Kabanata 01: Bakit Ako?

2124 Words
SCARLETT'S POINT OF VIEW "Ate Lottie! Ate Lottie! Inaaway po ako ni Evan oh!" "Ate Lottie! Aalis ka na po ba bukas?" "Ate Lottie! Diba po 'di totoo 'yon? Dito ka lang po diba? Sabi mo po dati po?" Parang hinaplos ang puso ko habang pinapakinggan ko ang mga batang ngayon ay naguunahan sa paglapit sa akin. Nakaupo ako sa isang bench na nasa loob lang ng establishmentong kasalukuyan kong tinutuluyan. Ang House of Hope. Ito ay isang bahay ampunan na pagmamay-ari ng isang sikat na Santo Papa, si Saint P. Mag lilimang taon na magmula ng ipadala ako dito ng simbahan na noon ay pinaglalagyan ko. Isang taon na lang din ay magiging isang ganap na madre na ako dahil matatapos ko na ang Noviciado o ang proseso ng pagsasanay ng mga tulad ko na gustong maging isang madre. Halos labing isang (11) taon din ang proseso na ito, eighteen year's old pa lang ako nang magsimula ako sa Noviciado, at ngayon ay twenty-nine year's old na ako. Isa nang ganap na adult, at hindi na isang dalaga lang. Isang matamis na ngiti ang ipinakita ko sa tatlong bata na nasa harap ko. Hinawakan ko isa't-isa ang ulo nila bago ay hinalikan din ang mga pisngi nila. "Alam niyo namang mahal na mahal kayo ni Ate Lottie diba?" Pinisil ko ang pisngi nila. "Babalik naman si Ate Lottie, bibisitahin ko pa rin kayo. At sa pagbabalik ko, hindi na ate ang itatawag niyo sa akin." Sabay-sabay ang pagkunot ng mga noo nila. "'Eh ano na po?" Maging ang pagsasalita nila ay sabay-sabay din. "Sister Lottie na, kasi baka tapos na ang panunumpa kapag bumalik ako 'rito." Namilog ang mga mata nila at tila ba na-excite sa sinabi ko. Sabay-sabay pa nilang itinaas ang mga kamay nila at sumigaw. "Yeyyy!" Bahagya akong nagulat dahil sa mataas nilang energy, pero mas nagulat naman ko sa sinabi ng isa sa kanila. "Maaabot mo na ang pangarap mo, ate." Sambit ng pinakamatanda sa kanila, si Angel na walong taong gulang. "Oo nga po, Ate Lottie! Diba po pangarap mo po maging Madre talaga?" Segunda naman ng batang lalaki na si Bornok. "Yey! Masayang masaya na si Ate Lottie 'niyan po! Hehe!" Humahagikhik na sabi rin ng pinakabata sa kanila, si Anna, anim na taong gulang. Lumamlam ang ekspresyon sa mukha ko matapos marinig ang mga sinabi nila. Tila mga tinig ng anghel ang boses nila sa aking pandinig. "In Jesus name, sana nga." Tugon ko naman sa mga sinabi nila. Ang mga batang ito ay iilan lang sa kabuuan ng mga batang nakatira rito sa House of Hope. Sa pagkakaalam ko ay mahigit isang daan silang lahat. Iba't-ibang edad, newborns, toddlers at iba pa. Pero wala namang tataas sa edad na fifteen. Ang House of Hope ay nagsisilbing tirahan para sa mga kagaya nilang walang pamilya. Mayroon pang mga masaklap na halos kapapanganak pa lang ay iniiwan na sa labas ng gate, siguro ay hindi pa handa ang mga magulang na harapin ang kinabukasan na mayroon nang anak. At kaming mga bagong miyembro o nasa proseso pa lang ng Noviciado naman, ay nakalathala na paglilingkuran naman namin ang mga batang ito hanggang sa matapos ang proseso. May mga kasama rin akong mga kagaya ko na malapit nang naging Madre. Pero lahat kami ay may kani-kaniyang paraan ng pagaalaga at mga trabaho dito sa loob ng bahay ampunan. Katulad ko, tungkulin kong bantayan at alagaan ang mga batang ito. Habang mayroon din naman na naka-talang mas ipamulat ang mga bata sa salita ng Diyos, at marami pang iba. Napunta naman ako dito dahil ito ang gusto kong gawin. Gusto kong gabayan ang mga batang ito, dahil ang gabay na galing sa magulang ang noon ay hindi ko naranasan at mas nagtulak sa akin na pangarapin ang maging isang Madre. "Oh siya, tara na't bumalik na muna sa loob. Siguradong luto na ang pancake na hinanda ni Ate Mika." pag-aya ko sa kanila na agad din naman nilang tinanguan. NANG makapasok kami sa loob ng malaking bahay ay bumungad sa akin ang maraming mga bata na nakatira rin dito sa bahay ampunan. "Ate Lottie!" "Hi, po ate!" "Kamusta po?" Agad akong sinalubong ng pagbati nang ilan sa kanila. Tanging ngiti naman ang isinusukli ko sa kanila. "Ate Lottie! Punta muna kami 'don po!" Saad ng isa sa mga bata na kasama ko kanina. "Ay sige na nak! 'Wag kayong tatakbo ha? Baka madapa kayo." Bilin ko na tinanguan naman nila. Ako naman ay dumeretso na sa kung na saan ang ilan sa mga kagaya ko. Agad kaming nagngitian bago 'ko inabot ang isa sa mga tray na naglalaman ng plato at pancake na ibibigay sa mga bata bilang pang-meryenda. "Lottie, nabalitaan kong aalis ka na raw bukas? Matatapos na pala ang Noviciado mo?" Napalingon ako sa taong nagsalita mula sa likod ko. Ito ay si Mika, isa sa mga kagaya ko. "Oo Mika, babalik na ako sa probinsya at maghihintay na lang ng isang taon bago ang panunumpa." "Hala! Wala na pala akong katulong kay Bugoy nito." Tila ay dismayado niyang sabi habang naglalakad kami at isa-isang lumalapit sa mga bata para bigyan sila ng pancake. "Ano ka ba, andiyan naman ang iba ah?" Natatawa kong sabi habang nagaabot ng pancake sa ibang bata. "Iba ka kasi, Lottie. Iba ang presensya mo at iba rin ang kabutihan ng ugali mo. Madali kang pakisamahan at higit sa lahat ay hindi ka pakitang tao lang. Halatang masaya at gustong-gusto mo talaga ang ginagawa mo 'di tulad ng iba 'don." Natigilan ako dahil sa mahabang sinabi ni Mika. Natuwa ang puso ko at abot hanggang tenga ang ngiti ko dahil sa narinig at nalaman na tingin niya sa akin. Pero may parte rin sa akin na nalulungkot. Dahil sigurado ako na kapag nalaman ni Mika ang totoong pagkatao ko at maging ang pamilya na pinanggalingan ko—ay hindi niya na masasabi pa sa akin ang mga 'yan. Siguradong mapupuno ng dismaya ang mga mata niya. At marahil isa rin siya sa mga taong mag p-protesta na hindi dapat ako maging isang Madre. Pinagpatuloy naman ang pagbibigay ng pancakes sa mga bata. Totoo ang mga ngiti na nakabalatay sa mukha namin. Walang halong pagpapanggap dahil masaya kami sa ngayon ay ginagawa namin. Masaya akong maglingkod sa Diyos, masaya akong manalig sa kaniya at masaya akong maging mas malapit ang koneksyon naming dalawa. Pakiramdam ko ay deserve ko rin ang ganitong klase ng buhay, at deserve ko ang rin ang kapatawaran ng Diyos sa akin. NATAPOS ang araw at nakabalik na kami sa kung saan kami natutulog. Ang iba ay hinahanda na ang higaan nila, pero ako ay naghahanda at nagliligpit na ng mga gamit para ilagay sa bag ko. Bawat damit na tinutupi at pinapasok ko sa bag ay nagiiwan ng mabigat na pakiramdam sa dibdib ko. Parang ayaw ko pang umalis dito, pero kailangan dahil tapos na ang misyon ko dito. "Diyos ko, may tiwala ako sa'yo. Ikaw na po ang bahala sa akin." dasal ko nang matapos na akong magligpit. Nahiga na ako para sana matulog, pero mukhang hindi 'yon ang gusto ng katawan at utak ko—dahil sa huli, ay ako na lang ang nananatiling gising. Mabigat pa rin ang dibdib ko, dahil sa mga isiping sumasagi sa isip ko. Bumabalik ang lahat sa akin. Lahat ng ala-ala, at masalimuot kong nakaraan. Ang isa sa mga dahilan at nagtulak sa akin na gustuhin ang maging isang madre. Ang buhay na mayroon ako noon, at ang uri ng pamilya na mayroon ako pero pinili kong takbuhan at pagtaguan. Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa kisame. Tinanggap na lang ang mga ala-alamg bumabalik sa isipan ko. Hindi ako dito pinanganak sa Pilipinas, hindi 'rin ako isang Pilipina. Pure British ako, pinanganak ako sa LA California. Ang totoong pangalan ko ay Scarlett Dianne Saycon—iba sa pangalan na ipinakilala ko dito sa pinas. Galing ako sa isang mayaman at kilalang pamilya sa LA, ako ay bunsong anak at nagiisang babae ng mga Saycon. Pero nang mag-18 year's old ako, ay lumuwas ako ng Pilipinas at hinanap ang Pilipina na noon ay kasambahay namin. Siya ang nag-alaga sa akin at isa sa naging inspirasyon ko para mag-madre. Pero bakit ko nga ba iniwan ang marangyang pamilya ko sa LA? Iyon ay dahil hindi lang bastang isang kilalang pamilya ang pamilya na mayroon ako. It's a family of hitman. Killers. Murderers. The Saycon's are known in the black market, often known as the underworld of the world. Ang