Kabanata V

3435 Words
Chapter 05 Series 09: Lunova Santos     Kinagabihan, matapos ang pag-uusap ng Phantoms at ng underbosses para sa susunod na misyon nila ay dumeretso ng uwi si Lu sa bahay ng kaniyang mga magulang. Matagal-tagal na din simula ng magdesisyon siya na bumukod na sa kaniyang mga magulang, nakakadalaw naman siya paminsa-minsan pero madalas ay hindi dahil sa trabaho niya sa departamento at minsan abala siya sa underground society. Pagkarating niya sa paradahan ng bahay ng kaniyang mga magulang ay agad siyang bumaba ng kaniyang kotse, naglalakad na siya papasok sa pintuan ng tumunog ang cellphone niya na ikinahinto niya sa paglalakad bago sinagot ang tumatawag sa kaniya.   “Quinn, anong balita?”agad na tanong niya dito.   (We’re outside the house of Mr. Valdez, ayaw niyang makiharap sa amin. Hindi niya kami pinapasok at hindi namin makita ang bata. We’re still surveying the place, hindi pa siya lumalabas ng bahay niya kanina pa.)   “Are you sure na nasa bahay pa niya ang taong ‘yan?”tanong ni Lu dahil biglang nag-iba ang kutob niya sa binalita ni Yvo sa kaniya.   (Do you want us to check the perimeter, Captain?)   “Huwag muna kayong gagalaw, papunta na ako diyan.”pahayag na bilin ni Lu bago ibinaba ang cellphone niya at muling naglakad pabalik sa kotse nang akmang sasakay na siya ng matigilan siya ng makita niya ang pag-labas ng kaniyang ama.   “Saan ka pupunta Pedro? Mukhang kararating mo lang aalis ka na naman? Magtatampo na sayo ang iyong ina—“   “Stop calling me Pedro, Dad. Don’t dare to call me in that name in front of Phantoms.”bahagyang sermon ni Lu na iknialakad palapit ng kaniyang ama sa kaniya.   “Pedro is still your name, teka? Where are you going?”pag-iiba ng tanong nito sa kaniyang anak.   “I have case na binabantayan ngayon dad, a man named Herman Valdez, abuse his kid. He use is own son to have money and Valenzuela thinks that this man was connected to a syndicate who use kids to make money.”paliwanag ni Lu na ikinatango ng kaniyang ama   “Child Trafficking, actually son I need you to come in my office tomorrow. I have something I need to discuss with you and your team. Ako ng bahala sa inay mo paghinanap ka, but make sure to come back home immediately, Pedro.”seryosong pahayag nito na hindi naiwasang ikapoker face ni Lu sa kaniyang ama.   “Stop calling me Pedro, dad! You’re teasing me by that name.”angal ni Lu sa natatawa niya ng ama bago siya sumakay sa kotse niya at pinaandar na ‘to paalis na siya namang tumatakbong ikinalabas ng bunsong kapatid ni Lu na si Lily na lumapit sa kaniyang ama.   “Is that Kuya Lu?”tanong ni Liliy na binuhat ng kaniyang ama.   “Yes, you’re Kuya needs to work. Let’s go inside.”pahayag nito bago buhat-buhat na naglakad papasok sa bahay nila ang ama ni Lu.     Binibilisan naman ni Lu ang kaniyang pagmamaneho upang makarating agad siya sa bahay ng suspek nila, dalawang araw pa naman bago sila umalis ng mga kaibigan niya papuntang Greece upang bawiin ang crest seal ng bound nila sa nakabili nito sa bidding na hindi nila naabutan noon. May dalawang araw pa siya upang matulungan ang team niya sa kasong binigay ni ToV na alam niyang hindi basta problema ng isang ama at anak. Isang oras lang ang tinigal ng biyahe niya ng makarating na siya sa bahay ng suspek nila at makita niya sina Yvo at Joseph na nakasandal sa kotseng dala ng mga ito na agad tumayo ng ayos ng makita siya at agad sumaludo sa kaniya.   “No sign of him?”agad na tanong niya na ikinalingon nila sa bahay nito na nakababa ang mga kurtina.   “After naming katukin ang bahay niya at sinabing hindi siya makikipag usap sa amin after that hindi na siya lumabas ng bahay niya, Captain.”   “Any sign of his son?”follow up na tanong ni Lu habang sinusuri ang bahay na sinimulan niyang ikalakad palapit dito na ikinasunod ng dalawa sa kaniya.   “No Captain, kahit anino ng bata hindi namin nasilip sa loob ng bahay niya.”sagot ni Yvo ng huminto sila sa harapan ng bahay ng suspek nila.   “Mr. Valdez, I’m Police Lt. General Santos. I command you to open your door or I’ll open it for you.”tawag ni Lu sa suspek sa loob ng bahay na walang sagot siyang nakuha.   Naghintay ng ilang minuto sina Lu upang pagbuksan sila ng pintuan hanggang sa magulat nalang sina Joseph ng malakas na sinipa ni Lu ang pintuan na agad nitong ikinasira at ikinabagsak sa sahig.   “Search the area.”utos ni Lu na agad ikinapasok ng dalawa.   Pumasok narin si Lu sa loob ng bahay at nagtingin-tingin sa paligid ng salas hanggang sa dumako ang tingin niya sa mga picture frame na nakalagay sa lamesa na ikinalapit niya sa mga ito. Kumuha si Lu ng isang picture frame at tinignan ang nasa litrato, isang masayang ama habang buhat-buhat sa leeg ang anak nito sa mga balikat nito pero ikinakunot ng noo ni Lu ng mapansin na ang ama sa litrato ay hindi ang lalaking isinend ni ToV sa kanila.     “Captain!”   Agad na naalis ni Lu ang tingin niya sa litrato at lumingon kay Joseph na humahangos sa pagbaba sa hagdanan na nilapitan siya, siya namang labas ni Yvo sa may bandang kusina.   “What?”   “There’s a lifeless body of a man inside the closet.”pagbibgay alam ni Joseph na mabilis ang kilos na ikinatakbo paakyat ni Lu sa ikalawang palapag na agad sinundan ng dalawa.   Pagkarating ni Lu sa kwartong itinuro ni Joseph ay agad siyang lumapit sa closet at binuksa iyon na agad niyang ikinatakip ng ilong dahil sa baho na umalingasaw dahil sa katawan ng lalaking sa tingin ni Lu ay matagal ng patay.   “Sa itsura ng mga balat niya mukhang matagal na siyang patay, he had a gun shot sa may leeg niya.”pahayag ni Joseph habang tinititigan ni Lu ang lalaking wala ng buhay at naagnas na ang ilang bahagi ng balat nito ng bahagyang lumaki ang mga mata ni Lu sa isang realization na pumasok sa isipan niya.   “This man was the father, damn!”pahayag ni Lu na agad lumabas sa kwarto na ikinasunod ng dalawa sa kaniya.   “Gonzaga, call the CSI. Wala din kayong papalapitin dito to secure the area.”utos ni Lu na agad sinunod ni Joseph habang siya ay mabilis ang kilos na tumakbo papuntang bakuran ng bahay nang makita niya ang isang sirang bakod na ikinalapit niya dito at nakita niya ang sapatos ng isang bata na agad ikinalingon ni Lu sa kabilang bakod na gubat na ang makikita.   “Quinn!”sigaw na tawag ni Lu kay Yvo na agad nitong ikinalabas na siya namang ikinapasok ni Lu sa nasirang bakod at patakbong pumasok sa may gubat na ikinasunod ni Yvo sa kaniya.   Tinatahak nila ang daan papasok sa gubat at nagbabakasakaling makita pa ang suspek na hindi tunay na ama ng bata dahil patay na ang ama nito. Nang wala ng makitang sign sina Lu ay napamura siya at nagpamewang dahil sa tingin niya ay kanina pa sila natakasan ng suspoek bitbit ang bata.   “Captain!” tawag ni Yvo sa kaniya na seryosong ikinalingon ni Lu sa kaniya.   “Damn! I’ll f*****g get him!”pahayag ni Lu na wala nang nagawa kundi bumalik sa crime scene.    Pagkabalik ni Lu sa bahay ng biktima ay agad siyang sinalubong ni Joseph.   “Papunta na ang CSI, Captain.”pahayag nito na ikinatango ni Lu bago kinuha ang cellphone niya at tinawagan ang numero ni ToV na agad naman nitong sinagot.   (Santos, patulog na ak---)   “He’s not the f*cking father, Valenzuela. He f*cking pretend and kill the real father and now, he abduct the kid and escaped.”putol na pahayag ni Lu kay ToV   (I’m coming.)   Mabilis na nawala sa linya si ToV na ikinababa ng cellphone ni Lu na hindi napigilan ang emosyon na nasipa ang pang-isahang sofa nang mapalingon sila sa isang matandang babaeng naka roba na pumasok sa loob ng bahay ng suspek.   “Mrs. bawala po ang pumaso---“   “Na-nahuli niyo na ba ang lalaking ‘yun? Lagi kong nakikita na binubugbog niya ang bata at pinagtatrabaho sa lansangan. Sinumplong ko na siya sa mga otoridad pero nakalaya parin siya.”pahayag nito na sa tingin ni Lu ay ito ang kliyenteng lumapit kay ToV para isumbong ang nangyayari.   “Nakatakas siya dala ang bata.”seryosong sagot ni Lu na ikinagulat ng matandang babae.   “Jusko, kawawa naman ‘yung batang ‘yun. Paano nagagawa ng isang ama ang ganun sa kaniyang anak.”pahayag nito na ikinadampot ni Lu sa picture na tinitingnan niya kanina at inabot ito sa matandang babae.   “Simple lang, hindi siya ang ama. He killed the real father at nagpanggap na ama ng bata.”pahayag ni Lu na mas lalong ikinagulat ng matandang babae.   “Kapitbahay ba kayo ng may ari ng bahay na’to?”tanong ni Lu na ikinatango nito.   “Katapat na bahay niya lang ako, ang totoo bagong lipat lang sila dito. Nakikita ko pa ang bata na masayang naglalaro sa tapat ng bahay nila ng dumating ang lalaking ‘yun at binitbit ang bata. Akala ko siya ang ama ng bata, isasakay niya sana ‘yun sa kotse pero may mga palapit sana na kapitbahay sa kanila pero agad itong pumasok sa loob ng bahay. Simula noon nakikita ko ng pilit hinihila ang bata at sinasaktan pag hindi sumasama sa kaniya. Tumawag ako ng pulis para I check ang bata, nung pagbuksan naman niya kami ng pintuan ay magalang ito at hindi naman makausap ang bata. Isang beses nakita ko sa mga Quiapo kung paanong nanlilimos ang batang ‘yun kasama ang ibang bata, lalapitan ko sana kaya lang hinarang ako ng lalaking ‘yun. Kaya agad akong nagsumbong sa otoridad pero ilang araw lang ay nakalaya na din ito kaya lumapit ako sa isang abogado.”kwento nito.   “Thank you for the information Mrs. for now, you should go back to your house. You will be in Police protection order as witness of this crime, that man might come back to hurt you for witnessing what happen.”pahayag ni Lu na sinenyasan si Joseph na ihatid sa bahay nito ang ginang na nagbilin sa kaniya na iligtas ang bata.     Malakas ang kutob ni Lu na tama ang hinala ni ToV, at kung may sindikato sa likod nito kung saan ginagamit ang mga bata para pagkaperahan, hindi hahayaan ni Lu na magpatuloy ito.   Ilang oras ang lumipas ay dumating ang CSI (Crime Scene Investigation) at agad na ginawa ang trabaho nila. Dumating na din ang kapulisan na malapit sa kinalalagyan nina Lu na agad siyang nilapitan ng Police Captain na nakatalaga sa lugar na ‘yun. At dahil nasiguro ni Lu na hindi katulad ng ibang mga pulis na nakilala niya ang Police Captain na kaharap niya ay hinayaan niya itong tumulon sa kaso upang i-secure ang crime scene kung saan naglalabasan na ang taong nakatira doon at nagugulat na may nangyayari na sa paligid nila.   Miya-miya pa ay si ToV naman ang dumating, bumaba ito sa kotse nito na naka pants at tshirt na itim ng makita ito ni Lu at nafglakad ito palapit dito.   “Not just child trafficking, child abuse but also k********g. Hindi ‘to gawain ng isang tao lang.”pahayag na kumento ni ToV habang sa bahay ng biktima nakatuon ang paningin.   “If behind of all of this is a f*cking syndicate, I will hunt them down. They ruin a f*cking happy father and son family.”may galit na pahayag ni Lu na ikinalingon ni ToV sa kaniya.   “Sa tingin ko hindi lang ‘to basta maliit na sindikato, Santos.”sambit ni ToV na ikinalingon ni Lu sa kaniya.   “Malakas ang kutob ko Valenzuela, the drugs buy and sell, this k********g and child trafficking. Iisa lang na nasa likuran nito, I will make sure to find the person behind these, at wala akong pakielam kung may mga pulis na nadadala sa pera ang isasama kong mabubulok sa kulungan.”seryosong deklara ni Lu na ikinatapik ni ToV sa balikat ni Lu.     Kinabukasan, ay maagang nagpunta ang team ni Lu sa headquarters at opisina ng kaniyang ama. Nakasuot siya ng uniporme niya ganun din ang team niya na binabati sila ng mga kapwa nila pulis na nadadaanan nila. Nang makita siya ng secretary ng kaniyang ama ay agad sila nitong inihatid sa opisina ng ama niya. Pagakarating niya doon ay nakita niya itong nakitang nakaupo sa lamesa nito na napalingon sa kanila na ikinatayo nito na sabay-sabay na ikinasaludo ni Lu at ng team niya sa Police Director General ng kapulisan na ikinasaludo din nito sa kanila bago sila umupo sa harapan nito.   “Why did you call us, sir?”magalang na tanong ni Lu sa ama niya.   Alam ni Lu kung paano magtrabaho na hiwalay ang personal niyang buhay, at sa trabaho hindi mapapansin na mag-ama ang dalawa dahil sa turingan nila pagdating sa trabaho.   “I heard the news about the case you’re team holding now, and the reason I called your team Lt. Gen. Santos is because of the same reason.”seryosong pahayag nito na tutok ang atensyon na binibigay ng team ni Lu dito.   Kinuha ng ama niya ang isang folder at inabot kay Lu na agad nitong kinuha at tiningnan ang laman ng folder. Nakita niya ang ilang litrato ng mga bata, araw at oras kung kailan ito mga nawala.     “May isang witness na nakakita sa pagdukot ng isang bata na namamalimos sa kalsada, black van ang gamit at walang plaka ang sasakyan nila. May isa namang nakakita kung saan pinapasok ang bahay at kinukuha ang mga bata sa loob nito mismo, may mga takip ang mga mukha. I have three reasons kung saan nila gagamitin ang mga batang kinukuha nila, first, kidnap for ransom sa mga batang may mayayaman na magulang. Ipapatubos nila ang nakuha nilang batang anak mayaman sa malaking halaga. Pangalawa, they will sell the poor children they kidnapped in foreign countries, and third, they will get the organs of those children to sell.”pahayag ng ama ni Lu na ikinahigpit ng hawak ni Lu sa folder habang nakatingin sa mga bata.   “I want your team to fully handle this case, I want you to find and catch the person behind this k********g of children. Do you understand me?”ma otoridad n autos nito na ikinatayo nina Lu sa kinauupuan nila at sumaludo sa kaniyang ama.   “Yes, sir.”sambit nila na ikinatango ng kanilang ama na ikinatayo nito at ikinasaludo nito sa kanila.   “Permission to leave sir!”sambit ni Lu na ikinaalis ng ama niya sa lamesa nito at lumapit kay Lu.   “Your team can go outside, stay here Lt. Gen. Santos.”utos nito na bahagyang ikinakunot ng noo ni Lu na siya naman ikinapag-paalam ng team ni Lu at naglakad na palabas sa opisina ng kaniyang ama.   Naglakad naman ang ama niya at umupo sa may sofa na sinenyasan ang kaniyang anak na umupo sa tabi niya na agad ginawa ni Lu.   “Do you have something to tell me, Dad?”takang tanong ni Lu na ikinapindot ng kaniyang ama sa isang intercom sa may tabi ng mesa nito.   “Take them in.”pahayag ng kaniyang ama na ikinakunot ng noo ni Lu hanggang sa mapalingon siya sa isang pintuan ng opisina ng kaniyang ama kung saan lumabas ag secretary niya at isang lalaki at babae na sa tingin ni Lu ay mag-asawa.   Naglakad ito palapit sa kanila hanggang sa makaupo sa harapan nilang mag-ama na pansin ni Lu ang kaba at takot sa mga ekspresyon ng mga mata nito.   “Pedr—I mean Lt. Gen. Santos, I would like you to meet Mr. and Mrs. Mcgalla. They own biggest mining in UAE and Mr. Romualdo Mcgalla is a business magnet who owns Intl. shipping line and they are one of the business partner of De Leon Shipping line.” Pakilala ng kaniyang ama sa mag-asawang yumuko sa kaniya na ikinayuko niya din sa mga ito.   “They come to me because they need help, son. They get a chance to come here dahil hindi na sila mabigyan ng update ng detectives na kinukuha nila.”pahayag pa ng kaniyang ama na ikinatitig ni Lu sa mag-asawa.   “What help they need?”tanong ni Lu na agad na may kinuha ang asawang lalaki na ipinakilala ng kaniyang ama na si Mr. Mcgalla sa may suit nito at inilapag sa glass table na gumigitna sa kanila na ikinabagsak ng tingin ni Lu sa isang litrato ng isang magandang dalaga na ikinakunot niya ng noo dahil pamilyar ang nasa litrato na agad niyang kinuha at tinitigan.   “She is our adoptive daughter, kaming mag-asawa ay hindi magkaroon ng anak kaya inampon namin siya. We adopt her when she was 15 years old, at tinuring namin siyang tunay na anak. She was crying to us about his little brother and we promised to help her find him, naging mabait na anak siya amin and we loved her so much but when she came in his age at 17, bigla nalang siyang nawala at hindi namin alam kung saan siya mahahanap. That was the last picture of her we have, it’s been 12 years pero hanggang ngayon walang maibigay na lead sa amin ang mga inupahan naming mga detectives. Ayaw ng asawa kong lumapit sa mga pulis dahil wala siyang tiwala sa mga ito, nasira na ang tiwala namin dahil pinerahan lang kami ng mga pulis na ‘yun but they didn’t give us any news about our daughter. Then, one of my colleagues in business, Lucian De Leon told me to ask help to you Police Director General Santos. Please, help us to find our daughter. Her name is Lorraine Liel Mcgalla, please find her.”pahayag nito na ikinalingon ni Lu sa asawang babae nito na napaiyak nan a agad niyakap ng kaniyang asawa.   “Natatakot kami sa kalagayan ng anak namin, 12 years na ang nakakalipas pero umaasa kami na buhay pa siya. Hanggat walang katawan alam naming buhay pa siya, nakikiusap kami sa inyo.”pakiusap ni Mr. Mcgalla na ikinabalik muli ni Lu sa hawak niyang litrato.   “I know I give you big case, son. If you can’t focus on this case I will give to another team the case of Mr. Mcga---“   “I’ll take this case.”putol na sagot ni Lu na seryosong ikinalingon niya sa mag-asawa.     “I’ll find your daughter, sir, ma’am. If she’s still alive, ibabalik ko po siya sa inyo.”deklarang pangako ni Lu na paulit-ulit na ikinapagpasalamat ng mag-asawa sa kaniya at ikinatapik ng kaniyang ama sa balikat niya bago niya muling ibinalik ang tingin niya sa litratong hawak niya na bago umalis ang mag-asawa ay hiningi niya ang litrato ng dalaga.   At hanggang sa pag-alis ng team nila sa headquarters ng kaniyang ama ay hindi mawala-wala sa isipan ni Lu ang mukha ng dalaga sa litrato.     Pagkarating nila sa departamento ay agad nag-meeting ang team ni Lu, mahigpit na binilin niya sa mga ito ang unang gagawin sa hawak nilang kaso sa mga bata. Magmamanman muna sila at magpupunta sa mga lugar na nakitaan ng itim na van. Mangangalap muna sila ng mga information kung sino at anong sindikato ang pwede nilang makalaban, at pag nakakuha na sila ng solid na impormasyon ay tsaka sila gagawa ng mga susunod na hakbang. Matapos ang meeting nila ay agad silang naglabasan sa meeting room ng matigilan si Lu ng makita niyang nakaupo sa upuan niya ang isang lalaking napalingon sa kaniya at malawak na ngumiti sa kaniya at tumayo sa pagkaka-upo nito habang nakatingin dito ang team ni Lu.   “Sino ka?”seryosong tanong ni Lu na ngiting ikinasaludo nito sa kaniya.   “SPO4 Nathaniel Huang from District IV, sir!  It’s an honor for me na maging katrabaho ang isang magaling na Lt. Gen. ng kapulisan. At your service sir!”pagpapakilala nito na ikinatitig ni Lu dito dahil wala naman siyang natatanggap na report na may dadating sa departamento nila at magiging kasama sa team niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD