Chapter 64 Series 09: Lunova Santos Ang mawalan ng mahal sa buhay lalo na kung isa sa iyong magulang ang pinakamasakit na mapagdadaanan ng isang anak, hindi matawarang lungkot, hinagpis at sakit ang nararamdaman ni Lu sa mga oras na ‘yun habang nakikita niya ang kaniyang ina na iyak ng iyak sa walang buhay na katawan ng kaniyang ama. Nang sumunod sila nina Lorraine sa ospital, naabutan nila ang deklarasyon ng doktor na dead on arrival ang kanilang ama. Kitang-kita niya kung paanong hindi matanggap ng kaniyang ina ang pagkawala ng kanilang hari, nang kanilang padre de pamilya. Saksi si Lu sa pagmamahalan ng kaniyang mga magulang kaya masakit sa kaniya na makita ang paghihinapis ng kaniyang ina habang yakap-yakap ang kaniyang ama. Maririnig sa bawat sulok ng emergency room ang palahaw na

