Its a busy day paano ba naman eh andaming new hire dito sa company so eto ang ganap puro mga paperworks.
"Mamatay na kooo!"singhal ni Selene sa kabilang table dineadma ko lang sya at pinagpatuloy ang ginagawa ko hanggang sa ilang minuto lang ay nangalabit na naman sya.
"Selene kung ayaw mo mag work wag mo ako idamay mag fifile ako ng leave next week dapat di ako matambakan ng task" asik ko a muli syang tinalikudan.
"Saan naman ang ganap mo?"tanong nya di ko sya kinibo kasi i know pag sinagot ko yung questions nya tuloy tuloy na to hanggang sa wala ng matapos na work.
"Ang sungit mo tse!"sigaw nya kaya natawa nalang ako. Sorry not now siz im busy for my future.
Nang matapos ang work hours namin dumiretso kami sa isang milktea shop near lang din sa office tutal Friday ngayon at sahod ang downside lang eh Friday the 13th kaya wag naman sana malasin hindi ko kakayanin! Char!
“Madaming bagong hired puro guys din”sabi ni Selene while drinking her Milktea ayan puro panlalaki ang iniisip akala mo walang boyfriend. Napairap ako at itinuon ang tingin sa lalaki sa harapan namin.
Its Him..
I looked at Selene and I don’t think na napansin nya tong Office Nurse namin na kinababaliwan nila Arki. Speaking of..
I saw Arki and Glenn sa labas ng milktea shop at pasimpleng sumisilip sa gawi ni office nurse na busy sa pag cecellphone nya may kasama syang 2 tao isang girl at isang boy I think mga friends nya? Maybe? Or Girlfriends?
“OMG!!!!”biglang sigaw ni Selene at halos lahat ng tao sa loob ng shop napatingin samin even si kuyang nurse at yung mga kasama nito agad kong hinila yung buhok nya pero mahina lang yun.
“Hoy ang ingay mo! Nakakahiya ka” singhal ko sya naman tong natawa.
“Sorry na nagchat kasi si Mommy Josie pupunta daw sya dito to treat us”sabi nya pa kaya napangiti ako. Walang tatanggi sa libre.
Anyways Mommy Josie is the eldest workmates that we have. She is nice pero laging English speaking kasi OFW sya and been there in abroad for like 30-40 Years I think based sa kwento nya im not sure excat pero yung lang ang tanda ko.
Minutes passed we saw Mommy Josie enter the shop and smiling at us. At ayun nga nakabuntot din sila Arki, Glenn at Andrei ngiting ngiti ang mga mokong. While Arki? He looks sa confused and parang iniiwasan tignan si Kuyang nurse eh kanina lang todo silip sila. Abnoy.
“Hello Mommy!” sabi ni Selene at agad na bumeso dito at tinulungan sa paghila ng upuan.
“Hi Selene! Hi Rion! How are you? I am very very tired lot of new applicants”sabi nya at sumasapo sapo pa ng noo nya. Napangiti naman kami.
“Ako Selene walang beso?”tanong ni Andrei kaya tinaasan lang sya nito ng kilay na tila nandidiri.
“Eww”yan lang ang sabi ni Selene kaya natawa kami.
Ininom ko na yung milktea ko ng bigla bigla nalang akong sikuhin ni bruha.
“Shett andyan pala si Koyang Nurse!”sabi nya pabulong yun pero ramdam mo yung kilig na parang kinukurot yung singit. Agad ko syang tinignan.
“Kanina pa yan dyan ngayon mo lang napansin? tsk”Pang aasar ko kaya bigla nya akong sinamaan ng tingin.
“Di mo manlang sinabi sakin”singhal nya di nako kumibo dahil napapansin kong napapatingin yung mga kasama nila samin.
Hindi ko talaga makuha bat poging pogi sila dito. I know maganda sya pumorma para syang Japanese Modern Guy or Korean Outfit style basta yung tulad sa mga J-Drama at K-Drama. He usually wear black clothes and even yung bottom pants nya then his hair? Its so neat napaka linis nyang tignan.
Oppa ganon!
Bigla nalang nagtama yung tingin namin pero agad ko ding tinuon yung tingin ko sa bintana tumahimik nalang ako tutal maiingay naman yung mga nasa harapan ko.
“What do you want?”Its mommy Josie asking us kung ano daw oorderin namin since may milktea na kami nag pa order nalang kami ng cake while kila Arki milktea. I looked at Arki na parang nagiging weird na naman ever since na nagkakilala kami its like something wrong with him.
“So Arki! Alam mo namang parang pineperahan ka nalang nung lalaki pero andon kapa din? Tanga kaba? Di na nga ikaw mabigyan ng commitment” sabi ni Selene napaka ingay talaga rinig na rinig sa buong shop yung boses nya minsan talaga gusto ko nalang sakalin to eh.
Anyways si Arki kasi meron syang tinatawag na “Partner” pero walang sila pero sinusuportahan nya yung guy financially alam nya naman palang may ibang kalandian yung guy eh pero tsk tanga pa din sya.
“Alam mo Arki kung ako sayo ako nalang suportahan mo bigay mo nalang sakin hindi pa sayang”pabiro kong sabi kaya tinignan nya ko na parang nagtataka.
“Joke lang yun!”sabi ko agad bigla na namang sumabat tong si Selene
“Anong joke! Totoo yun Arki bigay mo nalang samin ni Rion”seryosong sabi nya natawa naman ako at tinapik sya di sya marunong magseryoso.
“Arki Arki you know if the person is mistreating you leave them they are all asshole to do that to you there is a lot of girls for you outside”Mommy Josie said.
“Mommy Arki’s partner is not woman its man”sabi ni Andrei
“Ah okay!”sabi ni mommy kaya lalo kaming natawa nag kwentuhan lang kami dun ng kung ano anong kabalbalan hanggang sa mag si uwian na kami
“San daan nyo?”tanong ni Glenn sakin tinuro ko naman yung sakayan ng ejeep
“Sabay sabay na tayo”sabi pa ni Andrei
“Sorry guys I have date! Babush!”sabi nya pa at mabilis na umalis. Tignan mo yon kanina lang puro lalaki pinag uusapan pero makikipag kita din naman sa boyfriend nya.
Nag intay nalang kaming apat dito ng ejeep since lahat naman kami pa Cainta.
Halos puno yung ejeep at paalis na ng biglang sumulpot tong si Kuyang Nurse at nasa tapat ko pa!
Bakit parang ang saya ko naman ata?
Agad ko nalang inilabas ang aking Iphone 14 Pro Max Fully paid at kinonek ang aking airpods pro 2nd generation fully paid. Well ayoko kasi ng hulugan mas lugi ako doon kaya iniipon ka nalang at bibilhin ko nalang ng isang bagsakan. Mas tipid.
Assuming na ba ako dahil feel ko eh tinitignan nya ako?
Natawa ako sa iniisip ko agad kong inopen yung messenger ko at chinat si Selene. Pasimple kong pinicturan ang lalaki sa harapan ko and I didn’t realize na naka bukas pala ang flash.
Lahat sila napatingin sakin lalo na si kuyang nurse. Nakita ko yung mata nyang sumingkit at tila nagtataka.
“Hala sorry po napindot ko yung flashlight” palusot ko pa tumango lang sya sakin at muling tumingin sa phone nya.
NAKAKAHIYA!!!
Agad kong pinara yung sasakyan at bumaba agad narinig ko pang tinawag ako nila Andrei pero di ko na sila nilingon sa ngayon ang nasa isip ko ay mapalayo doon dahil super nakakahiya!
Naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko sa bulsa inopen ko yun habang nag iintay ng ibang masasakyan.
“Hoy! Anduga mo naman!!”chat nya sakin kaya natawa ako atleast nainis ko si Selene. Nilagay ko nalang yung phone ko sa bag at sumakay na sa parating na Ejeep.
Nang maka uwi ako sa bahay napansin ko yung mga kapatid ko na nasa labas kaya kunot noo ko silang tinanong.
“Bakit kayo nasa labas? Gabi na oh tapos malamok pa”sabi ko at tinignan naman ako ni Rana based sa expression ng mukha nya mukhang may tao sa loob ng bahay.
Pumasok ako sa loob at nakita ko si mama at ang sinasabi nyang boyfriend nya. Kaya pala sila nasa labas dahil andito tong lalaki na to. Hiwalay na kasi si Mama at Papa dahil nga di sila lagi mag kasundo it all started ng mahuli ni mama si papa na may babae. Start non laging dudahan na ang nagaganap hanggang sila na din ang sumuko.
Si papa? Andun sa bago nyang kinakasama while si mama ayan may iba na din. Anyways apat kasi kaming magkakapatid at syempre hindi ako yung panganay ako yung pangalawa saming magkakapatid. Si kuya naman may pamilya na.
“Rion andyan kana pala nakita mo ba mga kapatid mo? Sabi nila bibili lang sila pero hanggang ngayon di pa din dumadating”nakangiting sabi ni mama agad kong nabasa ang mukha nya and shes aware na nasa labas lang sila Rana at ayaw pumasok ng bahay dahil sa ibang tao na andito.
“Diko alam eh baka pabalik na yung mga yun”sabi ko matipid akong ngumiti sa lalaking nasa harap ko dahil alam kong tinitignan nya ako nag naghihintay kung I aapproach ko ba sya.
“Kamusta ang trabaho?”tanong nya at inabot sakin ang isang baso ng softdrinks. As a mabait na anak ni mama inabot ko yun at umupo sa kaharap na upuan. Well open minded naman ako and im still wanting happiness para sa mama ko.
“Okay naman po medyo nakakapagod dahil sa daming task”sabi ko at ngumiti I looked at my mom she smiling at me so I smiled back. She’s not that young anymore and all I want is happiness for her nung nag start mambabae si Papa ako at si Kuya palang ang may isip non like kami palang ang nakaka intindi ng mga nangyayari yung dalawang babae kong kapatid they are too young that time and possibly di na nila naalala yun which is good kasi I know how hard for us.
We are a happy family but because of that our Happy Perfect Family ruined.
Hindi ko masisisi si mama kung may iba na sya ngayon I prefer that atleast may kasama pa din sya in any case man. Maturity as it finest! Lol.
“Rion kain kana nagluto ako”sabi ni mama tumango naman ako ang tumayo na para magpalit ng damit ang chinarge na ang phone ko dahil low battery na. Nang makalabas ako sakto naman ang pagpasok ng dalawa kong kapatid. Pansin ko na talagang ayaw ni Rana sa boyfriend ni mama.
Then I realized na hindi ko pala alam ang full name nya basta ang alam kong tawag sakanya ni mama ay Martin.
Well may itsura naman yung si Tito Martin at mukhang maayos sa katawan dahil sa kabila ng edad nito eh napaka ganda pa din ng tindig no wonder ganyan si mama sakanya. I think single dad din si Tito Martin di ko na masyadong inaalam since sa pagkaka tanda ko pang tatlong lalaki na sya na dinala ni mama dito ever since ng maghiwalay sila. So diko na muna pina ngungunahan magtanong baka kasi mausog na naman at magdala na naman ng ibang lalaki si mama.
Nagpaalam nako sakanila na sa loob na ko ng kwarto magpapahinga para din di sila mailang ganun din ang mga kapatid ko. Tinanggal ko nalang yung phone ko sa pag kakacharge at inopen yun medyo nawindang ako sa part na andaming notifications at galing yon sa mga GC’s, mentioned ng mga siraulo kong kaibigan.
Nag scroll nalang ako at nag paantok.
I look at the time 1AM na pala?
Im about to off my wifi ng may nareceive akong text galing kay Anne si gaga nasa gimikan ngayon at nag aaya ng inuman. Speaking of Anne she’s one of my workmates too like Selene pero she resigned so now shes’ working as one of the real estates agent sa daan. Char biro lang she’s really an estates agent at mas malaki daw ang kita doon sabi nya well usually yung mga clients nya eh napipick up nya sa club.
Well para paraan para mabuhay ika nga nila, Well she is single though pero may anak na sya so kelangan nya talaga kumayod.
Dahil sa sobrang pangungulit nya pumayag nako at nagbihis na malay mo naman may makita akong pogi doon diba. Ay lande.
Dumating na yung grab na binook ni Anne syempre sagot nya ang pamasahe ko sya nag aaya eh Ilang minuto din naman nakarating din ako sa Cresto Bar. Alam ko bago lang tong bar medyo malayo layo ng onti mula sa bahay since I think yung travel time ko is 45 minutes around Makati na kasi.
Agad kong hinanap kung asan si Anne sa sobrang liit non baka diko talaga sya mapansin until sa marinig ko ang familiar na sigaw.
“Rion!!! Here!!”sigaw ni Anne napangiti naman akong at umakyat sa 2nd floor since hanggang 3 palapag tong building.Nice ambiance sa 1st floor lang maingay dahil andun yung dance floor at kung ano ano. Sa 2nd floor dito yung mga tao na gusto mag chill lang I think sa 3rd floor yung mga VIP rooms. Im not sure pero feel ko lang hahaha bakit ba?
“Ayan ha Anne puro ka walwal”sabi ko at umupo na may mga kasama sya dong babae? Ewan ko pero mukha kasing bakla eh lol coming from me.
“Anne ayan na bang ang alay mo samin?”sabi nung kasama nya at malagkit na tumingin sakin nakaramdam naman ako ng medyo medyong pandidiri hahaha ewan ko ba bakla ako pero mas attracted pa din ako sa guy na lalaki pumorma.
Napangiti nalang ako sakanila.
“Sorry mga sis pogi din ang hanap nyan”sabi ni Anne at tumingin sakin at kumindat pa. Okay lasing na talaga to. Ano kaya meron? Hmp alam ko madami tong sugar daddy eh pero di lang sya palahingi kung kami ni Selene nyan ubos pera ng sugar daddy samin! HAHAHA char lang.
Nag inuman lang kami doon at maya maya eh mas umiingay na mas dumadami yung mga tao sa ibaba. Tumayo lang ako dito sa parang fence at tinanaw nag mga taong nag eenjoy sa ibaba yung iba may mga kapartner na at puro SPG na ang ginagawa. Natawa naman ako iba talaga nagagawa ng alak sa katawan. Well if you don’t know how to control it will ruined you.
“Rion ano hindi ka ba sasama sa ibaba?”tanong ni Anne na gumegewang na agad ko syang inalalayan.
“Magpawala ka na ng tama mamaya mapaano ka sa ibaba”sabi ko at tinignan sya ngumiti lang sya at sinenyasan ako at nilapit ang ulo nya sa tenga ko
“Di pa ako lasing sis kunware lang to para makahanap ng buyer”sabi pa nya kaya bigla akong natawa at natulak
“Dito ka lang sabay na tayo umuwi si Selene papuntahin mo nga”sabi nya in lasing na tono. Napa iling lang ako at tumingin sa orasan ko its past 3 AM na tulog na yung si Selene ngayon for sure at kasama ata nun yung boyfriend nya.
Bumalik nalang ako sa table namin at uminom doon. Nag online nalang ako sa f*******: at chineck kung naka online si Selene. Online nga pero di nya sineen yung mga chat ko deadma yan?
Di ko namalayan nakatulog ako at nakaramdam ng may tumatapik sa balikat ko..
Im shocked like.. SHOCK.
To be continued..