Malungkot siya habang pinapasadahan ng tingin ang kan'yang condo. Someone has already bought it at ngayon ay abala siya sa pagpapalipat ng mga gamit patungo sa trak na nirentahan niya upang dalhin sa bahay nina Trisha. Hindi niya lubos na maisip na magiging ganito ang buhay niya.Kagaya ng sabi ng daddy niya ay paghandaan niya dapat ang mga balakid na darating pa sa buhay niya. Ito na siguro iyon, ang pagbenta niya ng assets na pinaghirapan niya. Nag-deposit na kaagad siya ng pera sa hospital para wala na siyang poproblemahin pa sa mga bills na darating pa. Napagtanto niya na hindi lamang pangalan at salapi ang mga nawala sa kan'ya kundi pati na rin ang mga kaibigan at kapamily niya. Kunsabagay, sino ang gugustuhin ang makasama siya? Hindi siya isang magandang example para sa mga kaibig

