Chapter 33- Part 3-Continuation

1234 Words

"So, paano ba 'yan mauuna na kami ah? Maraming salamat talaga bro ah? Babawi ako sa' yo!" sambit ni Van sabay tapik sa balikat ng pinsan. "Don't worry, maliit na bagay lang 'yon bro. Anyway, paalis na rin kami ni Ela sabay na tayong lumabas." wika ni Adrian kina Van. Tumayo naman kaagad si Trisha at biglang kumapit kay Van. Si Adrian naman ay hawak ang bewang niya. Magkasunod lamang naman pala ang kotse nila sa parking area. Pero bago pa sila makapasok sa kan'ya kan'yang sasakyan ay tinawagan ni Van si Adrian. Pumunta na man si Adrian sa kotse nina Van. "What is it Adie?" tanong niya kay Adrian nang makabalik na ito sa kotse. "S-Si Papa G raw isinugod sa hospital." sagot nito. "What? Saan raw? Tara puntahan natin!" aniya. Bigla siyang kinabahan. Sana naman ay okay lamang si Papa G.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD