"Sobrang liit ng baby."
Nilingon ko si Pia na katabi ko, malumanay ang mga mata nitong nakatitig sa operasyon ngayon. Kitang kita ko rin ang pag-aalala niya dahil ramdam ko ang mahigpit na hawak nito sa aking scrub suit.
Ibinalik ko ang tingin sa unahan. Totoong sobrang liit ng sanggol na inooperahan ngayon, bukod dito ay hindi lang basta bastang operasyon ito. Nakakamangha na malakas ang loob ng mga magulang at lalong lalo na si Doc Dy na ikonsidera ang open-chest surgery.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko dito dahil napapansin ko ang pag-angat at baba ng kaniyang mask dahil sa mahinang pagsasalita nito.
"I am praying for the baby." naaawang tugon nito
"The baby will live." pabulong na paninigurado ko rito.
"Forcep, please." rinig kong sabi ni doc habang nakalahad ang kaniyang kanang kamay. Mabilis naman itong iniabot ng scrub nurse sa kaniyang tabi. "How's the vital signs?" muling tanong ni doc sa kaniyang anesthesiologist ng hindi ito nililingon.
"Fortunately, it's stable doc." tugon nito kaya naman muling natahimik ang buong NICU.
Mahigit dalawa't kalahating oras natapos ang operasyon, at sa dami nang nanood ay kitang kita mo sa mga mukha nila ang kagalakan paglabas ng NICU.
Papalabas na rin sana kami nang masilayan ko si doc na kausap ang tatay ng sanggol na kaniyang ioperahan. Mangiyak ngiyak ito sa tuwa dahil sa magandang balitang dala-dala ni doc sa kaniya. Hindi ko namalayan ang pag-angat ng gilid ng aking labi, agad ko namang iwinasiwas ang kamay sa ere upang bumalik sa dating kompustura.
Bago umuwi ay ninais ko munang bumili ng kape sa coffee shop dito sa loob ng hospital malapit sa cafeteria.
"Hot cappuccino?" nakangiting tanong sa akin ng cashier kaya naman nakangiti rin akong tumango.
"Pa-add pa ko ng isa." pahabol na sabi ko bago niya buksan ang kaha
"Po? Isa pa po?" pagkukumpirma nito
"Isa pang order ng hot cappuccino." sagot ko at iniabot ang hospital card ko.
Laking ginhawa ang naramdaman ko nang maabutan ko si doc sa garden na nakaupo at minamasahe ang batok. Dumiretso ako nang lakad patungo sa kaniya at inilapag ang mainit na kape sa tabi nito. Napaangat naman ang tingin niya sa akin, blangko pa rin ang ekspresyon ng mukha.
"Wala na kong utang sa'yo ha?" bigkas ko at saka tumalikod na sa kaniya at tuluyan nang umalis ng hospital.
Alam kong hindi pa sarado ngayon ang mall kaya nagmadali na rin akong magtungo roon dahil noong isang araw pa ako nagke-crave sa spicy chicken and mashed potatoes. Siguro nga ay nalalapit na ang buwanang dalaw ko dahil napapansin ko rin na nagsisimula na naman akong tubuan ng unwanted zits.
"Hay," butong hininga ko habang nakatingin sa salamin dito sa mall at nagpipili ng mga skin essentials na kailangan ko. Ibinalik ko ang tingin sa aking phone na naka-open ang notes dahil doon nakalista ang mga bibilhin ko. Hindi ko ugaling pumunta ng mall at bumili ng mga hindi naman kasama sa listahan dahil nakabudget na lagi ang sweldo ko at ayoko namang mashort ako at mangutang kay Pia o Miko.
"Miss wala ng 250 cc nito?" tanong ko nang nakaluhod at nakatingala sa sales lady na nag-aayos malapit sa akin.
"Po?" gulat na tanong nito
"250 cc nito, wala na kayong stocks?" muli kong tugon sa kaniya
"Ayan po Ma'am? 250 cc?" kita sa mukha niya ang pagkalito na natatarantang naghahanap din sa shelf na katapat ko.
"Yes, 'yung de pump na malaki." pumipikit pikit na tanong ko. Luminaw naman ang kaniyang mukha bago ako sagutin.
"Ah 'yung 250 ml po ma'am? Wait lang po, I'll check po." nakangiting sabi nito bago tumayo upang pumunta sa stock room.
Marahan akong napabulong ng mura saka ko lang narealize na wala ako sa hospital ngayon upang magsalita ng ibang terms.
Hindi rin ako nagtagal at natapos nang bilhin ang mga kailangan ko. Masaya akong naglalakad lakad patungong parking lot. Mas lalo namang hindi nawala sa mukha ko ang ngiti nang matanaw ko ang matcha cake, napahinto ako at tinitigan iyon ng halos tatlong minuto. Hinihintay na makapagdesisyon ang sarili kung bibilhin ko ba iyon o hindi. Kakasabi ko lang hindi ako dapat bumibili ng hindi naman kasama sa budget!
"How about this one, Daddy?"
Naputol ang pakikipagtitigan ko sa cake dahil sa isang pamilyar na boses na nasa kabilang side ng bakery na ito.
"You want this mocha cake?" ngiting tanong ng ama na nakaluhod habang nagtuturo sa cake display fridge.
"Kayo po Ma'am?"
Nabali ang tingin ko sa nag-uusap na mag-ama nang tanungin ako.
"I'll get this one in small size" turo ko sa kanina ko pang tinititigan na matcha cake.
Alam kong napunta sa akin ang atensiyon nang nag-uusap na mag-ama. Wala pang sampung segundo ay naramdaman ko na ang pagyakap sa akin sa may hita.
Ngumiti ako at hinimas himas ang maayos na pagkakaclip niyang buhok.
"Hi Chelsea!" bati ko
Tinugon niya ako ng matamis niyang ngiti na halos hindi na makita ang pagkakabilog ng kaniyang mata.
"Birthday cake for whom?" he asked while holding his daughter's small hands.
"Uhm no, I just wanted to buy." natatawang tugon ko kaya naman tumango tango ito habang nakalabas ang pantay pantay niyang ngipin. "How 'bout you?" pabalik na tanong ko
"It's my Mom's birthday tomorrow, so we're here to buy her a birthday cake."
"Oh, happy birthday to tita." medyo gulat na bati ko.
"Thanks, I'll tell her that."
September 2011
Saturday
Naiinis akong humarap sa kaniya na kasalukuyang nagsasagot ng kaniyang worksheet.
"Baka magmeeting kami for research bukas." palusot ko dito dahil niyayaya niya akong magtungo sa kanila sa kanilang bahay sa Santa Rosa dahil birthday ng kaniyang mommy.
Hindi ko alam kung bakit ayokong sumama, kung dahil ba sa napagdesisyunan ko nang gugulin ang buong weekend ko na tapusin ang mga care plan at case study ko or dahil alam kong mahihiya lamang ako doon.
"It's Sunday, don't worry I'll pick you up" sagot niya nang hindi inaalis ang tingin sa ginagawa.
"Baka nga hindi ako payaga—"
"Ako na magpapaalam bukas pagkasundo ko sayo." siguradong tugon nito na naging sanhi upang tumigil ako sa pangungumbinsi sa kaniya na huwag na akong isama.
Sunday
09:46 am
I was waiting for him outside our gate dahil sinabi niyang kakapasok niya lang sa subdivision namin. I scanned myself and carefully dust off the green dress that I am wearing.
Rinig ko ang tunog ng kaniyang sasakyan kaya naman humakbang ako ng maliit upang silipin kung siya na nga iyan. Lumapad ang kaniyang ngiti nang masilayan akong naghihintay kaya naman hindi ko na rin naiwasang hindi umangat ang aking mga labi.
"Ang tagal mo!" singhal ko habang hinihintay siyang i-unlock ang pinto ng kaniyang kotse.
Ibinababa niya ang bintana at saka sumilip, "Akala ko ba hindi ka papayagan?" pang-aasar nito at saka lumabas ng kaniyang sasakyan.
Umirap ako nang marinig ko ang paglabas ni mama sa gate.
"William anak, dito na ba kayo maghahapunan o doon na rin?" tanong ni mama na hawak hawak si Goldilocks.
"Doon na rin po sa bahay Tita. Pagbabaunan ko kayo, anong gusto niyo po?"
Hinampas ko sa hita si William dahil sa sinabi nito kaya naman nagkaroon ulit ito ng dahilan upang tumawa ng mahina.
"Nako anak 'wag na, basta umuwi laang kayo bago dumating ang Papa ni Ivy."
"Sige po, una na po kami." paalam nito bago himasin si Goldilocks sa ulo kaya naman ngumiyaw ito.
Habang nasa byahe ay saka lamang naalala ni William na dumaan ng mall upang bumili ng cake para sa mama niya.
"Ako na lang ang pipili 'wag ka na bumaba diyan sa kotse para hindi na tayo magbayad sa parking." suhestsiyon ko bago nagmadaling pumasok sa loob ng mall. Mabilis din naman akong nakapili at nagtungo sa pinaradahan ni William sa tapat ng ukayan na kaharap lang din ng mall.
Hawak hawak ko ang paper bag na regalo habang nakatayo sa tapat ng kanilang malaking gate, dito niya ako ibinaba dahil kukunin niya lamang daw ang cake sa compartment ng sasakyan. Nanlaki ang mata ko nang bumukas ang kanilang gate at bumungad sa akin ang isang maliit na bata na may hawak na CJ7 na stuffed toy. Malaki at bilugan din kaniyang mga mata, manipis ang labi at namumula mula ang matatabang pisngi.
"Kuya?" tanong nito sa akin
"Is that Kuya William, Clary?" boses ng isang babae na patungo rito.
Gusto ko ngayon magtago dahil sa sobrang kaba. Hindi ako mapakali kaya naman nagtangka akong tumalikod nang nabangga ako sa dibdib ni William.
"There's a child William." masungit na pagkakasabi ng boses
Nakaupo ako ngayon dito sa kanilang salas katabi ang nakababatang kapatid ni William na si Willow at ang pinsan nitong si Clary na nagbukas sa aking ng gate. Ngayon ko lamang na-meet ang pamilya ni William dahil siya ang palaging nasa amin kaya naman kilala na siya nina mama at papa, pati na rin ang alaga naming pusa.
Busy'ng busy ang mga magkakapatid dahil hindi pa sila tapos sa paghahanda. Natigil lamang sa paglilibot aking mga mata sa kabuuan ng kanilang first floor nang makaramdam ako ng tawag ng kalikasan.
Nahihiya kong kinulbit si Willow upang tanungin kung nasaan ang CR.
"It's there Ate at the end of the kitchen, the second door." turo nito nang nakatayo pa at masiglang itinuturo ang daan papuntang kusina
Marahan akong nagtungo sa roon nang maabutan ko ang panganay nilang kapatid, nakatingin ito sa aking na para bang hinuhusgahan ang buong pagkatao ko. Ito rin ang sumuway sa amin ni William kanina sa gate. Akward akong ngumiti sa kaniya habang ipinagpapatuloy nito ang pagluluto ng carbonara.
Gusto ko na lang maiyak, ang sungit ng ate niya! Hindi ko alam kung nanaisin ko pa bang lumabas ng CR o manatili na lamang dito. Matapos ang matagal na pakikipagtalo sa sarili ay lumabas na rin ako nang makita ko ang namumulang kamay ni ate Willmarie na tatangkaing ibabad sa isang bowl na puno ng yelo.
Dali-dali akong nagtungo sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kanang kamay. Nagulat ito sa akin dahil sa ginawa ko. Hindi ako umimik at inalis ang kaniyang bracelet at singsing bago ko binuksan ang gripo ng lababo at isinahod ang kaniyang napasong kamay.
"Ice will just damage your burn skin." sambit ko at patuloy na hawak ang kamay nitong na nadadanan ng tubig gripo.
"May first aid kit po kayo?" nahihiyang tanong ko na hindi nakatingin sa kaniya. Rinig ko ang malumanay niyang paghinga bago sumagot.
"Nasa mini drawer sa gilid ng stairs."
Nagmadali akong hanapin ang first aid kit nila at bumalik agad sa kusina, ganon pa rin ang pwesto niya at halata mong iniinda ang sakit ng paso.
Matapos mababad sa running water ng mahigit benteng minutos ay tinuyo ko iyon bago lagyan ng ointment. Napapansin ko ang paggalaw ng kaniyang kamay habang nadadampian ko ito nang marahan.
"Tell me if masakit or masyadong mahigpit po." sabi ko at saka ipinaikot ang tuyong bandage sa napaso niyang kamay.
"Thanks." tipid na sambit nito na hawak hawak ang nakabalot na kanang kamay.
Napayuko nang hawakan niya ang kaliwang kamay ko.
"My gosh, I'm sorry for your watch." gulat na sabi nito habang masusing tinitingnan ang aking nabasang relos.
"Okay lang po, no need to worry." paniniguradong sagot ko kahit na alam kong malilintikan ako kay mama dahil sa kaniya pa itong relo.
"Nagbago na recipe ng carbonara mo?" tanong ni Willary na sumunod kay William sa kaniyang ate.
"Yeah, mas masarap 'to Wrie." sabi naman ng kanilang mommy na tinakpan ang bibig gamit ang kaliwang kamay nitong puno ng mamahaling alahas.
"It's William's girlfriend's recipe." sagot ni ate Wrie na naging dahilan upang mahiya akong muli sa kaniya. Nakapag-adjust adjust na nga ako kanina!
"I knew it!" proud na sigaw ni William at saka ako hinalikan sa pisngi kaharap ng kaniyang pamilya.
"I did enjoy, thank you!" sabi ko bago tanggalin ang seatbelt na nakakabit sa akin.
Nasa tapat na kami ng gate ng bahay at kagaya ng pangako ni William kay mama ay ganong oras niya ako inihatid sa amin.
"Mabuti naman, thank you rin." sagot niya at saka tumitig sa akin. Ramdam ko ang pag-init ng aking buong mukha dahil sa binibigay nitong malalim at nakakalunod na titig.
Ngumiti ito sa akin at saka nagsalita, "Can I hug you?" masayang tanong niya sa akin.
Kahit na hindi mapakali ay tumango ako sa kaniya kaya naman dahan-dahan niyang inilagay ang bigat ng kaniyang katawan sa akin at madiin akong ibinaon sa kaniyang mabangong dibdib. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko kung bakit humigpit din ang yakap ko sa kaniya.
It just feels so right.
Nasa harap na ako ng gate namin at nakababa na ng sasakyan niya, kumakaway kaway na ako sa kaniya kaya ini-start niya ang kotse niya. Kita ko ang pag-aayos niya sa kaniyang seatbelt kaya naman kumatok ako sa bintana ng shot gun seat. Ibinaba niya iyon at nagtatakang dumungaw sa akin.
Mabilis kong inilapat ang labi ko sa labi niya bago pumasok nang tuluyan sa aming gate. Ramdam ko ang pagwawala ng aking dibdib kaya naman napahawak ako doon. Makalipas ang ilang minuto nang pagkalma ay kinuha ko ang flip phone at nagsimulang tumipa ng mensahe sa kaniya.
To: William
Ingat ka