MAGDIDILIM na nang makarating sina ToV sa tapat ng barn ni YoRi, nakasilip sa bintana si Karina habang nakatingin sa malaki at may kagandahang barn na malayo-layo sa ilang kabahayan kung nasaan sila ngayon. Masasabi ni Karina na pinagkagastusan ang barn na nakikita niya, mukhang simple pero sa mga materyales na ginamit masasabi niyang mamahalin, bilang isang nagmamay-ari ng furniture na negosyo at kinalakihan niya ang ganung ambiance ng negosyo ay alam niya kung cheap o expensive na mga materyales ang ginamit sa gamit man o sa isang bahay. “Pagmamay-ari ng isa sa kaibigan mo ang barn na ‘to?”tanong ni Karina habang sa barn ni YoRi nakatingin. “Yes, why?”saad na tanong ni ToV na ikinalingon ni Karina sa kaniya. “Lahat ba kayong magka-kaibigan ay mayaman pa sa isang milyonaryo?”ani ni Kar

