VAN LEXUS Nakahiga siya ngayon sa hospital bed na halos'di pa rin makapaniwala sa nangyari. Parang sasabog na 'ata ang utak niya sa kakaiisip sa mga masasakit na katotohanang isinampal sa kanya ng harap harapan. Kasama niya ngayon ang kan' yang pinsan na si Adrian. Nasa isang hospital siya ngayon at pinapalinis ang natamo niyang sugat kagabi. Pero hindi niya alintana ang sakit na dala ng sugat na'yon bagkus ay mas masakit pa ang sakit na damang dama niya sa puso niya ngayon. Hanggang ngayon ay numb pa rin ang kan'yang binti, he can't feel any pain from it. Balik Tanaw " Ano ba ang kailangan n'yo sa akin? Pera ba? Kung pera, nagkakamali kayo dahil wala akong maibibigay sa inyo!Sino ba kayo? Ba't n'yo ko kinidnap?" sambit niya sa mga taong nasa harapan niya sa sandaling iyon. Nakita ni

