“Akala ko katapusan ko na, salamat at dumating kayo!”palahaw na iyak ni Paolo na agad niyang ikinatikom sa bibig niya ng sabay-sabay na magkasa ng baril sina ToV. “Tsaka ka na magpasalamat pag wala ng humahabol sayo.”ani ni Paxton na binuksan ang bintana sa tabi niya at inilabas niya ang kalahati ng katawan niya at pinaputukan ang itim na van na nakasunod na sa kanila. At dahil nakikipag sabayan sa kanila ng pamamaril ang humahabol sa kanila ay si Shawn ang gumagawa ng paraan para hindi sila masyadong matamaan ng bala ng mga kalaban nila sa pamamagitan ng twsit and turn na pagmamaneho niya. At dahil sa klase ng pagmamaneho ni Shawn ay hindi masyadong makatama si Paxton kaya napapamurang bumalik ito sa loob ng sasakyan at dumungaw sa nagmamanehong si Shawn, habang patuloy ito sa pagewang-

