I've missed her.

1437 Words
05 Marks' POV Narito ako ngayon sa underground office ng aking ama kasama nang iba pa naming kakilala. Kakarating ko lang galing sa pagsasanay at malayong lugar kung saan ako nadestino. Matagal rin akong nagsanay dahil sa kagustuhan ni Papa na ako ang pumalit sa kanyang puwesto bilang lider ng pangkat. Si Claire ang natatangi kong matalik na kaibigan at kababata ko na rin. Simula pagkabata ay parati na kaming magkasama at sabay na pinalaki ng aming mga magulang sa mga pagsasanay. Lingid sa kaalaman ni Claire ay gusto ko na siya noon pa man ngunit hindi ko ito masabi sa kanya sapagkat natatakot ako na baka magbago ang pagtingin niya sa akin. Sa tamang panahon ay sasabihin ko rin ito sa kanya, hindi pa muna sa ngayon dahil alam kong nasasaktan pa siya sa nangyari sa kanyang Mama. Ngayong nandito na ako, hindi ko hahayaang masaktan pa siya ulit. Kung kailangan niya nang sandigan, nandito lang ako palagi. Sisigurdahin kong hindi na ako mawawala sa kanyang tabi dahil nung araw ng pag-alis ko ay hindi na ako kinausap ni Claire at umiyak lang siya habang pinagmamasdan ako. Alam kong nagtatampo siya at nagagalit nung araw na iyon ngunit wala akong magawa dahil yun ang kagustuhan ni Papa. Bawat araw, palagi ko siyang naiisip kung okay lang ba siya at kung masaya ba siya dahil simula nung pagkamatay ng Mama niya ay bakas sa mukha niya ang kalungkutan. At hindi ko man lang siya nasamahan sa mga oras ng kanyang pagluluksa dahil kinabukasan ng pagkamatay ng kanyang Mama ay ang pag-alis ko. Bawat tawag ko sa kanya, hindi niya sinasagot. Sa dami ng mga mensaheng pinadala ko, ni isa ay wala siyang sagot. I tried to ease her pain pero mukhang grabe ang sakit na ginawa ko sa kanya. Limang taon akong nag-aral at nagsanay sa isang training academy para sa mga taong gustong mamuno ng pangkat ng mga sandatahang lakas. Hindi naging madali ang pinagdaanan ko sa bawat pagod at pag-alala ko sa kanya. Siya lang ang babaeng minahal ko nang higit pa sa kaibigan. Sabi ng kanyang Papa ay pupunta raw si Claire dito sa opisina kaya't minabuti kong maghintay para masulyapan siya muli. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pag nakaharap ko na siya dahil alam kong galit pa rin ito. Bahala na ang lahat basta ang importante nandito na ako ngayon. Natapos na ang pagpupulong, ngunit hindi ko pa rin makita si Claire. Marahil ay nakita niya siguro ako at ninais na umalis na lang. Maraming mga dahilan ang tumatakbo sa aking isipan, mga dahilang nagpapabigat sa aking damdamin at ayaw kong pakinggan. Bigla na lamang akong tumayo sa aking kinauupuan at nilapitan si Tito nang paglingon ko sa bandang sulok ay nakita ko si Claire. Namula ako at biglang kinabahan. Nakatingin ako sa kinaroroonan niya na may kinakausap at binabati. Hindi siguro niya ako nakita at nakangiti ito sa mga taong nakasalubong niya. Ganoon pa rin ang mukha niya, ang ganda ng mga ngiti, mapupulang mga labi, mga matang nakakabighani. Pinahmasdan ko lang siya at sa hindi malamang dahilan ay biglang bumuka ang aking mga bibig at tinawag siya. "CLAIRE!!!" Nagulat siya at napatitig sa direksiyon kung saan kami naroon ng kanyang Papa. Habang papunta sa amin si Claire, nakangiti lamang ito at takang-taka ako dahil parang wala man lang itong galit sa akin. Binabasa ko ang kanyang eskpresyon sa mukha ngunit hindi ko maalam-alam kung anong ipinahihiwatig niya. Nabigla ako nang yumakap siya sa akin at nangumusta. Hindi ko inexpect na ganoon ang gagawin niya sa akin dahil simula pag-alis ko ay hindi ko nga siya makausap at ngayon ay biglang okay na kami. Nakakapagtaka. Natahimik ako sa mga pangyayari, kinalimutan na siguro niya ang mga nangyari noo. Nakatitig lamang ako sa kanya ng may pagtataka. Gusto ko sana siyang yakapin ulit ngunit hindi makagalaw ang aking katawan. Nanghihinayang ako at nagsisi sa ginawang pag-iwan ko sa kanya. Pagkatapos ng mga nangyari, pinasamahan ako ni Tito kay Claire. Tahimik pa rin kaming dalawa at napansin niya siguro na nakatitig lamang ako sa kanya kaya bigla ko siyang niyakap nang mahigpit. "Kumusta ka na, Claire. Namiss kita. Masaya akong nagkita tayo muli. Pasensya sa mga ginawa ko noon," mula sa pusong saad ko. "Tapos na iyon, wag na nating pag-usapan pa," sabi ni Claire na walang ekspresyon at hindi bumaling sa pagkayakap ni Mark. "Umuwi na tayo at nang makapagpahinga ka rin sa inyo," saad ni Claire at kumawala sa pagkakayakap. Galit pa rin nga siya dahil sa tono nang pagkakasabi niya at ang akala ko ay okay na ang lahat. Pagpapanggap lang pala ang lahat kanina. Kung alam ko lang sana na ganito, hindi na lang sana ako nagpakita pa dahil ang sakit sa pakiramdam na hindi na gaya nang dati ang lahat. Gusto ko pa sana siyang kausapin ngunit alam kong masama pa rin ang pakiramdam niya. Mukhang wala na siyang pakialam at hindi na siya interesado sa mga sasabihin ko. Ihahatid ko sana siya sa kanila nang bigla niyang sinabi, "Huwag na, sasakay na lang ako sa iba." Tumalikod siya at bigla kong hinawakan ang kamay niya, "Claire, please mag-usap muna tayo," awa kong sabi. "Kahit saglit lang, kausapin mo ako. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito, kaya please lang mag-usap tayo." "Mark, wala na tayong pag-uusapan pa. Simula noong umalis ka ay wala na akong kaibigan. Kaya, kung pwede huwag na nating pag-usapan ang mga bagay na iyon." walang ekspresyong sabi ni Claire. "Sige, kung yan ang gusto mo. Pero, Claire alam mo namang hindi ko desisyon iyon. Kung kaya ko lang hindi sumunod, ginawa ko na pero mahigpit si Papa at baka kung ano pang gawin niya kapag hindi ako pumayag," pagdadahilan ko. "Wala akong kapangyarihan para kontrolin ang mga desisyon niya, pero ngayong nandito na ako, pangako hindi na ako aalis pa." Nagmamakaawa pa rin ako na pakinggan niya ngunit wala pa rin itong epekto sa kanya. "Mas mabuti pang huwag na tayong magkita ulit, Mark. Simula ngayon, hindi mo na ako kilala at hindi na rin kita kilala. Huwag mo na itong sabihin pa sa mga magulang natin." Nadurog ang puso ko sa mga sinabi niya at nagsisimula na ang pagpatak ng aking mga luha. Hindi ko alam ang gagawin sa mga oras na ito. Gusto ko na lang bumalik sa mga panahong hindi pa ako umalis at baguhin ang naging desisyon ko. Gusto kong magpakalasing para mawala ang sakit na nararamdaman ko. Pinanadar ko nang mabilis ang sasakyan dahil gusto ko na lang mawala sa mundong ito. Wala nang saysay pa ang mabuhay kung hindi ko siya masilayan pang muli at maibalik ang dating pinagsamahan namin. Patuloy lang ako sa pagmamaneho nang matulin at wala na sa isip ang kaligtasan nang bigla akong bumangga sa isang sasakyan. Nawalan akong bigla ng malay at rinig pa rin ang ingay ng sasakyan at mga taong sumisigaw. "TULONG! TULONG! TULONG!" "May naaksidente!!!!" Hindi ko na alam kung ano ang sunod na nangyari. Another person's POV: Tumingin ako sa kotseng nakabangga sa sasakyan ko. Balak siguro nitong patayin ako dahil sa lakas ng pagbangga nito. Alam kong hindi aksidente ang nangyari, sinadya ito ng lalaking iyon. Mabuti na lamang at hindi ako gaano nasaktan dahil sa mga protective devices ng aking sasakyan. Automatic itong pumreno nang maidentify na may paparating na sasakyan sa direksiyon ko. Agad akong tinabunan at nanatiling stable para hindi masaktan sa pagbangga ng sasakyan. Nangagalaiti ako sa galit dahilsa drayber na iyon. Gusto kong alamin kung anong plano nito at bakit niya ako binangga. Ako si Irene, ang secretary ni Sir Brylle. Hindi ako ELITE na katulad ni Sir. Sa ibang pangkat ako napabilang. Lingid sa kaalaman ng marami, may iba pang pangkat na binuo ang gobyerno at ito'y parte rin sa gagawing paglunsad ng pagbabago. Hindi pa ito opisyal na inaanunsyo at balang araw ay malalaman rin nang buong mundo. Si Sir Brylle ay labis ko nang hinangaan noon pa dahil sa talino nito at galing mamuno ng mga pagsasaliksik sa kompanya. Matangkad, gwapo, mayaman, matalino at dominante. May iniutos siya sa akin patungkol sa mga babae na napabilang sa pangkat niya. Nagtaka ako kung bakit gusto niyang makita ang mga larawan ng mga babae. May nagugustuhan na ba siya? Hindi maaari ito. Dapat ako lang ang pwedeng umangkin sa kanya. Hindi ko pa naisumite ang mga iniutos ni Sir ngunit wala naman siyang sinabi patungkol sa mga update nito. Hinayaan ko na lamang hanggang magtanong ulit si Sir. Gagawin ko ang lahat para magustuhan ako ni Sir Brylle. Aangkinin ko ang matipuno niyang katawan balang araw. Magiging akin siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD