Episode 14

4838 Words
"Determination can be the foundation to do what you wanted to do or to have. And that character will gain more supporter and friend to lean on." - Rhen A. -Irish P.O V- Sabi nila maraming bagay sa mundo ang hindi mo inaasahan na malalaman mo, yung mga bagay na hindi mo inaakalang makakasakit sayo. Sabi pa nila hindi fair ang mundo, dahil kung sino ang may magandang ugali ito pa ang nasasaktan ng todo. Wala naman siguro akong ginawang mali nung past life ko para pagdaanan ko ang pinagdadaanan ko ngayon. Nagkaroon ako ng sakit na pwede kong ikamatay at Nagmamahal ako sa isang lalake na hanggang ngayon ay mahal na mahal parin ang babaeng wala na pero hindi nya parin mabitawan. Gusto kong isipin na challenges lang itong nararanasan ko at in the end mapagtatagumpayan ko lahat ng ito kaya lang sa tuwing naiisip ko lahat ng mga sinabi ni Demon sa akin tungkol kay Paxton at kay Tanya, kung paanong nawala ito ng hindi inaasahan ni Paxton, kung paano sinabi ni Demon ang pagdurusa ni Paxton ng mawala sa kanya ang babaeng mahal nya parang mahirap magawa ang gusto kong mapalapit si Paxton sa akin. Pero kahit alam kong mahirap gusto ko parin subukan. "Tulala ka yata Tanya, ayos ka lang?" Napalingon ako kay Demon na naglapag ng isang basong juice sa harapan ko at umupo sa tapat ko, kung pwede lang na sabihan ko si Demon na Irish nalang ang itawag nya sa akin dahil kahit ako parang nahihirapan na banggitin ang pangalan na 'yun pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. kasama ko pala sya ngayon at narito kami ngayon sa isang music room sa bahay ni Blue para magpraktis ng kakantahin namin para sa binyag ng bunsong anak na babae ni Gail at Taz. Wala si Kuya ng sinundo ako ni Demon, nagpaalam sya sa akin na three days sya sa Nueva Ecija para sa business trip nya, ayaw nya sanang tumuloy pero dahil kailangan nyang sumama ay pinilit ko pa si Kuya at dahil alam kong hindi sya mapapalagay na iwan ako mag isa sa bahay, nag suggest ako na sa bahay muna si Mel habang wala sya na ikinasang ayon na ni Kuya. Kaya lang hindi ko kasama si Mel ngayon dahil pinatawag sya ng prof nya. Nung umiyak ako kay Mel dahil sa sakit na naramdaman ko sa nalaman ko kahit nakikita ko na gusto nyang magtanong sa akin ay hindi nya na ako kinulit, sinamahan nya lang ako hanggang sa tumigil ako sa pag iyak hanggang sa pagdating ni Kuya, swerte nga ako kay Mel dahil hindi nya na sinabi kay Kuya ang pag iyak ko dahil i'm sure mag aalala at magtatanong lang si Kuya at alam kong alam nya na hindi magandang pagalalahanin si Kuya Orlin. "Na-nag iisip lang ako ng magandang kanta, para kasing masyadong malungkot yung suggestion ni Tadeus na Ikaw Pala." pahayag ko na pagkasabi ko sa pangalan nya ay nakatayo na sa likuran ni Demon. "Talaga ba? Romantic kasi 'yun i think, pero kung nalulungkutan ka sa kantang 'yun pwede mong palitan." sambit ni Tadeus na ikinasulpot naman ni Blue sa tabi ni Tadeus at inakbayan ito. "Baby Shark nalang Irish, magugustuhan pa 'yun ni baby Light." ngiting suhestiyon ni Blue na sabay syang nilingon ni Tadeus at Demon. "Gago!Sa dami ng bisitang darating kina Boss Taz talagang ipaparinig mo sa kanila ay Baby Shark?" sita ni Demon kay Blue na ikinakunot ng noo nito. "Anong masama sa Baby Shark? Para naman kay Baby Light 'yun." depensa ni Blue na ikinaalis ni Tadeus sa pagkaka-akbay ni Blue sa kanya. "Hindi ko alam Ynarez kung nag iisip ka