lugar kung saan nangyayari ang mga business na konektado sa mga krimen na nangyayari sa mundo. Ang pamilya ko ay kilala rin dahil sa mga business na around the world, mga pharmacy. Pero sa likod ng mga business na ito, ay sila rin ang nangungunang mag-supply ng mga ipinagbabawal na gamot sa mga kilalang tao o sa black market. That's the kind of family that I left. Iniwan ko ang pamilya, umalis ako at nagtago mula sa kanila dahil hindi ko gustong lumaki at mamuhay na kagaya nila. I still have my humanity, and by moving to the Philippines, I fully regain it. Itinuturing kong isa sa mabigat na kasalanan na nagawa ko ang pananaytiling tahimik tungkol sa tunay na kulay ng pamilya namin. But there is something worse... a sin that I repent for everyday... kasalanan na hindi ko na gusto pang balikan dahil naniniwala akong pinatawad na ako ng Diyos. Sa halos labing-isang taon na pagsisilbi ko sa Diyos... may tiwala ako... at alam kong pinatawad na niya ako, pero magpapatuloy ako. Hindi ako hihinto at ipagpapatuloy ko ang paglilingkod sa kaniya, lalo na kung ito ang inilaan niyang future para sa akin. AKALA KO ay ito na nga ang inilaan niyang future sa akin. Akala ko'y magiging maayos ang lahat. Makakabalik ako sa probinsya at ipagpapatuloy ang Noviciado hanggang sa maganap na ang panunumpa. Pero akala ko lang pala 'yon! Dahil Diyos ko, anong nangyayari? Bakit ako hawak ng mga taong hindi ko kilala? Anong nangyari sa van na dapat ay sasakyan ko?! "Oh Diyos ko, anong nangyayari? Gabayan mo po ako! Sino kayo? Anong kailangan niyo sa akin?!" Bakas ang takot sa boses ko habang yakap-yakap ko ang bag ko na naglalaman ng mga damit ko. "Wala ba kayong takot sa Diyos?! Ibalik niyo ako, maling van ang nasakyan ko—" "TAHIMIK!" Napaigtad ako dahil sa malakas na sigaw ng isa sa mga lalaki na nasa harap ng van at tabi ng driver. Napapikit na lamang ako at nagdasal na sana ay walang mangyaring masama sa akin. "Pasensya na mga kuya, mali ako ng van na nasakyan, pwede niyo bang ihinto?" Mahinhin na sambit ko na naman dahil masyado nang malayo ang tinatahak ng van. Humalakhak naman ang isa sa mga lalaking nasa van. Hindi ko makita ang mga pagmumukha nila dahil lahat sila ay nakasuot ng itim na bonet at sakop ang buong mukha nila. "Mahina ba ang utak mo, sister? Hindi ka mali ng van na nasakyan! Dinudukot ka namin ngayon! Alam mo 'yon?" "Nako! Mag m-madre yan pre, siguradong walang alam 'yan sa mga makamundong bagay dahil puro lang dasal." segunda ng isa sa kanila. Diyos ko! Dinudukot ako! "A-Alam ko 'yon! Naiintindihan ko, pero bakit? Bakit ako?" kinakabahan kong tanong. Bakit sa dinadami ng tao ay ako pa? "'Yan din ang hindi namin maintindihan. Sa dinami-dami magagandang babae sa mundo, eh bakit ikaw pa? Ikaw pa na puro pag-dadasal lang ang alam." sabi na naman ng isa pa sa kanila. "Nako! Baka nga hindi niyan alam kung ano ang itsura ng t*te'eh!" Sabay-sabay silang natawa dahil sa sinabi ng isa. Habang ako naman ay nakakunot lang ang noo dahil hindi ko naman alam kung ano ang t*te na sinasabi nitong hindi ko alam. Humarap sa akin ang isa sa kanila, muntik na akong maiyak ng bigla akong tutukan ng baril. "Kaya umayos ka. Lahat ng katanungan mo, 'wag mo sa amin itanong dahil hindi rin namin alam kung bakit ikaw ang gusto ni Boss." Pananakot pa nito na agad kong tinanguan. Napapikit na lang ako. "Sinong boss ang tinutukoy nila? Ano ba ang kailangan ng boss nila sa isang plain na babaeng kagaya ko?" tanong ko sa isip ko. Nanatili akong masunurin, nanahimik ako't hindi na nagtanong pa. Nakikinig na lang ako sa mga usapan nila. Kung bakit ba naman kasi ako sumakay agad sa van na ito—pero hindi ko kasalanan na sumakay ako, kasi nakaparada ito mismo sa harap ng kapilya kung saan ang sinasabing lokasyon ng van na sasakyan ko pabalik ng probinsya. Kaya hindi ko lubos akalain na mauuwi sa ganito ang lahat. Lord... ipagkakatiwala ko po sa iyo ang lahat. Alam kong may dahilan kung bakit ito nangyayari ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD