naman talagang naka enroll sa SMU. ANG IBA sa kalapit probinsya pa nakatira.. Meron naman kasing sariling dorm ang SMU.
"Wala ka bang tiwala sa amin ng mama mo?pag aalo nito kay Kuya.
" Himdi naman sa ganun Pa..ayaw ku lang naman na nakikita kayong nahihirapan"
"Sa talino mong yan, wala kaming pagsisihan ng mama mo kahit na mahirapan pa kami...dahil alam naman namin na gagawin mo naman lahat ng makakaya mo pra sa pag aaral mo diba?..
Tumango lang si kuya sa sinabi ni Papa.
"Saka anak pwede ka namang kumuha ng scholarship..seguradong magiging isa ka sa mga scholar ng unibersidad..yan e kung payag ka?
Para namang nagliwanag ang mukha ni kuya..
"Huwag kang mag alala Pa..pagbubutihan ko ang pag aaral ko para makapasok ako sa St Mary University".sabi ng Kuya na para bang nabuhayan sa sinabi ni papa.
At hindi naman nagkamali si Papa.. Naging scholar ng SMU si Kuya Mat....At doon na din pinag aral ni Papa si Kuya Cain dahil may allowance naman si Kuya Mat every month..Full scholarship plus monthly allowance ang ibinigay nila ky Kuya.Kaya hindi na nahirapan sina Papa sa gastos nina Kuya Cain at Kuya Mat....Si Kuya Cain nasa 3rd year college na nang mamatay si Papa. Isang taon lang kasi ang pagitan nila ni Kuya Mat..Kaya marami ang nagsasabing kambal sina Kuya.Matangkad lang kasi si Kuya Mat Kay Kuya Cain..Same ang feature ng mga mukha nila..mas malaki lang katawan ni Kuya Mat..Fair complexion lang naman kami.. Wlang may maputi sa amin..but we're proud of our complexion that makes us stands out from others.
" Nat anong oras klase mo bukas? Si Kuya Cain nasa likuran ko na pala
"Ganun pa rin naman gaya kahapon...(napangiti kong sinabi sa kanya.)
"Hindi nga..seryoso kaya ang tanong ko"
"Same parin nga..8am sharp..."
I was puzzled sa itinanong niya..pero may hinala na ako kung bakit.
"Ako ang maghahatid sayo bukas sa school okey? Pupunta ako kina James..idadaan nalang kita sa school para hindi na maabala si Kuya Mat.." Si James ang matalik na kaibigan ni Kuya Cain. Wla pa din girlfriend ang kaibigan niyang yun..Minsan sinabihan pa niya si Kuya Cain na liligawan niya ako pero binantaan sya ni Kuya Cain na...."Subukan mo lang matitikman mo talaga kamao ko!"" Pagalit na sabi ni Kuya Cain ky James..."Hindi pa pwede ligawan kapatid ko..at kung ikaw lang wag na no,..wala akong tiwala sayo."sabi pa ni kuya sa kanya.
Napaangat ako nang mukha nang makita kong lumapit si Kuya Mat. Nasa sala kasi kami Nanonood kami ng tv ni Kuya Cain. Tumabi sya ng upo sa akin.
"Mabuti pa kasi maaga pa ang alis ko bukas ... may dadaanan pa muna ako bago didiretso ng mall." Inakbayan niya ako sa balikat at dumikit sa akin. Ang hilig kasi ni Kuya Mat na akbayan ako...May iniabot siya sakin. Nilagay niya sa palad ko. Pera. Binibigyan niya kasi ako ng pera pagnakasahod na siya. Pandagdag allowance. Tiningnan ko sya at nagpasalamat sa kanya.."Thanks Kuya..!" BIGLA niya akong niyakap. Saka agad na tumayo. Tutok na tutok lang kasi si kuya Cain sa pinapanood niya. Napansin ko na sobrang lungkot ni Kuya Mat..sinundan ko sya ng tingin pagkatayo niya at pumasok na siya diretso sa kwarto nila ni Kuya Cain. Magkasama kasi sila sa isang kwarto...Napakibit balikat na lang ako.
Kinaumagahan, maagang nagising si Kuya Cain. Si Kuya Mat naman paalis na. Sabi niya kasi kagabi maaga siyang aalis. Tinanong sya ni mam bakit maaga syang aalis.
"Mat bat ang aga mo namang aalis?"..si mama
" May dadaanan pa kasi ako Ma kaya kailangan kung makaalis ng maaga para hindi ako ma late ng pasok sa trabaho....cge po alis na ako!" Sagot nito kay mama at nagpaalam na. Pero bago pa nakalabas ng pinto tinapunan niya ng tingin si Kuya Cain.." Cain si Nat ha ihatid mo...." habilin nito kay Kuya Cain..Dali-dali naman syang sumagot ky Kuya Mat...." Yes Kuys!.." at nagsaludo pa. Natawa naman kami ni mama..Ang OA kasi ng dalawa kong kuya..."Kuys" yun ang tawag ni Kuya Cain ky Kuya Mat..Kuya-Kuys ganun.. Simula ng maliit pa kasi sila ganyan na tawag ni Kuya Cain Ky Kuya Mat..Minsan nga Kuys din tawag ko sa kanila.
Naglalakad na kami ni Kuya Cain. May dalawampung metro din kasi ang lalakarin namin bago marating yung gilid ng kalsada. Medyu gubat na kasi yung samin malapit na sa paanan ng bundok...Huminto ito saglit at inayos ang buhok ko. Mahaba kasi ang buhok ko, straight lang sya at manipis. Parang rebonded pero natural lng talaga sya.. Namana ko daw kasi ang buhok ng lola ko sa side ni papa.Nilagyan ko lng kasi ng pin sa bandang kaliwa ang buhok ko...may nabuhol ata na buhok kaya inayos niya..Saka nagpatuloy na kami sa paglakad hanggang sa dumating na kami sa may kalsada at naghintay nang masasakyang jeep.
Pagkasakay ng jeep si Kuya Cain yung unang umaakyat ng jeep..as always ganun talaga sya... He make sure na hindi lalaki ang makatabi ko sa upuan..Nakasanayan ko na. Minsan anun din si Kuya Mat pag nakita niyang may mga lalaking pasahero. Kahit ganun ka OA ng dalawa kung kapatid ay sobrang natutuwa talaga ako sa gestures nila.. Dahil ramdam ko ang pagmamahal at care nila sa akin..