ng ayos sa sinabi mo eh, aware kaming Baby shower ang gagawin nina Bossing pero dude baby shark?Seriously?." "Wala naman akong nakiki----" "Huwag ka ng mag suggest Asul hindi nakakatulong." Lahat kami ay napalingon kay Lunova na kapapasok lang na may dalang isang bowl ng chips at umupo di kalayuan sa amin. "Oi Luietenant wala ka bang duty o mission ngayon at narito ka?" sitang tanong ni Demon kay Lunova na nakasandal na sa inuupuan nito habang kumakain ng dala ng chips. "Meron, but i need to have a break Mondragon, hindi mo bahay 'tong tinutungtungan ng mga paa ko kaya wag kang umangal sa presensya ko anak ni Lucifer." Napangiti nalang ako sa magka-kaibigan na ito, nag aasaran sila at nagkaka pikunan pero sa tingin ko ganun lang sila magpakita ng pagmamahal at suporta sa isa't-isa. Ang sarap nilang panuorin pero masakit na sa tenga pag nagbangayan. "Wala na bang makikigulo sa bahay ko?Kayo lang ba, Demon, Tad at Lu?" tanong ni Blue na nakatayo na malapit sa electric guitar nya. "Don't worry Ynarez, wala ng dadagdag. busy ang mga may asawa nating mga kaibigan, 'yang kambal ni Mondragon ay wala namang interest sa ganito so i'm sure binuburo nun ang sarili nya sa kwarto nya. Ringfer is not interested too while LAY was with his twin to accompanying L.A in the mall. Valenzuela was busy talking to his new big client so yeah, kaming tatlo lang ang makikita mo Ynarez." pahayag ni Lunova na ikinatayo ni Demon sa kinauupuan nya at napamewang pa. "Apat tayo Lu, wala palang 'yung isa na dapat ay naririto na. Tss! sinasadya ng hudyo na 'yun na dumating dito ng matagal." naiiling na angal ni Demon na bahagya kong ikinayuko. Speaking of him, ang totoo nyan gusto ko talaga syang makita, simula ng tumibok ang mahina kong puso para sa kanya ang mga mata ko ay gusto lagi syang makita. Pero sa mga nalaman ko na pinagdadaanan nya hanggang ngayon kahit taon na ang lumipas, hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanya. Ayaw nya sa akin, visible 'yun lalo na at katulad ko ng pangalan ang babaeng minahal nya i mean mahal nya. Sabi ko sa sarili ko, gagawin ko lahat para mapalapit at mahulog sya sa akin pero ngayon hindi ko na alam kung paano ko gagawin 'yun. Sabi ng ilan, ang pinakamahirap na mahuli ang puso ay ang pusong nadurog dahil sa pag-ibig at nadurog si Paxton ng mawala sa kanya ang babaeng mahal nya. Susubok pa ba ako? Napailing ako sa naisip ko, bakit ba pinanghihinaan na ako ng loob? Hindi pa naman ako masyadong sumusubok. Kailangan kong mag effort kung gusto kong mapalapit si Paxton sa akin. Mahirap gawin pero gagawin ko pa din dahil hindi lang pagkagusto ang nararamdaman ko kay Paxton.... Mahal ko si Paxton.. "Ito ang unang beses na gagawin 'to ni Paxton, malamang napipilitan lang 'yun. Tsaka lagot 'yun kay Boss Taz pag hindi sya dum---" Hindi natuloy ni Blue ang sasabihin nya ng bumukas ang pintuan ng music room na sabay-sabay naming ikinalingon sa dalawang gwapong lalaki na hawak hawak si Paxton sa magkabilang braso nito na may inis na makikita sa mukha nya. "Heiro and Arkin?" tawag ni Demon sa dalawang gwapong lalaki na may hawak kay Paxton. "Were here to deliver Mr. Ignacio as my lord ask me to brought him here." pahayag nung isang lalaki na may hawak sa kanang braso ni Paxton. Gwapo 'to at halatang may foreign blood sya dahil sa mga mata nito. "Pasensya na kung natagalan kami, nahirapan kami ng bahagya sa pagdala kay Mr. Ignacio dito." pahayag naman nung lalaking nasa kaliwa ni Paxton na poker face na ikinatabig ni Paxton sa pagkakahawak ng dalawa sa kanya na ikinabitaw ng mga ito sa kanya. "Pwede nyo naman na kasi akong bitawan, pakisabi sa mga amo nyo, Gago silang dalawa! Huwag silang papakita sa akin lalo na si Amadeus!" asar na asar na banta at bilin ni Paxton sa dalawa na sa tingin ko ay parang wala lang sa kanila ang sinabi ni Paxton. "Makakarating Mr. Ignacio, mauna na kami." Walang paalam na sinara nung lalaking may mabait na awra ang pintuan ng music room, mukhang umalis na sila at talagang dinala lang si Paxton dito. Nakatuon lang ang mga mata ko kay Paxton na nakikita ko sa mukha ang inis at pagkabagod pero kahit ganun hindi ko maiwasang titigan sya. Malakas na kumabog ang dibdib ko, hindi sa inaatake ako ng sakit ko pero sadya atang ganito ang epekto ni Paxton sa akin. Kumakabog ang puso pag nakikita ko sya at malapit sya sa akin. "Oy! Ignacio, alam mong importante ang ganap mo sa baby shower ni Light tapos papahabol ka pa sa mga butler ni Fritz at Amadeus, bata lang Ignacio?" "Walang pakielamanan ng trip Mondragon." bagot na sambit ni Paxton na ikinalapit ni Demon sa kanya. "Play nice Ignacio, nag volunteer ka dito tapos iindyanin mo kami." sita pa ni Demon na masamang tingin ang ipinukol ni Paxton sa kanya. "Sapakin kaya kitang anak ni Lucifer ka! Volunteer my ass, ikaw 'tong tangnang nagtaas ng kamay ko sa kalokohan na ito eh! Balian kita ng isang buto dyan makita mo." asar na reklamo ni Paxton na napatingin sa gawi ko na ikinatulos ng katawan ko sa kinatatayuan ko. Walang emosyon ang mga mata nyang nakatingin sa akin, parang ayaw nya sa nakikita nya na expected ko naman pero masakit sa akin na tingnan nya ako ng ganyan. Dapat kayanin ko ang mga titig nyang tulad ng binibigay nya sa akin,kung gusto kong mapalapit sya sa akin. "H-hi Paxton." bati ko sa kanya na bahagya ko pang ikinangiti nang alisin nya ang tingin nya sa akin na parang wala nalang syang nakita at naglakad papunta kay Lunova at pabagsak na umupo sa tabi nito at nakikuha ng chips sa bowl na hawak ni Lunova. How it hurts to be ignored intentionally by the person i love. As i said, expected kong pakikitunguhan nya ako ng ganito kaya dapat ay baliwalain ko nalang 'yun, i must try harder to persue him. Napalingon nalang ako kay Demon ng umupo sya sa tabi ko at i-pat ang ulo ko na ikinatitig ko lang sa kanya. "Demon. . ." "He can't make you surrender just by his stupid attitude right lil'sis? You can take him right?" may ngiting bulong na sambit ni Demon sa akin na ikinangiti ko. Bakit ang gaan sa pakiramdam na masuportahan ako at malamang nasa likod ko lang si Demon, nararamdaman ko sa kanya kung paano ako alagaan at suportahan ni Kuya Orlin. "Oo naman, mahirap akong pasukuin." determinado kong sagot kay Demon na mas ikinalawak ng ngiti nya. Tama si Demon, hindi dapat ako mapanghinaan ng loob dahil lang sa pinapakitang ugali ni Paxton sa akin, kaya ko 'to, kakayanin ko 'to. "Mas maganda kung magsimula na tayo para matapos narin tayo agad, yung kakantahin nyo nalang ang kailangan pagdesisyunan." pahayag ni Blue na tinapunan ng tingin si Paxton na nakasandal lang sa kinauupuan nya  "Baby Shark para tapos agad." bored na suhestiyon ni Paxton na poker face na ikinalingon ni Lunova at Demon sa kanya. "Nag isip ka na nun Mondragon? I expected something normal suggestion from you unlike Ynarez then it