Chapter 23 "Papa, ano pong meron? Bakit po maaga niyo akong pinauwi sa trabaho?"nagtatakang tanong ko nang makauwi ako. Tumawag kanina si papa at pinapauwi ako. Akala ko ay emergency kaya nagpaalam agad ako sa boss ko sa trabaho. Papa remained silent. Nandito ang private investigator ni papa na di kalaunan ay nagpaalam na din at umalis. "Papa? May emergency po ba? What happened?"nalipat kay mama ang tingin ko na nasa tabi ni papa. Hindi nakatingin si mama saakin dahil na kay papa ang buong atensyon nito. She was worried. Kita sa mukha nito ang pag-aalala. "Ma------"nabaling sa ibang direksyon ang mukha ko nang tumayo si papa at malakas akong sinampal. Hindi agad ako nakabawi sa gulat dahil sa ginawang pagsampal saakin ni mama lalo na at ito ang unang beses na pinagbuhatan ako ni papa

