The Vampire's Contract Chapter 35 Iminulat ko ang mga mata ko at ang unang naramdaman ko ay ang patak ng ulan. Anong nangyari? Oh right, tumilapon pala ako dito dahil sa lakas ng sigaw ng lecheng bampirang iyon. Tinanggal ko ang nakadagan sa akin na mga semento at tumayo. Saka ko hinanap ang espada ko. And then, lumingon ako sa direksyon ng traydor kong bestfriend. At nakita kong umiiyak ang lider namin. I gritted my teeth. Hindi. Hindi matatapos ng ganito ang lahat ng ito. Kailangan kong ipaghiganti si Erik. Nang malaman ko kay Justin ang totoong nangyari kay Erik ay sumali ako kaagad sa organization na ito. Ini-train ako sa paghawak ng espada at combat. Ginamit ko ang galit ko at pagkasuklam ko sa ex-bestfriend ko at sa mate nya para maka-survive sa hirap ng mga trainings.

