II

1805 Words
XYLENE MAAYOS na ang lagay nung lalaki bago namin siya iniwan. Iniwan namin sya dun sa lalaking chinitong doctor na nagpakilalang ninong niya daw. Si Hera pa nga nagbida bidang kumausap dun, ang gwapo daw kasi. Hinayupak. After non umuwi na din ako. After that trouble my brother Hector almost scrub my ears out of my head dahil sa sermon niya. "How's Hell?" Tanong ko kay kuya Nasus na ikinabusangot ni kuya Hector dahil dead-ma ang inabot niya sa akin. "He's fine. f*****g fine. Really" Sarcastic na sagot ni kuya Nasus sa tanong ko dito. "Balita ko he's into someone na ha?" Sabi ko bago sumubo ng pagkain. Kuya Nasus laughed. "Yes. Si totoy hell mukhang may pinagkakaabalahang babae sa lungga niya." Nakatawang sabi ni kuya Nasus kuya Hector laugh with that too. Knowing Hell--our youngest brother. He's so cold and distant. Tapos mababalitaan ko may chick na? Okay. That's new. Maraming nagkakagusto don pero ibang balita yung siya na yung may gusto. Sounds new to us. "Wow. That's a first" komento ko pa. "So.. he's no longer visiting us because he's so busy with the chick? Sana lang chick talaga yan at hindi tandang" sabi ko sabay tayo na sa kinauupuan ko. Tawang tawa sila kuya Hector sa sinabi ko to the point na dinig na dinig ko tawa nila kahit nakalabas na ako sa loob ng dinning Hall. I have three brothers. Hector Dmitri, the oldest among us. He's the one holding the properties we inherit while we're studying. I'm the only girl. Yes. I'm their queen. Not a princess. Yuck. Nasus Dmitri Weithermer, second. Nag-aaral din ito sa Athens university masama ko. Super crush ng best friend kong si Zaya. Ginayuma niya yata at patay na patay sa kanya. Geez. Kaya ang hangin ng isang to eh. And lastly, Hell Dmitri Weithermer. Our bunso. Ako yung pangatlo. Si Hell ang pang-apat. He's currently in Weithermer University. Handling the University and all. May mga nag-aassist naman sa kanya so hindi sa kanya lahat ng trabaho. Ang daming ganap sa bunso namin ewan ko ba dyan. "Hello? Nasaan ka na ba?" Salubong na tanong ni Hera sa phone habang nasa byahe ako. I'm not driving. Kuya Hector told me to go with a driver for now. Dahil na rin dun sa accident na nangyari. Well, I can't blame them. "On the way na" "Oh? Totoo? I-on mo yung location mo. Baka mamaya on the way ka pa lang sa C.R." sarcastic na sagot ni Hera. Naiiling na sinunod ko na lang ito. Excuse me, one time big time ko lang ginawa yon. tss. Pagkadating ko sa university ay dumeretso na ako sa classroom ko base sa schedule ko. Kakapasok ko pa lang ng room ng masalubong ko si Zaya. She's blushing. "Are you okay?" Tanong ko dito. She immediately nod. Her hair is quite messy. Pinanliitan ko ito ng mata. Gusto ko sana magtanong pero nevermind. Nang makapasok kami sa room ay nandoon na halos yung mga classmate namin, including Hera. "Oh? Bakit nakabusangot ka na naman?" Tanong ko kay Hera na usually naman eh nakangisi. "Tss. Nothing." Tipid nitong sabi sabay nag iwas ng tingin. Napataas ang kilay ko. Hmm. Isang tao lang naman dahilan ng pag kabwisit ng babaeng to eh. Seth. naiiling na umupo na ako. I want to ask them what's wrong pero I know. They still need time para magkwento. Nang matapos ang klase ay dumeretso na kami sa cafeteria. Kakapasok pa lang namin ng makasalubong ko ang isang pamilyar na mukha--yung nabunggo namin kahapon! Teka?! Bakit wala na siyang bali? Nagmamadaling sinundan ko ito palabas ng cafeteria. Tinawag ako nila Hera kaya sinenyasan ko ito na mauna na muna sila. "Hoy! Budol budol!" Sigaw kong tawag dito. He's wearing a blue varsity jacket na may logo pa ng school representative sa basketball. Nang hindi ito huminto at mabilis akong humarang sa harapan nito. Kita ko ang pagkagulat sa mukha nito. Pati ako nagulat actually pagkatingin ko ng deretso sa mukha niya. Bakit parang mas nagmature yung features niya kaysa kahapon? Tinignan ko ito mula ulo hanggang paa and what's funny? Tinignan niya din ako mula ulo hanggang paa. "What?" Tanong ko ditong nakataas ang kilay. "What?" Nagtatakang tanong nito. Ah s**t. Ako nga pala nga pala yung magtatanong. "Ang ganda mo kaso ang weird mo din no?" Nakatawang sabi nito sabay akmang lalagpasan na ako ng biglang magsalita ako. "Axel?" Tawag ko dito. Dahan dahan itong lumingon at nakataas na ang isang kilay. "Hmm?" He didn't give a word. "D-Di ba dapat may cast ka pa sa braso?" Tanong ko dito."Okay ka na ba?" Tanong ko pa. Di ba dapat nasa hospital ka pa kasi nasagasaan kita? Dahil sa sinabi ko ay nag-iba ang reaksyon nito. Mas maging seryoso na siya ngayon. After hearing what I've said. "Who are you?" Tanong nito. I bit my lower lip because of nervousness. Ako yung nakasagasa sayo? I can't even look at him. I feel something odd about this guy. He's different. "A-Ano.." Hindi ako makapagsalita sa kaba. "Don't tell me, Ikaw yung nakabunggo sa kakambal ko?" Tiim bagang na sabi nito. Napaangat ako ng tingin dito. "Kakambal?" Maang na tanong ko dito. Napanganga ako ng mapatitig ako sa mukha nito. "You're not Axel?" "Obviously" He said in a matter of fact tone. "A-Ano..k-kamusta na si Axel?" Awkward na tanong ko dito. He smirked. Taunting me. "Ayun. May head injury tapos may cast pa siya kaya kailangan niyang mag-absent kahit na gusto niyang wag magskip ng class pero dahil sa accident kailangan niyang magpahinga" nangongonsensyang sabi nito. Bumusangot ako. Grabe naman. "Hindi ko naman siya ginustong sagasaan" inis na sabi ko. Tumawa lang ito na nang aasar. "Sabi mo eh" sarcastic nitong sagot. Akmang aalis na sya ng biglang bumalik pa ito sa harap ko kaya napaangat ako ng tingin "Want to visit him?" --- "ARE YOU NUTS? Dapat hindi ka na lumapit dun!" Busangot na sabi ni Hera nang pauwi na kami. Este sila lang pala. Sabi ko mauna na sila kasi dadalawin ko pa yung nabundol ko kahapon. "I'm just going to check if he's okay." Paliwanag ko dito. May konsensya naman kase ako. "Bakit? Close kayo?" Sabat ni Zaya. "Argh. Why so many questions?" Iritang sabi ko sa mga ito. Naghagikgikan naman ang mga ito na lalo kong ikinairita. "Ayyiie! Porket gwapo--" I cut her sentence. "I'd do it kahit panget pa yung nabundol ko okay? Nasagasaan na nga lalaitin pa?. Sige. Una na ko" sabi ko sabay alis. Dumeretso ako sa building ng mga third year kung nasaan yung Cyfer na kakambal ni Axel. Saktong labasan na ng mga third year sa course nila ng makita ko ito. He's talking with his friends ng mapalingon sa akin yung isang member ng varsity. "Uy. Si Weithermer" nakangising sabi nung lalaki. "Hindi ba niligawan mo na dati yan Carl?" Tanong nito sa katabi ni Cyfer na sa kanan na nagpalingon sa kanilang magbabarkada. Naka-cross arms pa ako habang nakaharap sa mga ito "Grabe sobrang ganda niya pala talaga" komento nito. Napatingin na din si Cyfer. Bumusangot ako dito. "Sige una na ako!" Paalam nito. Isang hiyawan ang sinukli ng mga ito. Tss. Naglalakad na kami pababa ng magtanong ako. "May kotse ka naman no?" Tanong ko dito. He nodded. Pagdating namin sa parking lot ay sumakay kami sa isang itim na kotse. Malayo din yung byahe. Napanganga lang ako ng nakarating kami sa bahay nila. Not that ngayon lang ako nakarating sa ganitong bahay. Ganito din yung sa amin. I'm just fascinated by the house structure. "Oh! Tito!" Nakangising bati ni Cyfer dun sa lalaking tingin ko eh mid-thirties ang edad. Ah. Gwapo. Matapos magbatian ang mga ito ay bumaling sa akin yung lalaki. "Oh? Girlfriend mo?" Tanong nitong nakangisi. Tumawa naman si Cyfer. "No thanks. She could've killed me in the near future kung girlfriend ko siya" biro nitong ikinaasar ko. Sasagasaan din kita pag ako naasar sayong hinayupak ka. Grabeng guilt trip inaabot ko dito. "Let's go" tawag nito saakin matapos nitong makipagkamustahan sa ninong daw nito. I made a face. Tss. Papaakyat na kami ng hagdanan ng mapatingin ako sa malaking frame sa sala nila. Wedding photo yung nakasabit. A man and a woman in a picture ..in their wedding day. I guess? They look happy together "That's my parents. Shall we go?" Sabi nito na hinihintay lang pala ako tumango na lang ako at tahimik na sumunod dito. "Dito tayo" sabi nito matapos naming lumiko sa kanan. He didn't even bother to knock. Pagkapasok namin ay napasinghap ako sa nakita ko. Though. I didn't cover my eyes. His brother Axel is lying in his bed half naked. Wow. What a sight. "He's sleeping" kaswal na sabi ni Cyfer. Namaywang ito. "Is he okay?" Tanong ko pa ng mapatitig ako sa mukha nitong may galos pa ang mukha. He have bruises in his shoulder. "Yup. Buhay pa naman." Nakatawang sabi nito sa kakambal."here" napasinghap ako ng biglang may iabot ito sa akin na dalawang makapal na libro at isang notebook. "Ano to?" Taka kong tanong. "I talked to his professor earlier this afternoon. Sabi ko hindi sya makakapasok dahil sa aksidente and I ask them kung pwedeng magtake home exam or activity na lang sya and this" sabi nito sabay abot sa akin ng makapal na papel. "And? Anong connect ko?" Tanong kong mataray dito. He smirked. "Binunggo mo sya kaya ikaw muna ang gumawa nyan. Injured ang right hand nya so better yet. Do his take home activities" nakangiti nitong sabi na ikinakunot ng noo ko. "Ano?" Iritang sabi ko. "Di ka ba naawa kay Axel? Look at my poor twin brother he couldn't even move out of his bed to do his take home activities. Do you have a heart to let him do it?" Sabi nito ikinabusangot ko. "You really know how to make someone feel guilty. Aren't you?" Nanliliit ang mata na sabi ko. Ngumisi naman ito. "Paano? Una na ko? Babalikan kita ng hmm. Siguro mga five - thirty?" Sabi nitong parang tuwang tuwa. Umirap ako. "Okay. I need to go before six. Sharp. Okay?" Masungit na sabi ko dito. He nodded. Nang umalis na ito ay inumpisahan ko na yung take home activity ni Axel. Hindi na ko nagpatumpik tumpik pa at inumpisahan ko na. Sa study table niya ako pumwesto sa gilid ng kama niya. The nerve. Tama nga si Hera. Dapat di na ko tumuloy.. though. Kakainin naman ako ng konsensya ko pag hindi ako tumuloy. Napabuntong hininga na lang ako. Patapos na ako ng mapapiksi ako ng biglang may sumigaw. Sa gulat ko ay napasigaw din ako. "Ahhh! Sino ka?!" Sigaw ni Axel na nanlalaki ang mata at nakasandal sa head board ng kama niya at ako naman sapo ang dibdib ko sa kaba habang nakatulala dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD