Verquilla...
Nagising na lang ako ng naramdaman ko na ang init ng araw na nakatapat saakin kaya naman humikab muna ako atsaka tumayo.
Tinignan ko ang orasan at nakitang 7:30 am na. Napangiwi naman ako dahil ilang minuto na lang ay late na ako sa trabaho ko.
Dali-dali akong pumasok sa cr para maligo at nag ayos na para pumasok na sa trabaho.
Nang matapos na ako. Lumabas na ako ng apartment atsaka nilock iyon para walang makapasok na iba. Mahirap na baka manakawan ng gamit pero kahit naman may pumasok na magnanakaw rito ay wala siyang mananakaw saakin.
Pagkaharap ko sa daan ay saktong may tumigil na sasakyan saaking harap. Ang expensive ng sasakyan sanaol.
Nagtaka naman ako kung bakit ito tumigil. Maya-maya ay maglalakad na sana ako ng binaba nito ang bintana at doon nanlaki ang aking mga mata ng makilala kung sino ang nasa sasakyan.
"Sakay na b*tch" ngising sabi nya sakin.
"OMGGGG!!! DAMIAN" mabilis pa sa alas kwatro ang sumakay ako sa sasakyan nya saka mahigpit syang niyakap "namiss kitaa bhiee!!!" Hinalikan ko pa siya sa pisngi jusq.
"Aray ko beh masakit atsaka wag mo nga akong hinahalikan kadiri ka" ngiwing reklamo nya.
Natawa naman ako sa kanyang reklamo atsaka napanguso.
"Ihatid mo na ako dalii! I'm freaking late na" irap ko sakanya.
"Okay okay chill ka bakla ka" maarteng sabi nito
Pinaharurot na nito ang magandang sasakyan nya.
Habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe. Nag ring ang cellphone nya kaya naman napatingin ako sakanya na nakakunot na ang noo habang sumulyap sa cp nyang nasa dashboard.
Nakita kong nakalagay doon sa pangalan ng caller ay 'My boss' . Ngumisi ako sa nakitang name ng caller sakanya.
"Sino yan?" Nang-aasar kong sabi.
Inirapan niya naman ako.
"Secretary ko." Sabi niya.
"Eh secretary mo lang pala bakit My Boss ang nakalagay huh?" Lalong lumawak ang ngisi ko ng makitang sinamaan niya ako ng tingin.
"Wag kang chismosa dzuhh saka hindi kami talo nyan. I'm gay remember?" Asik niya saakin saka inirapan ako.
Napahagikgik ako sa kanyang ginawang asal.
'Sus idedeny pa halata naman'
" Oh siya sige, kunwari na lang naniwala ako" natatawang sabi ko.
"Bumaba ka na nga " pikon at inis niyang sinabi.
Ngayon ko lang napansin na andito na pala kami kaya naman patawa tawa akong lumabas sa sasakyan niya.
Siya naman ay agad pinaandar ang sasakyan paalis at mukhang may pupuntahan.
Napabuntong hininga naman ako at ipinalangin na sana wala pa rito ang aming Boss kung hindi ay malilintikan talaga ako.
Pumasok na ako atsaka nagpalit na ng uniporme. I'm working at a fancy restaurants kaya medjo malaki ang sahod.
Nagpunta na ako sa isang table na nagtaas ng kamay. Akala ko ay lalapitan ng isa sa kasama ko dahil sa direksyon namin nakatingin.
"Uy Vio ikaw na ang lumapit, pinapatawag ako ng boss natin eh." Nguso nito.
Wala na akong nagawa kundi lapitan ang isang gwapong mayaman na lalaki I bet he's already in 30's dahil sa pagiging mapanga nya at sa ganda ng hubog ng katawan na parang sa mga model.
May kasama itong batang lalaki na ngumunguso sakanya. Bigla kong naalala ang anak ko sa batang lalaki. Siguro kung buhay siya ngayon ay baka kaedad niya lang ito.
Humugot ako ng hininga saka nilapitan na ito.
"What's your order po sir?" Tanong ko rito.
Nakatingin ang mga pulang mata niya sa menu namin at tumingin sa bata.
" What do you want to eat baby?" Sabi niya sa bata.
Nilingon ko naman ang bata na nakatitig saakin.
"U-uhh hello?" Ilang na ngiting pagkausap ko rito sakanya.
Napakurap kurap ito saakin. Mukhang napansin ng tatay niya ang pagkailang ko.
"Vexxon it's not right to stare to a woman like that. Your really creepy when you stare someone" seryosong sabi niya sa bata na ngumuso.
"But papa she's so pretty I mean she's cute and..." Nakangusong sabi nito.
"And?" Takang tanong ng ama.
He looked at me for the last time. Nagkatitigan kami at doon lang ako natauhan.
'Why do I see myself at my young age when I looked at him?'
Napapa-isip kong sabi ngunit umiling na lamang ako saka nagtanong ulit kung anong order nila.
Sinabi na nila ang kanilang order and i told them to wait in 10 minutes or more.
Dali-dali kong pinaalam ang bagong dating na order sa may kitchen at saka pinuntahan pa ang ibang mga malalakas ang dating na mga tao.
Ayon ang ginawa ko sa maghapon ang magtrabaho ng magtrabaho. Weekend naman bukas.
Habang nag aayos ako ng mga gamit ko ay bigla akong tinawag ng aming manager.
"Yes po Mrs. Han? Pinapatawag nyo ho daw ako?" Tanong ko.
Ngumiti ito saakin
"Hey vio, well you probably wondering why I called you. One of our customers want you to be his secretary. He asked your personality a while ago and how do you handle your work so I told him and he wants you to be his secretary. He said that he has other reason kung bakit gusto ka niyang maging secretary niya. Malaki ang magiging sahod mo and siya na ang bahala sa mga binabayaran mo. Iyon ang sabi nya kaya I need to fired you right now I'm so sorry Vio but you're fired" mahabang litanya niya.
Napabuntong hininga naman ako saka tumango na lang. Senyales na pumapayag akong maging secretary niya. Kung sino man siya.
"Alright, by monday start ka na daw ng work sakanya ayon lang thank you for your time."
Hindi na ako nagsalita saka umalis na sa office nya. Nagligpit na din ako ng ibang gamit ko saka naglakad na lang ako papuntang apartment.
Nang makarating ako sa apartment ay agad akong naghilamos saka pagod na humilata sa aking kama. Napakagat ako ng labi sa naalala kanina.
' he wants me to be his secretary but what his other reason? I'm really curious right now'
Buntong hininga akong napa-upo maya maya lang ay nag vibrate ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si Laura.
Napataas ang kilay ko.
' Bakit naman tumatawag tong isang to?'
"Oh bakit?" Bungad ko rito ng sagutin ko ang tawag niya.
Tumawa naman siya sa kabilang linya.
(Ganda naman ng bungad mo bess. Hindi mo ba ako namiss?) Tingin ko ay nakangiwi na ito sa kabilang linya.
"At bakit naman kita mamimiss huh?pagkatapos mong umalis ng walang paalam?" Inis na sabi ko saka ngumuso.
( I'm sorry na bhiee HAHAHAHHA , may chika ako) deretsang sabi nito kaya naman napabangon ako sa pagkakahiga at umupo.
"Oh ano yon?" Naka pokus kong sabi na halatadobg interesado ako.
(Ayon na nga) nailayo ko na lang ang aking cellphone sa tainga ko ng marinig kong tumili siya na parang kinikilig.
"Ano nga?" Sabi ko.
(Ikakasal na ako beshyyy!!) Sabi niya na nakapaglaki ng mga mata ko.
"Talaga kanino?!"
(Kay Zennon Verquilla beshy. He's older than me but he's so green like green flag) humagikgik ito sa kabilang linya (and oh, you're invited at my wedding. Ibibigay ko na lang sayo bukas yung invitation card alright?) Sabi pa nito.
"Alright, I'm so happy for you!!" Napapangiting sabi ko." And oh! Congratss!!" Dugtong ko pa.
( Aww thank youu!! Sige na ibaba ko na ang tawag hmm? Ciao~~)
"Alright goodbye mwa mwa" ngiting sabi ko narinig ko pa itong humagikgik bago ibaba ang tawag.
Bumalik na ako sa pagkakahiga saka naramdaman ang dahan dahang pagbagsak ng mga mata ko.
Bago iyon ay naalala ko ang sinabi ng kaibigan.
'Hmm, Verquilla? Familiar, I feel like I heard it somewhere or read it on some articles at news? Well nvm.'