SCARLETT'S POINT OF VIEW
"Stop looking at me like that. Kung tumingin ka sa akin ay parang napakasama ko namang klase ng tao." It's him. Of course. Sino ba naman ang makakausap ko dito? Walang iba kundi siya lang.
"Ipagdadasal ko ang kaluluwa mo." Simpleng sagot ko na mas lalong kinakunot ng noo niya.
"What the fvck?! That's the worst answer I could ever receive from you." Hindi makapaniwalang sabi niya bago nagpatuloy sa pagkain.
Umaga na ngayon kaya maliwanag na ang buong kwarto kahit walang kuryente. Sakto lang ang liwanag dito sa dining hall. Hindi naman kasi masyadong maliwanag sa labas dahil wala pa ring araw—maulan pa rin kasi, as in sobrang lakas ng ulan.
Ang lalaking nasa kabilang side ng lamesa ay may suot nang damit. Naka-black sando ito kaya nakikita ko ang biceps niya na iniiwasan kong tignan.
Habang ako naman ay isang long sleeve beige polo na naman ang suot at pinaresan ng trouser na itim.
Gan'to kasi talaga ako manamit lalo na noong nanirahan ako sa dati naming your aya dito sa Pilipinas. Istrikta kasi siya pagdating sa mga damit dahil katikista siya sa simbahan, at siya nga rin ang nagtulak sa akin na magsilbi sa simbahan. Noong una nga 'eh maging isang choir lang ang gusto ko—pero mas umangat ang pangarap ko na maging isang Madre nang malaman ko na kaya ko naman.
"Masarap..." wala sa sariling sabi ko matapos kong nguyain ang karne ng adobo na luto namin ngayon.
"That's good to hear from you." Rinig ko agad na sabi niya.
Tumango lang naman ako. "Kailan mo ako papakawalan?" Ang sumunod na narinig ko na lang ay tunog nang paglapag ng kutsara at tinidor sa plato kaya nagangat ako ng tingin sa kaniya.
"The more you ask, the sooner my patience will run out, mi amore." malamig na sabi niya kaya naman napalunok ako.
"Anong namang mangyayari kung ubos na ang pasensya mo?" Papakawalan niya kaya ako?
Hindi nawala ang tingin ko sa kaniya. Nakatingin pa rin kami sa isa't-isa kaya ramdam ko ang biglaang pababago ng atmosphere sa pagitan naming dalawa.
I was taken aback when he smiled. "You sure you wanna hear it?"
May kung anong kakaibang tono sa boses niya. Ang ngiti rin sa mukha niya ay hindi nakakatuwang makita... parang nakakakilabot.
"I'll eat you alive." May diin ang bawat salitang binitawan niya. Napangiwi ako at bahagyang nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa kaniya.
Kakainin niya ako?! Oh God—by any chance, cannibal ba ang taong 'to?
Nagiwas na lang ako ng tingin atsaka nag-focus na sa pagkain ko. Kailangan kong magpakabusog dahil sa pagkakaalam ko ay sabado ngayon. Linggo bukas pero mukhang hindi man lang ako makakapunta ng simbahan. Mag f-fasting na lamang ako para ipaabot sa Diyos ang lubos na pagpapasalamat ko sa kaniya dahil hanggang ngayon buhay pa rin ako.
"You can do whatever you want here, habang may liwanag pa. I'm not sure kung kailan babalik ang kuryente—we're in an isolated Island afterall." sabi niya bago tumayo at akmang aalis na nang magsalita naman ako.
"Wait." Humarap siya sa akin. "Pangalan... anong pangalan mo..?" Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. Mahigit isang araw na magmula nang magkita kami, pero heto at hindi ko alam ang pangalan ng kidnapper ko. Hindi naman siguro masama na malaman ko diba?
His pale green eyes stared at me intently. Hindi ko alam kung OA lang ba ako—pero may kakaiba sa kaniya. May kakaiba sa paraan nang pagtingin niya sa akin.
