January 2011
Mahigpit kong hawak ang reviewer ko habang sinasaulo ang mga nakasulat dito. Ilang oras na lang ay darating na ang prof namin at paniguradong may surprise quiz na naman.
"Outpatient care comprises medical and ancillary services delivered to— to a patient, a patient— ugh!" frustrated akong tumingin sa may labas ng bintana naghihintay na lang na may bumagsak na biyaya.
"To a patient who is not formally admitted to the facility and does not stay overnight."
Napalingon ako kay Pia na chill na chill lang na nagkakalikot sa kaniyang cellphone.
"Wow parang hindi tayo sabay umuwi kagabi galing duty ha?" aniya ko kaya naman nabaling ang tingin nito sa akin.
Tumawa muna ito bago nagsalita na may halong pagyayabang.
"Advance reading lang bes!"
Napatigil kaming dalawa sa pag-uusap dahil may pumasok na student council sa room.
"BSN-3A?" paniniguradong tanong nito kaya naman nagtunguan ang mga kaklase namin. "Final na ba na 11 lang ang sasama sa Ilocos Sur Fundraising?" muling tanong nito.
"Palista pala ko pre!"
Nagsitauyan ang mga kaklase kong nagmamadaling humabol sa nasabing event ng univ dahil malaking points ang idadagdag nito sa grades namin sa major subject.
"Kailan ba ulit 'yan bes?" tanong sa akin ni Pia
"Next week na ata bes kaya ang dami naghahabol ngayon." sagot ko at muling ibinaling ang tingin sa aking reviewer.
Wala pang alas-kwatro ng madaling araw ay gising na kami ni Pia. Dito ako natulog sa kanila ngayon sa takot na baka magkaiba kami ng bus na sakyan kung maghihintayan pa kami.
Mabilis lang din kaming nag-ayos dahil alas-sais ang alis ng bus na sasakyan namin. Maaga kaming nakarating sa may gate ng university dahil doon ang hintayan.
"Third years and fourth years, BSN and BSBA isang bus lang kayo since kayo ay equal na plus si Sir Lorenzo." naagaw ang atensyon namin dahil sa sinabi ng isang prof na nag-a-assign kung anong bus number kami at sino ang kasama.
Unang sumakay ang mga kaklase ko nagmamadali, kaniya kaniyang upo ang iba'y nag-aagawan pa kung sino ang sa bintana.
"Bes dito ka na sa may bintana alam ko namang mahihiluhin ka." pabirong irap ni Pia at nagbigay sa akin ng daan upang makaupo na ako.
"Nagdala ko ng dalandan bes." natatawang sabi ko habang inilabas ang isang plastik ng dalandan.
Humalakhak ito saka ako hinampas sa braso. Dahil mahihiluhin akong tao at hindi ko gusto ang amoy ng bus na air-conditioned ito ang inaamoy-amoy ko tuwing may byahe kaming pupuntahan lalo na kung malayo.
Habang inaamoy-amoy ko ito ay magsisimula na sanang umandar ang bus nang sumigaw ang isang lalaki habang natakbo.
"Shancai!" malakas nitong sabi kaya naman nagtawanan ang mga nasa loob na nakarinig lalo na ang mga lalaki sa likod namin.
Pinatigil ni Sir Lorenzo ang bus upang makasakay ito.
"Mr. Tamayo sinabing agahan." saway nito habang mabusising chinecheck ang bag.
"Sorry sir hinatid ko pa kapatid ko sa school, e." nakangiting sabi nito
Matapos i-check ni sir ang bag nito ay pinadiretso na ito sa upuan niya.
"Pre dito!" tawag ng mga lalaki sa likod namin kaya naman tumango ito at pinuntahan ang mga kasama niya.
"Ang tapang ng amoy ng pabango!" reklamo ni Pia na naging dahilan ng sunod-sunod na pagbahing nito.
Habang nasa byahe nakikinig lang kami ni Pia ng music sa aking mp4. Malayo ang byahe namin kung hindi kumain ay natutulog lang kami ni Pia. Naalipungatan ako dahil sa pagtama ng araw sa mukha ko, ramdam ko rin ang bigat sa kaliwang balikat ko dahil nakasandal sa akin ang ulo ni Pia na mukhang tulog na tulog.
