"Want me to tell you a story?"
Natigilan naman ako 'dun sa tanong niyang 'yun. I want to know more about him pero...
"No." Sagot ko.
"What?"
"No." Pag-uulit ko ulit habang nakatitig ng diretso sa mga mata niya.
Nagulat siya at naguguluhan na tumingin sa'kin dahil sa pagtangi ko.
"Ayoko dahil ayokong magkwento ka nang nasa ganyan kang kalagayan." Sabi ko na mas lalong nagpagulo sa kanya.
"What do you mean?"
"Look at you." Sabi ko at tinuro siya. "Umiiyak ka. Wala ka pang nasisimulan sa kwento mo but... you're crying."
Napahawak naman siya sa pisngi niya at nagulat sa basang pisngi nito.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang nakakuyom niyang kamay. At tinapik siya nang mahina sa likuran.
"Ayokong makinig ng kwento kung hindi ka kalmado. Sabi mo nga na-trigger ang ala-alang ayaw mo nang maalala. At ayokong umabot sa puntong mas mahirapan ka pang ungkatin ulit 'yung mga ala-alang pilit mo nang kinalimutan." Sabi ko sa kanya.
"Just tell me your story sa panahong handa ka na at kalmado na ito." Tinuro ko 'yung bandang puso niya.
Bigla siyang ngumiti at pinunasan ang mga luha niya. Maya-maya ay bigla siyang tumawa at ginulo ang buhok ko.
"You're really different from those other girls I've seen." Sabi niya habang tumawa pa ng malakas.
Nabaliw na nga.
"Kuya Matt!"
"Ba't andito ka?" Tanong ko kay Jake pagkalapit niya.
"Eh ayokong matulog eh." Sabi niya. "Laro tayo, Kuya."
Hinila niya si Matthew papunta sa kwarto niya kaya napabuntong-hininga nalang ako at sumunod na rin ako. Nakapwesto agad sila doon at may hawak na agad na game controller.
"Hoy! Nilalagnat ka pa ah! Ba't maglalaro ka d'yan?" Sita ko sa kapatid ko.
"Mawawala lagnat ko 'pag naglaro ako. 'Dun ka na nga, istorbo ka pa eh." Sagot naman ng kapatid ko.
"Aba! Aba! Pinapaalis mo ko? At isa p---"
Natigilan naman ako nang tumayo si Matthew at natatawang tinulak ako palabas ng kwarto.
"Ako nang bahala sa kapatid mo. At isa pa, may lagnat ka pa rin." Natatawang sabi niya.
Mukhang wala rin akong magagawa kaya napabuntong-hininga nalang.
"Fine! Gawin niyo kung anong gusto niyo. Medyo nahihilo pa ako kaya matutulog nalang muna ako. Tawagin niyo nalang ako 'pag nagkaproblema." Sabi ko at tuluyan na akong umalis papuntang kwarto ko.
"Aiden." Pagtawag niya kaya napalingon ako. "Thank you."
Nginitian ko siya at tuluyan nang pumasok sa kwarto ko. At agad na nahiga sa kama ko.
"And this time, no kiss involved." Natatawang bulong ko at tuluyan na akong nakatulog.
---
"Asan na si Matthew?" Tanong ko sa nakadapa kong kapatid na naglalaro sa phone niya.
Naabutan ko kasing mag-isa lang ang kapatid ko dito sa kwarto niya at wala nang kasama pagkagising ko.
"Umalis na, may trabaho pa daw eh. Mahimbing daw kasi tulog mo kaya 'di ka na niya ginising. Pinahiram ko na rin pala 'yung payong mo." Sagot ni Jake.
"Kumain ka na, nagluto si Kuya Matt. Alas-tres na kaya ng hapon." Dagdag pa niya.
Napasobra nga ako ng tulog. At hindi ko alam pero bigla naman akong nalungkot dahil umalis na siya.
Kumain na nga ako hanggang sa maparami ako ng kain dahil sa sarap ng adobo na niluto ni Matthew.
Bigla namang tumunog ang phone ko kaya't tinignan ko.
'I'll check the both of you later :)' - Matthew
Text message niya kaya nireplyan ko na rin agad siya na huwag nang bumalik dito baka biglang dumating sila Mama.
"Ate! Tumawag si mama kanina." Bungad nang kapatid ko nang naghuhugas ako ng pinggan.
"Ano daw sabi? Uuwi na daw ba sila?"
"Hindi pa daw. Sinugod daw si Lola sa ospital dahil inatake na naman. At wala pang kasama si Lola doon kaya next week daw sila makakauwi." Sagot niya.
"Ano?! Ayos na ba si Lola?!"
"Ayos na daw si Lola. At sabi pa ni mama, may iniwan daw siyang pera sa may kabinet mo na allowance at pang-grocery daw natin."
Sana nga ayos lang si Lola. Kung hindi, luluwas talaga ako papuntang Batangas.
"At buti naman hindi mo kinuha 'yung pera lalo na't sinabi sa'yo ni Mama kung saan." Pang-aasar ko sa kanya kaya tinignan niya ako ng masama.
"Ano namang akala mo sa'kin? Magnanakaw?!" Galit na sagot niya.
"Hahaha! Chill lang, kapatid. Alam kong good boy ka." Natatawang sabi ko sa kanya.
---
Matthew POV
"Sige na, Bro. 'Dun muna ako sa condo mo matulog." Kanina pang pagpupumilit ni Drew.
Pinauwi na kami ng head chef namin ng maaga dahil sa wala na kaming customers at dahil sa bagyo. At baka mahirapan daw kaming makauwi.
"Hindi nga pwede. May pupuntahan pa ako eh. Umuwi ka sa inyo."
"Saan ka ba pupunta? Day-off naman natin bukas eh, inom tayo ngayon." Sabi niya pa at lumabas na kaming restaurant.
"Ba't ba gustong-gusto mong uminom? Heartbroken ka na naman ba? At alam mo naman sigurong bumabagyo." Sabi ko sa kanya.
"Saan ba kasi lakad mo? At 'yang mga pagkain? Saan mo dadalhin iyang mga 'yan? Magfo-foodtrip kang mag-isa? Isama mo na ako."
What an annoying friend.
Umalis na nga ako at iniwan siya 'dun.
"Hoy! Hintayin mo 'ko! Papayong na rin." At bigla siyang sumulpot sa tabi ko.
"Pang-isang tao lang itong payong na 'to. Go somewhere else." Sita ko sa kanya.
"Damot naman neto. Papayong lang eh." Angal niya.
"You like to drink, right?" Tanong ko sa kanya.
"Oo naman. Iinom na tayo sa condo mo?" Nakangiting tanong niya.
Hindi ko siya sinagot at naglakad ako papunta sa bar na malapit sa restaurant.
"Here you go. Pasok ka na at uminom ng marami." Sabi ko sa kanya habang pinapapasok ko siya sa loob ng bar.
"A-Anong--- Hoy! Bro! Huwag mo 'kong iwan dito!"
Rinig kong sigaw niya nang makatakbo ako palayo sa kanya.
"Enjoy drinking!" Sigaw ko pabalik kay Drew.
Napagdesisyunan ko namang dumaan muna 'dun sa pharmacy ni Tita Sally.
"Matt! May problema ba?" Bungad ni Tita papasok ko.
"Nah, I just want some medicines for fever." Sagot ko.
"Masakit ba ulo mo, hijo? Nilalagnat ka ba?" Tanong niya at sinipat ang noo ko.
"It's not for me, Tita. For an acquaintance."
"Sino naman? Si Drew?"
"No."
"May bago kang kaibigan? That's good for you." Natatawang sabi ni Tita at iniabot ang gamot.
"Hindi mo ba kukunin 'tong mga 'to?" Tanong niya pa habang turo ang mga gamit na binigay ng ama ko.
"Hindi ko muna kukunin at umuulan baka mabasa pa." Sabi ko at pilit na ngumiti.
"Matt... Kung kailangan mo nang kausap, makikinig ako." Sabi ni Tita nang mapansin ang pilit kong pagngiti.
"I'm okay, Tita. And besides, may kakilala akong handang makinig sa'kin." Nakangiting sabi ko sa kanya.
We bid goodbye after that. Ayoko din na nakikita ako ni Tita na ganito.
"I want to see her." Bulong ko sa sarili ko habang nakatitig sa pagpatak ng ulan habang inaalala siya, si Aiden.
Siya lang ang nagparamdam sa'kin ng ganito. She made me smile and laugh. At siya rin ang naglakas-loob makinig sa'kin.
I admit that my only intention is to seduce her para sa ginawa niya 'nung isang araw. But I'm the one being seduced and tempted. At ako mismo ang nababaliw sa bawat kilos niya.
Her smell, her lips, and her body makes me want her even more.
Hindi ko namalayan na nakarating na ako sa harap ng bahay nila. And I didn't hesitate to knock on their door.
"Matthew?!" Bungad niya sa'kin pagkabukas niya ng pinto.
"Aiden." Tawag ko sa pangalan niya.
She's really pretty and attractive. I wonder if how many jerks attempted to introduce themselves for this beautiful girl?
"Hey. Natulala ka na d'yan? Sabi ko, anong ginagawa mo dito? 'Di ba sabi ko, huwag ka nang pumunta dito?" Sabi niya nang matauhan ako.
"Nakauwi na parents mo?" Tanong ko.
"Hindi pa."
"Then, I'll enter." Sabi ko sa kanya at nilagpasan siya.
Dumiretso ako sa kitchen nila at nilapag ang mga nabili kong pagkain 'dun at andoon din pala ang kapatid niyang si Jake.
"Kuya Matt?"
"Hey. Halika, may pagkain akong binili." Tawag ko sa kanya.
"Ba't ba kasi andito ka? 'Di ba nga sabi ko huwag ka nang pumunta." Sabi ni Aiden pagpasok niya ng kitchen.
"Wala pa naman parents mo, ah? At isa pa, titignan ko rin kung nilalagnat pa kayong dalawa." Sagot ko sa kanya at binigyan siya ng pizza.
Kumain na kaming tatlo at nagkwentuhan. Wala na ring magawa si Aiden dahil sa kapatid niya.
"Uminom kayo ng gamot." Sabi ko at iniabot ang gamot sa kanila.
Pumunta na si Jake sa kwarto niya at naiwan naman kami ni Aiden dito sa may sala nila.
"Hindi ka ba uuwi ngayon?" Tanong niya.
"Gusto mo bang dito ulit ako?" Pang-aakit ko sa kanya.
"Tigilan mo 'ko. Baka iba na rin ang isipin ni Jake dahil nandito ka. Remember, boyfriend ka ng best friend ko." Sabi niya.
"I know that, but that's just a lie."
"Kahit na. Ayoko lang makarating 'to 'kila Mama." Sagot niya sa'kin.
She's cute when she's annoyed.
"Fine, fine. Let me just take a nap a little bit." Sabi ko at humiga sa lap niya.
"H-Hoy! D-Doon ka!" Nahihiyang sita niya sa'kin.
"Ayoko." Sabi ko at niyakap siya.
"H-Hoy!" Sigaw niya habang tinutulak ako.
"Ba't ba nagagalit ka? Remember that we almost did it." Pang-aasar ko kaya namula siya. How cute.
"H-Hindi na y-yun mauulit." Sabi niya.
"Talaga? Kahit na halikan kita ngayon?"
Nagulat siya nang bigla ko siyang pinahiga sa sofa at pumatong ako sa kanya.
"A-Alis! Makita pa tayo ni Jake!" Sabi niya habang nagpupumiglas.
"Nah. Your brother is already sleeping." Sabi ko sa kanya.
"H-Hoy! Huwag dito!"
"Then, want to do it again in your room?" Nakangising tanong ko sa kanya.
"Hindi---"
Hindi ko na siya pinatapos at binuhat ko na siya.
"S-Saan mo 'ko dadalhin? Ibaba mo 'ko!" Pagpumiglas niya.
"In your room."
Pagkadating namin sa kwarto niya ay inihiga ko na siya sa kama niya.
"A-Anong gagawin mo?" Kinakabahan niyang tanong.
"Let's continue where we stopped this early morning." Sabi ko nang mahubad ang damit ko.