turns out na parehas kayo ng utak ng asul na yan. The f*ck with that baby shark!" sitang reklamo ni Lunova na patay malisyang ikinibit balikat lang ni Paxton. "Aish! Kawawa naman si baby Light dahil may dalawa syang ninong na 25% lang na merong utak. Hindi na ako magtataka kung itakwil kayo ni Light paglaki nya." naiiling na sambit ni Demon na parehas ikinasama ng tingin ni Blue at Paxton sa kanya. "Peste ka Mondragon! Huwag mong laiitin ang utak ko. Baby pa si Light kaya dapat pang baby din ang kantahin para sa kanya." reklamo ni Paxton na ikinapigil ko sa pagtawa, baka lalo akong ma bad shot sa kanya. "Tsk!tsk! your hopeless Ignacio." naiiling na kumento ni Lunova na tinapunan ako ng tingin. "Hey! Tanya. . ." tawag sa akin ni Lunova na kita kong hindi nagustuhan ni Paxton base sa pagkawala na naman ng emosyon ng mga mata nya. "Irish nalang ang itawag mo sa ak---" "Irish my ass! Huwag mong baguhin kung anong nakasanayang itawag sayo. Binigay 'yan ng mga magulang mo sayo kaya gamitin mo,Huwag mong pansinin ang isang taong nag iinarte dyan. Pangalan lang 'yan Gago!" seryosong pahayag ni Demon na kita kong ikinakuyom ng kanang kamao ni Paxton kaya agad kong nilingon si Demon na seryoso lang ang mukha. Si Paxton ba ang sinasabihan nya? "Kalma Mondragon will you?" kalmadong sita ni Lunova kay Demon bago muli akong tinapunan ng tingin. "As i was saying Tanya, why don't you pick a song so you can start practicing. Tomorrow is the date so you need to double time." "Uhmmm, actually kahapon ko pa sya naiisip, mas okey syang kantahin kasi hindi ganun kabigat ang kantang 'to. Ikaw at Ako by Moira Dela Torre." pahayag ko na sabay sabay nilang ikinalingon sa akin. Mukhang kailangan kong sanayin na kahit ayaw akong tingnan ni Paxton may pagkakataon na titingin sya sa akin kaya dapat kong kontrolin ang pagkabog ng dibdib ko. Kalma self, it was just his stare, act normal Irish. "Ikaw at Ako, hmmm! Nice song choice Tanya. Magugustuhan 'yan ni Baby Light." may ngiti ng sambit ni Demon na bahagya kong ikinangiti. "Not bad, i think that song is good." kumento ni Lunova bago muling nagpatuloy sa pagkain nya ng chips na hawak nya. "Ok ba sayo 'yun Paxton?" tanong naman ni Blue na ikinairap lang nito. "Bahala kayo." "So it settle then, in any minute kakatok na ang mga ka ban---" Sabay-sabay kaming natigilan ng may kumatok sa pintuan na agad ikinalakad ni Blue sa pintuan  "Speaking of my bandmates. . ." Binuksan ni Blue ang pintuan at tumambad sa paningin ko ang tatlo na nagga-gwapuhang mga lalaki na ikinakinang ng mga mata ko. Eastern band!!!! "Yow! Traffic sa daan kaya ngayon lang kami nakarating." ngiting pahayag ng isa sa kanila na mas ikina kinang ng mga mata ko. Mattias Duke Ashenbert Jr. ang bahista ng Eastern band!! Hindi ako namamalikta diba?? "Anong traffic? ang sabihin mo sadyang mabagal talagang magmaneho si Nicollo. Pangkarera nga ang dala nyang kotse, pagong naman kung magmaneho." angal ng isa pa sa kanila na hindi ko pwedeng malimutan kung sino sya. Sya lang naman ang ultimate bias ni Mel sa Eastern band at gustong gustong makilala ng personal ng kaibigan ko. Tenth Giovanni Allego. "I just want to have a safe trip guys, what's the matter on that?" inosenteng sagot naman ng isa sa mga gusto kong tumutugtog gamit ang keyboard dahil pag sya ang unang tumugtog mararamdaman mo na agad ang mensahe ng kakantahin nila. Nicollo Ryota Hidalgo Totoo ba 'to? nasa harapan ko ngayon ang tatlo sa mga miyembro ng sikat at gusto kong banda? Though kulang sila ng tatlo pero i think it still my lucky day today! Dahil sa tuwa ko na makita sila ay wala sa sariling napatayo ako sa kinauupuan ko at nakita ko nalang ang sarili kong nakatayo na sa harapan nila at nakikita ko sa mukha nila ang pagtataka dahil sa pagpunta ko sa harapan nila. "Hey Lil'sis, anong gina---" "I'm a fan, super gustong-gusto ko ang mga rendition ng mga kinakanta nyo. Masaya akong makita ko kayo sa malapitan." masayang pahayag ko na parang ikinailang nila sa akin. Gosh! Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko, i love hiw they deliver their music in the crowd, kahit nasa kwarto lang ako nung mga times na pinagbawalan ako ni Kuya na lumabas dahil sa sakit ko ay pinakikinggan ko ang mga kanta nila na nagpapagaan sa pakiramdam ko lalo na pag kumanta si Nicollo. "Talaga Tanya? Isa ka sa Fan namin?" may tuwang sambit ni Blue na nakalapit na sa amin at agad kong ikinatango. "So we got a fan here eh, hi Miss gorgeous." may matamis ng ngiting bati sa akin ni Mattias na ginantihan ko din ng matamis na ngiti. "The pleasure is mine Mattias." "Sino ang bias mo sa amin Tanya?Ok lang na sabihin mong ako, hindi naman matatampuhin ang mga ka-bandmates ko." excited na tanong ni Blue sa akin na agad kong sinagot. "Gusto ko kung paano ka kumanta, you have the heart in singing Blue pero gusto ko si Nicollo, the way kung paano nya tugtugin ang keyboard nya, it's awesome." pahayag ko na kita kong ikinabagsak ng balikat ni Blue at ikinalakad ni Nicollo sa harap ko na ikinatingin ko sa kanya. "Thank you for the compliment, it's actually nice hearing those words from a beautiful lady like you. But i'm sure one of this day, magiging keyboardist si Ynarez because his a little bit competetive." pahayag ni Nicollo na ikinangiti ko nalang "It's rare to meet a girl like you Ms, may we know your name?" ngiting tanong ni Mattias sa akin "Ako si Tanya Irish Petrovic, Tanya nalang."  "Your name suit on yo---" "Ang daming nyong sinasabi, pwede ba magsimula na tayo! May trabaho pa ako mamaya." angal ni Paxton na ikinalingon naming lahat sa kanya  "Anong trabaho? Wag ako Ignacio, alam kong sa mga shipment nyo exporting or inporting 'yung mga bataan mo ang gumagawa." pahayag ni Demon na sinamaan lang ng tingin ni Paxton. "Magsimula na nga tayo." pahayag ni Blue na pumwesto na at kinuha ang gitara na ikinalapit sa kanya ng tatlo nyang kabanda at sabay sabay tinapik ang balikat ni Blue. "Okay lang 'yan Percy, minsan lang magka fan si Ryota pagbigyan mo na." rinig kong pagko-console ni Mattias kay Blue "You have a tons of fans Percy mamigay ka kahit isa." sambit naman ni Tenth na mamaya ay magrerequest ako ng picture at iinggitin ko si Mel pag uwi ko. "Your welcome to have the way on the keyboard Blue, you want me to play the guitar?" suhestiyon ni Nicollo na sinamaan lang ng tingin ni Blue  "Manahimik kayong tatlo! Magsimula na tayo. Tss, pasalamat nalang ako tatlo lang kayong pumunta dito." sita ni Blue na ibinulong nalang nya ang huli nyang sinabi. Nag kanya-kanya na silang pwesto sa mga instrument ni Blue, si Mattias ay sa base, si Tenth sa drums, si Nicollo ay sa keyboard at si Blue ay sa gitara. Minsan lang mangyari 'to. "Sino palang kakanta?" lingong tanong ni Mattias na ikinaakbay ni Demon sa akin. Hindi ko man lang napansin na nasa tabi ko na si Demon, masyado akong na overwhelmed sa tatlong miyembro ng Eastern band. "This beautiful and gorgeous girl you said and Ignacio." pahayag ni Demon na nilingon ako. "Grab the mic lil'sis." Ngiting tumango ako at umalis sa pagkakaakbay ni Demon at pumunta na sa unahan, kinaladkad naman ni Demon si Paxton papunta sa pwesto ko kaya pagdating nya sa tabi ko ay hindi maipinta ang mukha nya at sa unahan lang sya nakatingin bago dinampot ang mic na nasa harapan nya. "Should i tell to Trace to assasinate that f*cking Mondragon." bulong ni Paxton na ikinatitig ko lang sa kanya. Kung hindi na naikwento ni Demon ang tungkol sa kanila, baka nagulat na ako sa sinabi ni Paxtin at dahil alam ko hindi na ako nagulat sa narinig ko sa kanya, besides mukha namang nasabi nya lang yun pero hindi nya gagawin. "So what's the song, so we can start?" tanong ni Nicollo sa amin. "Ikaw at Ako . . ." maikling sagot ko na ikinangiti nya at narinig ko nalang na tumutugtog na si Nicollo. Hindi ko maiwasang mapatitig kay Nicollo, he's really good in playing the keyboard, isa pa, nakikita ko sa mga mata nya na passion nya talaga ang pagtugtog. "Can you stop staring at him at magsimula ka na sa linya mo? Magtatagal tayo sa ginagawa mo." Naputol ang pagtitig ko kay Nicollo at napalingon kay Paxton na walang emosyon at masamang tingin ang pinupukol sa akin, masyado akong nakuha ng pagtugtog ni Nicollo. "So-sorry. . ." Kailan kaya ako titingnan ni Paxton ng may makikita akong emosyon sa mga mata nya, ok lang lang kahit masamang tingin ang ibigay nya sa akin basta may makita lang akong emosyon sa kanya. Nagsimula na kami at sa totoo lang akala ko magiging madali ang pagpa-practice namin, maganda ang boses ni Paxton, napahanga nga ako sa kanya dahil sa timbre ng boses nya kaya lang. . . "Ano ba naman 'yan Paxton?! May boses ka naman bakit nawawala ka sa tono?" angal na sita ni Blue na poker face lang na nilingon ni Paxton. "Singer ba ako Ynarez? Malay ko sa mga tono na 'yan." "I'm watching a mess practice right now." kumento ni Lunova na inis na ikinalapit ni Demon kay Paxton. "Sinasadya mo 'to Ignacio eh, akala ko ba gusto mong matapos agad ito pero bakit ikaw pa nagpapatagal? Langya, irereport kita kay Boss Taz." asar na sambit ni Demon na nginisaan lang ni Paxton. "Be my guess Mondragon, unlicall ako gusto mong makitawag?" pang aasar ni Paxton kay Demon na ikinabuntong hininga ko nalang. Wala kaming matatapos kung mag aasaran lang sila, isa pa hindi ko na din matiis ang ilang beses na pagkakamali ni Paxton. "Mas mabuti kung pakikinggan mo muna ang tunog ng keyboard Paxton para alam mo kung anong key ka papasok. Use your sense of hearing para makuha mo 'yung key mo." suhestiyong pahayag ko na ikinalingon nilang lahat sa akin. "She's right, use the ears buddy." rinig kong pag sang ayon ni Nicollo sa akin na ikinaungos lang ni Paxton at poker face na hinarap ako. "Kung magsalita ka parang alam mo lahat ah, hinihingi ko ba ang opinyon mo?" walang emosyong pahayag nya sa akin na muli kong ikinabuntong hininga. Kailangan kong mapalapit sa kanya pero kung hindi ako magiging totoo sa harapan nya at ipapairal ko ang kaba at hiya sa kanya baka malabo kong magawa ang gusto ko. Huminga ako ng malalim bago deretsong tinitigan si Paxton, hindi ko sya masisisi kung ayaw nya sa akin kahit hindi sya reasonable, inamin ko na sa kanya na gusto ko sya at kung itong ugali nya na pinaapakita nya sa akin ang