"Boss, sorry po talaga! Hindi po talaga kayo pwedeng pumasok sa Black State."wika ng security guard sa kan'ya.Ilang beses na siyang nagmakaawa sa guard ngunit ayaw talaga siya nitong papasukin. " Sige na naman oh, kailangan ko lang kausapin ang asawa ko! Nandiyan siya sa loob! Maawa ka naman boss, kailangan ko talaga siyang makita." muli niyang sambit sa guard ngunit napailing lamang ito. "Mawawalan po ako ng trabaho kapag papasukin ko po kayo sa loob. Pasensya na talaga bossing, hindi talaga pwede!" muling wika ng lalake sa kan'ya. "Cathlea! Papasukin mo'ko!Ela!... Parang awa niyo na, papasukin n'yo ako!" malakas niyang sigaw habang kinakalampag ang mataas na gate ng Black State. "Boss, hindi po kayo maririnig kahit na magsisigaw pa po kayo!" paalala sa kan'ya ng guard. Napaupo si

