Nagbigla ako sa kinilos ni Darius at sa sinabi nito. Pero bigla akong nagka-idea kung ano ang dahilan kung bakit mabait siya sa akin. Kaya pala sabi niya ay three years ago ang pangyayari at niligtas ko ang buhay ng niece niya. Isang pangyayari lang naman three years ago ang muntik ko nang kinamatay dahil sa pagliligtas sa isang bata na noo’y nasa 3 o 4 na taong gulang pa lang. “Yes, Natalia. That’s why I know you. Kahit sa pangalan at mukha lang ay hindi kita kinalimutan. It’s just one night pero tumatak ka sa isip ko. Nag-try ako na ipahanap ka, pero nabigo ako. Hindi ka nakatira sa lugar na ‘yon kaya nahirapan ako. Tumingin si Darius kay Ronan at doon ito nag-kwento kung ano ang nangyari kaya may utang na loob sa akin si Darius. ‘Yung pamangkin nito ay ang batang niligtas ko three ye