"Malapit na tayo, ayusin niyo na ang mga gamit niyo." anunsiyo ni Sir Lorenzo kaya naman mahina kong tinapik ang pisngi ng kaibigan ko.
"Bes malapit na daw tayo, uy!" gising ko rito.
Pababa na kami ng bus nang sumabit ang earphones ko sa isang upuan kaya naman nahirapan akong tanggalin iyon dahil hindi ko makita kung saan ito sumabit.
"Bes!" tawag ko kay Pia na nauna nang bumaba ngunit hindi ako narinig nito at dire-diretso lang ang gaga.
Naramdaman kong may bumangga sa may puwitan ko kaya naman napalingon ako rito.
"Sorry, sorry miss hindi kita napansin." mabilis na paghingi nito ng tawad
"Kuya patulong naman, patanggal nu'ng pagkakasabit." pakiusap ko
Ramdam ko na hindi siya komportable habang inaalis ito. Nararamdaman ko rin na nadadali nito ang puwitan ko at todo hingi siya ng tawad kada madadali niya iyon.
"Okay na miss." nakangiting sabi nito habang pawis na pawis
"Salamat kuya, sorry din sa abala." ani ko habang nakatingin sa kaniya
"Okay lang." muli na naman itong nakangiti sa akin mukhang ipinagmamayabang ang pantay pantay at mapuputing ngipin.
Nang makarating na kami sa hotel ay dumiretso na kami ni Pia sa aming room. Kinuwento ko dito ang pangyayari kanina at mukhang wala naman siyang pake dahil nag-aayos na ito ng gamit niya.
"Bruha ka kasi, iniwan mo ko pagkatapos kitang gisingin buti nga 'di kita pinabayaan du'n, e." sisi ko rito at nahiga na sa kama namin.
"Bruha ka rin!" hindi nito pagpapatalo kaya binato niya ako ng damit niya.
"Bes hindi na pala nagana 'yung earphones ko." umupo akong muli at saka tiningnan ang earphones ko na naputol na. Kaya ko nga ito dinala ay dahil ayokong makinig sa seminar mamaya.
Matapos naming magpahinga ay pinapunta na kami sa may convention hall dahil doon gaganapin ang seminar. By course ang table kaya naman hindi na kami nahirapan pang hanapin kung saan kami nakapwesto.
Habang nagsisimula na ang seminar ay hindi ako nakikinig panay lang ang doodle ko sa notebook ko habang nakapangalumbaba. Nagising na lang ang diwa ko nang magpalakpakan sila at nagbukas ang ilaw.
Pinadiretso na kami sa may dinning area upang kumain ng dinner, dahil buffet iyon ay dinamihan ko ang kuha ko dahil kanina pa ako gutom na gutom.
"Bes swimming tayo after?" yaya sa akin ni Pia saka ito sumubo ng kanin.
"Ayoko bes, libot na lang tayo sa hotel." pagtanggi ko rito kaya naman inirapan niya ako pero alam kong hindi siya makakatanggi sa akin.
Pagkatapos kumain ay hinihintay ko lang si Pia na nasa cr dahil napagkasunduan naming maglalakad-lakad na lang. Katext ko si mama upang i-update siya.
"Here."
Napatingala ako dahil sa boses na narinig ko at muli ring napatingin sa lamesa dahil sa inilapag nito.
"Ha?" naguguluhang tanong ko
"Here, 'di ba nasira ko 'yung earphones mo habang tinatanggal ko." sabi nito
"Ah, okay lang naman." nahihiyang sabi ko at ibinabalik sa kaniya ang inabot niyang earphones.
"No, okay lang din naman. Sige na, tanggapin mo na 'yan." pag-i-insist nito kaya naman kahit nahihiya ako ay tinaggap ko na.
"Thank you pero okay lang talaga, nakakahiya tuloy." nakatungong sambit ko
"William." inilahad ang kamay niya na para bang nag-aalok na makipagshake hands.
Mabilis ko namang pinunasan ang palad ko at saka tinanggap ang kamay niya.
"Ivy."