paraan para itigil ko ang nararamdaman ko sa kanya, sorry pero hindi ko sya susukuan. "Hindi ako magbibigay ng opinyon kung wala akong alam, isa pa wala tayong matatapos kung hindi maitatama kung saang part ka nagkakamali. Isa pa, wag kang stiff sa pagkanta, feel the song makakatulong 'yun." pahayag ko na ramdam kong ikinatitig lang nila sa akin. Masamang tingin lang ang binigay ni Paxton bago iniwasan ang tingin ko sa kanya. "Tss!" Mukha namang nakuha ni Paxton ang gusto kong sabihin, napalingon ako kay Demon at ngiting nag thumbs up sa akin na ikinangiti ko nalang din. Nagsimula na ulit kami sa pagpapraktis at kahit papaano ay nagagawa na ni Paxton ang part nya, 'yun nga lang patay ang pagkanta nya, walang feelings kaya minsan hindi namin maiwasan na magtalo. "Bakit ba hindi mo malagyan ng feelings ang kinakanta mo? Bato ka ba?" angal ko sa kanya na sinamaan lang ako ng tingin. Mahilig ako sa music, gusto ko ang musika kaya naiinis ako dahil hindi man lang nya mabigyan ng hustisya ang kinakanta namin. Mahal ko si Paxton pero naiinis talaga ako! "Mukha ba akong bato?Tsaka kumakanta na ako ah! bakit may pa feelings feelings ka pang sinasabi dyan. Pasalamat ka nga kumakanta ako tapos!" "Paano ako magpapasalamat kung basta-basta mo lang kinakanta ang kantang 'to. Maging cooperative ka naman." "Langya! ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko ha babae?Hindi pa ba pagcocooperative ang ginagawa ko kahit labag sa loob ko ang tangnang special f*cking number na 'to. ha!" "Pwede ba huwag kang magmura!Hindi nakakagwapo 'yan. Tsaka ang sinasabi ko lang naman kahit kaunti lang lagyan mo ng puso, huwag kang madamot!" Buong praktis ata namin ay nagbabangayan kami ni Paxton, inawat lang kami ni Lunova kaya tumigil na kami sa bangayan ni Paxton. Napaisip tuloy ako, ano ba ang pwede kong gawin para makuha ko naman ang loob ni Paxton o kahit mapangiti ko lang sya kahit isang beses. Siguro kailangan kong mag isip ng plano. Ilang oras pa ang lumipas, So far naging ok na ang praktis namin, sa tulong na din ng mga ka band mates ni Blue. Natapos na kami at walang paalam na umalis si Paxton na hinayaan nalang namin. Nagpaalam narin ang mga kabanda ni Blue pero bago sila umuwi syempre nagpapicture muna ako sa kanila. Nagpaalam narin si Lunova at bumaba lang si Demon para kumuha ng tubig sa kusina ni Blue. Kami nalang ni Blue ang natira sa music room habang hinihintay si Demon. Nakasandal lang ako sa inuupuan ko at bahagyang napangiti ng maisip ko yung pagbabangayan namin ni Paxton, i think it's a good way to start sa pagitan namin ni Paxton. "Blue, gaano ba kamahal ni Paxton si Tanya?" biglang tanong ko na ikinatigil ni Blue sa ginagawa nyang pag aayos sa mga gamit nya at ramdam kong ikinalingon nya sa akin. Gusto kong malaman ang tungkol sa naging relasyon ni Paxton kay Tanya para alam ko kung saan ako magsisimula, siguro masakit ang malalaman ko pero kailangan kong tiisin. Gusto kong makalimot si Paxton sa masamang alaala na nangyari sa babaeng mahal nya, ayokong mag assume pero may pakiramdam ako na 'yun din ang gusto ni Tanya. "Seriously? Tinatanong mo sa akin 'yan Tanya?" Nilingon ko si Blue at malawak na nginitian. "Pwede mo bang sabihin sa akin?" "Si Erza sya ang kauna-unahang babae na minahal ni Paxton, dumating ako sa grupo na nililigawan na ni Paxton si Erza. Sa nakita ko sa pagmamahal nya kay Erza kaya nyang gawin ang lahat, kaya nyang ibigay ang lahat at kayang isuko ni Paxton ang lahat ng meron sya para kay Erza. Ang makitang wala ng buhay ang babaeng gusto nyang pag-alayan ng lahat ang sobrang dumurog sa kanya, nakita ko, naming lahat kung paano sya nahirapan sa pagkawala ni Erza. Hanggang ngayon, hanggang sa pagtulog nya ay hindi makalimutan ang nangyari. Tinatanong mo kung gaano kamahal ni Paxton si Erza, mahal na mahal ni Paxton si Erza na handa nyang sundan ito sa kabilang buhay. May dahilan pa si Paxton kaya hindi nya magawa ang bagay na 'yun pero syempre hindi namin hahayaan na gawin nya 'yun." Pinilit kong kinalma ang sarili ko sa mga narinig ko, sa sobrang pagmamahal ni Paxton kay Tanya ay handa nya itong sundan sa kabilang buhay. Masakit na marinig 'yun pero lalo akong nagkaroon ng dahilan para tulungan si Paxton na makalimutan ang nakaraan nya, ang sakit na hanggang ngayon ay nararamdaman nya. Hindi nya pwedeng gawin ang sinasabi ni Blue gayong ako ang nasa isip ko ngayon ay ilaban ang buhay ko para matulungan si Paxton at makasama sya. Mahirap ang gusto kong mangyari pero gusto kong makita ang mga mata ni Paxton na may saya at makalaya na sa nakaraan. "Sabi mo gusto mo si Paxton, i mean mahal mo sya. Sa tingin ko, mas mabuting tigilan mo nalang ang nararamdaman mo sa kanya dahil hindi mabibitawan ni Paxton ang pagmamahal na meron sya kay Erza." pahayag na payo ni Blue sa akin na kahit di ko inaasahan na sasabihin nya 'yun ay ngitian ko nalang sya. "Alam kong mahihirapan akong magustuhan din ni Paxton dahil sa malalim na pagmamahal nya kay Tanya, pero gusto ko paring subukan Blue. Hindi dahil sa mahal ko sya kundi dahil gusto ko syang makawala sa sakit ng nakaraan. Ayaw nyo bang makita si Paxton na ngumiti dahil nakakaya nyang humarap sa bukas ng hindi na naaalala ang masakit na nangyari sa buhay nya. Hindi ko kilala si Tanya pero sa tingin ko 'yun din ang gusto nyang mangyari, ang makulong si Paxton sa miserableng nangyare sa kanya ay mas mahirap para kay Tanya. Pasensya na Blue pero hindi ko magagawa ang sinasabi mo, hindi ko na mabibitawan ang nararamdaman ko para kay Paxton dahil hindi lang ang pagmamahal ko ang rason ko kung bakit gusto kong mapalapit sa kanya, i want to save him from the pain past that stopping him to see the good futurea ahead on him. Kailangan kong gawin 'yun habang may oras pa." may ngiting pahayag ko na ikinatitig lang ni Blue sa akin. Gusto kong umiyak sa harapan ni Blue pero mabuti nalang kinaya kong pigilan ang sarili ko, inaalala ko din ang kalagayan ko. Kailangan kong alagaan ang puso ko para maging malakas ako habang nililigtas ko si Paxton mula sa nakaraan. Nakatingin lang sa akin si Blue ng bumukas ang pintuan at pumasok doon si Demon na may malawak na ngiti at lumapit sa akin. "Paano ba 'yan Ynarez, ihahatid ko na si Tanya para makapag handa sya para bukas. Siguro naman kahit papaano may narealize ka sa mga sinabi ni Tanya." pahayag ni Demon na kinuha ang kanang kamay ko at hinila na ako palabas ng music room at dere-deretsong bumaba sa hagdanan. "You caught him by your words Tanya, i'm sure tutulong na ang tangnang 'yun sa'tin." sambit ni Paxton na litong ikinatitig ko lang sa likuran nya. Hindi ko kasi gets kung anong ibig sabihin ni Demon eh pero napangiti ako dahil kahit papaano nasabi ko kay Blue ang nararamdaman ko at ang gusto ko, Makakatulog yata ako ng maayos ngayong gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD