"Mahal, hindi ba tayo mag-cecelebrate ngayon?Monthsary natin ngayon. Six months na tayo mahal baka naman, katulad ng ibang mga couple ay pwede rin tayong mag celebrate?"wika ni Trisha kay Van nang dumating ang asawa mula sa company nito. Naabutan niya itong nasa sofa at tila ba kanina pa siya inaabangan. Wala pa ring pagbabago para sa araw na ito, wala pa rin siyang mahanap na willing tanggapin ang investment niya. " Mahal baka pwede magluto ka na lang ng foods na para sa atin?" suhestiyon niya rito. "Tsssk,mahal naman special ang araw na ito para sa ating dalawa.Paranasin mo naman ako na kahit na makakain sa mga sosyalang lugar katulad ng pagpaparanas mo sa dati mong asawa."wika nito na nakakapit na nang husto sa likuran ni Van. Napakamot siya ng batok sa narinig na sinabi ni Trisha.