Bumukas na ang bibig niya at magsasalita na siya parang may pumipigi sa kaniya dahil sinara niya ulit. Ngumisi pa siya bago bumaling bumukas ang bibig niya at sa pagkakataong ito ay nagsalita na siya.
"Pierce... you can call me Pierce." At tuluyan na siyang naglakad paalis, dala nag mga plato na ginamit niya.
Naiwan akong magisa sa napakalawak na dining room kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon na maglibot-libot pagkatapos kong kumain.
MALAWAK. Napakalawak ng dining area, parang halos ganito na kalaki ang main room ng House Of Hope. Pagkatapos ay magkaiba pa ang dining room at kusina dito. Maraming furnitures, may mga statue rin sa doon sa salas—matatawag ko pa bang salas ang lugar na 'yon? Mala-ball room na kasi dahil sa grand staircase na nandoon.
Grabe, sino kata nag naglilinis dito? Parang halos hikain ako kakaisip kung gaano katagal bago malinis ang buong lugar na 'to.
Pagkatapos kong libutin ang dining room, ay sumunod naman ako sa kusina na nasa katabing silid lang. Ang pinto ng kusina ay makikita lang kapag dumaan ka muna sa dining room—kumbaga magkakonekta lang ang dalawa.
Unang hakbang ko pa lang sa kusina ay talagang namangha na ako dahil sa linis at ganda. Ang theme ng kusina ay dirty white at marble na kulay dark gray. Ewan ko kung anong tawag, dahil hindi naman ako maalam sa mga ganitong disenyo.
Kumpleto ang mga gamit, may ref, lababo, oven, kalan at iba pa. Talagang hindi ka na mahihirapan at mas gaganahan ka pang magluto kapag ganito kaganda ang kusina mo.
Pero kung tutuusin. Hindi na rin ito ang unang beses na nakakita ako ng ganito kagandang bahay. Dahil ako mismo, noong nasa LA pa ako ay nakatira sa ganito kagandang tahanan—pero mas malaki 'to.
Pero aanhin ko naman ang ganito kagandang bahay at marangyang buhay kung ang mga pera naman na mayroon kami at winawaldas namin ay galing sa maduming trabaho? Hindi ko kayang sikmurain ang ganoong klaseng buhay, masyadong malambot ang puso ko para gawin ang mga gusto nilang gawin ko.
Hindi ako isang armas na kaya nilang utusan na basta na lang pumatay nang kung sino ang gusto nilang patayin ko.
Napahawak ako sa dibdib ko habang pumapasok ang mga ito sa isip ko. Parang dinudurog ang puso ko sa tuwing naaalala ko ang pamilyang pinagmulan ko.
Kahit pa itinakwil at halos kalimutan ko na na pamilya ko sila, ay naaawa pa rin ako sa kalagayan nila. Nakakaawa dahil nasa kanila na ang lahat kung tutuusin, pero hindi man lang nila nagawang makilala ang Diyos na magliligtas sa lahat pag dating ng panahon.
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko pagkatapos ay umiling-iling. "You can help them, Lottie. Matutulungan mo sila sa paraan nang paghingi ng tawad para sa kanila."
Nakakatawa lang din, dahil isa sila sa dahilan kung bakit patuloy kong ginagawa ito at kung bakit gustong-gusto kong maging isang ganap na madre.
I wanted to to understand that it's not too late for them to repent for their sins. Hindi pa huli ang lahat para makilala nila ang Diyos. But I guess, magtitiwala na lamang ako sa plano ni Lord. Alam kong lahat ng plano niya, ay may mabuting dahilan at hindi niya ako bibiguin.
Itong nangyayari sa akin ngayon? Pagsubok lang ito. Isang pagsubok na alam kong kayang-kaya ko ring lampasan.
Dahil sabi nga nila... "Walang pagsubok na ibibigay sa'yo ang Diyos na hindi mo kayang lampasan." Iyan ang isa sa pinaniniwalaan ko kaya bihira lang ako panghinaan ng loob kapag mayroon akong problema na pinagdadaanan.
Hindi lang ito ang problemang pinagdaanan ko, kaya bakit nga ba nanghihina na ako agad?
"Nako! Kayang-kaya kong lampasan 'to 'no, ako pa ba?" Bulong ko naman sa sarili ko.
NAGING MABILIS lang ang oras. At sa halos limang oras na nagdaan ay hindi kami nagkita ulit ni Pierce. Nagpaikot-ikot lang ako sa loob ng mansion, walang ibang ginagawa kundi ang i-familiarize ang lahat ng daanan at pasikot-sikot.
Sobrang lawak ng mansion. May halong anim na kwarto sa taas pero may isang pinto na umagaw ng atensyon ko.
Isang pinto na kulay pula at malaki, pero hindi rin mabuksan dahil sa mga kadenang nakatalinsa door knob, pati na rin sa mga kahoy na nakaharang sa mismong pinto para hindi ito mabuksan.
Nakaka-'curious kung anong meron 'don. Gusto kong buksan pero alam kong masama nag makialam o pumasok 'don nang walang pahintulot ng may-ari kaya naman bumaba na ako't dumeretso dito sa malawak na salas, na parang ballroom.
Maliwanag ang buong lugar na ito, dahil sa malalaking bintana na talaga namang maganda. Transparent kaya nakikita ang labas—kitang-kita at rinig na rinig kung gaano kalakas ang ulan sa labas.
Nakatulala lang ako habang nakaupo sa isang engrandeng sofa. Nagiisip kung anong gagawin ko. May pagkakataon din na kinakausap ko ang Diyos.
Napakatahimik, kung matatakutin na tao lang siguro ako—baka takot na takot na ako ngayon at nakahalukipkip lang sa gilid. Pero hindi 'eh, hindi ako ganoon kaya siguro na b-bored ako ngayon.
NASA gan'yang pagkakataon ako nang bigla na lang bumukas ang malaking pinto. Titig na titig ang mga mata ko 'ron at hinihintay kung sinong papasok.
Bumungad sa akin ang basang-basang katawan ni Pierce. Wala sa sariling napatayo pa ako nang makatitigan ko ang mga mata niya na tila ay walang buhay.
Tumutulo pa ang tubig na nagmumula sa basa niyang katawan at parang nahihirapan siyang maglakad.
"A-Anong nangyari? Saan ka galing?" Agad na tanong ko nang ilang hakbang na lang ang layo namin sa isa't-isa. Pero hindi siya nagsasalita, saka pa siya nagsalita kung kelan nasa tapat ko na talaga siya.
"I fed my pet."
May alaga siya? Bakit naman nasa labas ang alaga niya 'eh ang lakas-lakas ng ulan?
Nako, ano bang problema sa lalaking 'to?
Bumuga ako ng malamig na buntong-hininga. "Maligo ka na, baka lagnatin ka pa—ahh!"
Nanlaki na lamang ang mga mata ko nang bigla na lang matumba sa akin ang katawan niya, dahilan para masalo ko ang bigat niya at matumba kaming dalawa.
Masakit ang pagkakabagsak ko lalo na't napailalim ako sa kaniya, pero hindi na man masyado. Kaya lang...
"Diyos ko! Patawad po!" Paghingi ko na agad ng tawad sa Diyos dahil sa naging posisyon namin ngayon.
Naka-dagan lang naman siya sa akin, ang ulo niya ay sakto na nakalapag sa dibdib ko.
Nakagat ko ang ibabang labi ko nang maramdaman ko na nanginginig ang katawan niya at umaapoy siya sa sobrang init.
Para akong naiiyak na hindi ko maintindihan.
"Oh God... anong gagawin ko?"