SA ISANG isang isolated na lugar di kalayuan sa bayan, ay kararating lang ni ToV sa lugar na ibinigay ng ama ni Karina sa kaniya. Nakita niya ang lugar gamit ang GPS navigator nito sa kotse niya, dahil kung babase siya sa address na ibinigay nito sa kaniya ay maari siyang maligaw dahil hindi basta-basta makikita ang lugar kung nasaan ito ngayon. Nang may makitang isang maliit na simpleng bahay si ToV ay agad siyang tumigil sa harapan nito, pinatay niya ang makina bago bumaba habang deretso siyang nakatingin sa maliit na bahay. Sa lugar na ‘yun tanging nag-iisa lang ang bahay na ‘yun at napakalayo nito sa bayan, inikot pa ni ToV ang tingin niya sa kabuuan ng lugar nang tumunog ang cellphone niya na agad naman niyang kinuha sa pants niya at walang tingin-tingin na sinagot ang tumatawag sa

