Chapter 55 Series 09: Lunova Santos “Anyone who wants to fight inside the arena? I won’t pick, I will let all of you to decide who’s who will going to fight in the arena. Anyone? Don’t be shy my underground warriors.” Kaniya-kaniyang bulungan ang namutawi sa buong arena sa ipinahayag ni Valdemor sa kanila, iyon ang unang beses na nagdeklara ito ng isang laban ng hindi pumipili kung sino ang paglalabanin niya. Sa likod ng maskara ni Valdemor ay malawak siyang nakangisi habang iginagala niya ang kaniyang mga mata upang tingnan kung merong may lakas ng loob na magpresinta sa laban na gusto niya. Habang nakatayo ito sa may mic ay kahit ang mga founders niya ang may bahagyang gulat sa biglaang laban na gusto nito. “Ano kayang nasa isipan ngayon ng head founder para biglaan siyang mag-announ

