The Vampire's Contract Chapter 33 "Oh we meet again, nice girl" she said. Pero ngayon ay mas elegante syang tignan sa black dress nya. Sabay namang yumuko ang lahat ng nandun pati narin si Justin. "Welcome back, my lady" ang sabay nilang bati dito. "Sige na, magsitayuan na kayo. Marami pa tayong gagawin" ang ma-awtoridad nyang sabi saka sya napalingon sa akin at ngumiti. "S-sino k-ka?" ang tanong ko. "So...ikaw pala ang babaing bumihag sa puso ng Vampire's ancestor" she said then smiled. "Ako nga pala si Suzanne Montez. Ang leader ng Exodus. Nice meeting you again, Jane" "P-paano mo nalaman ang pangalan ko?" She smiled. "Lagi kang ikinukwento ni Justin" Napalingon naman ako kay Justin na ngumiti sa akin. Naglakad sya papunta sa akin at hinarap ang nakaharap parin sa akin na si

