"Arturo, sama ako..." Bumuntong hininga ito at umupo sa harap ko. Nasa sahig siya at ako ay nakaupo sa dulo ng kama. He's going back to Manila now to attend some errands regarding the company. Kanina ko pa ito pinipilit na gusto kong sumama. May mga naiwan din akong trabaho. Nasa first trimester pa naman ako kaya ayos pa magtrabaho. "Beatris, you're pregnant. Mas mabuting nandito ka dahil maraming magbabantay sa'yo." Yumuko ako dito at sinimangutan ito. Bakit pakiramdam ko may tinatago siya? Baka nambababae siya doon? Tears are now starting to cloud my eyes. He sighed in defeat at yumakap ito sa beywang ko. Ang kaniyang ulo ay namamahinga sa tiyan ko. "I'm just scared, Beatris. Natatakot akong baka malason na naman ni Catherine ang isip mo. B-baka iwan mo na naman ako. I know how

