CHAPTER 1
FRANCHESKA’s POV
All my life I’ve been searching for the right moment to find the love that can complete my whole life.
There was a missing piece inside of me, it was a family’s love.
There are so many questions running on my mind
Everyday
Every night
Will I be able to find my true parents?
Will I be able to experience what love a family has?
I was raised by an orphanage, an all-girls orphanage run by the nuns since I was born.
It was nice, they cared for all of us like a real family, but still something is missing.
The people around there were very innocent, humble, and pure. Just as what they taught us to be.
As time passes by, nagising nalang ako bigla na gusto kong hanapin ang aking mga tunay na magulang.
Sinabi ko iyon sa head sister at pumayag naman siya, ngunit hindi ako pwedeng umalis ng basta-basta lang. Gagawin ko lang daw iyon kapag ako’y nasa kolehiyo na.
Kaya heto ako ngayon, pumupunta ako sa iba’t-ibang lugar para hanapin ang aking mga magulang.
Isang taon na din ang nakalipas mula noong napagpasyahan kong kumalap ng mga impormasyon kung sino at kung saan ang aking mga magulang.
Hindi ko alam kung ano ang hitsura nila, ang tanging alam ko lang ay ang kanilang mga pangalan. Ngunit alam kong buhay pa sila. Alam kong may pag-asa pang makita ko sila.
Ako ay si Francheska Lee Ocampo, 19 years old.
Ako ay kasalukuyang isang first year student ng St. Scholastica’s University (an all-girls university).
Nakatanggap ako ng scholarship dito after kong mag take noong ako ay nasa senior high school pa lamang.
Isa iyon sa mga masasayang regalo na natanggap ko bilang isang mag-aaral at tulong na rin para sa orphanage na patuloy na nagpapalaki at sumusuporta sa akin.
“Papuntang Makati po ba ito Manong?” tanong ko sa driver ng bus.
“oo hija”
“Salamat po”
Pumasok na ako ng bus at humanap ng upuan. Sakto! Walang tao sa likod.
Doon kasi talaga ako umuupo, nakasanayan ko na.
Tamang-tama aalis na ang bus.
Habang nasa biyahe, naisipan ko kung mahahanap ko ba ngayon ang aking mga magulang.
Ilang beses na din akong nabigo. Napakarami ko nang hinanap na mga Lee at Ocampo sa social media at sa iba’t-ibang groups, pages or website pero wala e. Muntikan na nga akong sumuko dahil doon, pero naisip ko, hindi dapat ako sumuko hangga’t kaya ko pa.
“O! MAKATI! MAKATI!” sigaw nung assistant ng driver ng bus
Bumaba na ako at nag simulang lumakad.
Teka saan ba ako magsisimula sa laki ng lugar na ito? Tumingin ako sa aking relo, 10:00 AM pa lang ng umaga. Sabado ngayon kaya walang pasok.
Habang naglalakad ako, nakakita ako ng isang Chapel. Pumasok muna ako at nagdasal.
“Lord, gabayan niyo po ako sa araw na ito. Dalangin ko pong mahanap na ang aking mga magulang. Nawa’y bigyan niyo po ako ng lakas at tamang pag-iisip kung ano ang mga dapat ko pong gawin. Patnubayan niyo po ako o Diyos”
Pagkatapos kong magdasal ay lumabas na ako ng simbahan.
Nang biglang may isang cute na batang lumapit sa akin.
“ate ganda, ang cute naman po ng tali niyo” waaahhhh ang cute ng baby girl!!!
Lumuhod ako para pantayan siya
“hey there cutie pie, gusto mo ba ito?” sabay turo ko sa tali ko
Tumango naman siya kaya isinuot ko ito sa buhok niya
“how old are you cutie pie?” tanong ko sa kanya
“I’m five years old ate ganda” hahahaha ang cute niya talaga!!!
“bakit ikaw lang mag-isa? Nasaan ang mommy at daddy mo cutie pie?”
Bigla niyang itinuro ang dalawang taong nakangiti papalapit sa amin
“naku! Ikaw talagang bata ka, kung saan-saan ka nagsususuot” sabi nung Daddy niya
“pasensya ka na hija ah? Medyo malikot lang talaga ang batang ito” sabi naman ng Mommy niya
“wala po iyon Ma’am at Sir hehehe ang cute nga po ng anak niyo e”
Tumawa naman sila.
“ah sige po, mauna na po ako sa inyo ma’am, sir” tumango naman sila at ako’y patuloy na naglalakad.
Maya-maya, naisipan kong magtanong sa mga nakakasalubong ko.
“hi po, pwede bang magtanong kung kilala niyo po sina Rose at Albert Ocampo?”
“hindi hija e, hindi kasi kami taga rito”
“sige po, pasensya na po sa abala”
“hi po, pwede bang magtanong kung kilala niyo po sina Rose at Albert Ocampo?”
“wala miss e”
“sige po”
pumunta ako sa isang malapit na tindahan, parang mini grocery store
“hello po miss, may kilala po ba kayong Rose at Albert Ocampo?”
“may picture ka ba nila miss?”
“ah eh wala po e”
“pasensya kana miss, bukod sa hindi namin alam kung sino sila, wala rin kaming ideya kung anong hitsura nila”
“sige salamat miss ah?” lumabas na ako ng mini grocery store
“uhm excuse me, pwede bang magtanong kung kilala niyo po sina Rose at Albert Ocampo?”
“mukha ba kaming hanapan ng nawawalang nilalang?” ang epal naman
“naku pasensya na po, sorry po talaga”
“umalis ka nga dito! Distorbo ka e!” sungit naman ng mga taong to! Nagtatanong lang e!
Hayyyy
Ang hirap naman
Saan na ba kayo mommy at daddy?
Lumipas ang tatlong oras na pagtatanong ko
Napag-isipan kong kumain muna dahil ako ay nagugutom na
May nakita akong mga upuan sa labas at may lamesa kaya pumunta ako doon at inilabas ang aking baon.
Bubuksan ko na sana ang aking baon nang biglang ------
“WAAAAAHHHHHHH!!!!!!!!!”
Lumingon ako at tiningnan kung sino ang umiiyak.
Isang bata, parang nawawala siya
Nilapitan ko siya
Teka
Ito yung cutie pie na baby girl kanina e
“cutie pie, anong nangyari sayo?”
“ate? Ate ganda! Waaahhhh! Hi-hindi ko ma-mahanap sina Mommy at Daddy a-ate ganda”
Naku! Napakalikot talaga ng batang ito
“saan mo ba sila huling nakasama cutie pie?”
“waaaahhhhhh!!!!!!”
“naku cutie pie, wag kana umiyak, tutulungan kitang hanapin ang mommy at daddy mo ah?” tumango lang siya at tumigil na sa pag-iyak
“cutie pie, saan mo ba sila huling nakasama?”
“sa isang mini mall po ate ganda”
Andaming mini mall dito!!! Saan ko ba sila hahanapin?!
Naku cutie pie, parehas lang tayong hinahanap ang ating mga magulang
“ganito cutie pie, alam mo ba ang cellphone number nila?” umiling lang siya
Paano ba ito? Lord, patulong naman po huhuhuhu.
Naisipan kong bumalik sa isang tindahan na sinasabi ni cutie pie.
“ito ba yun cutie pie?” umiling siya
“eh ito?” turo ko sa mga mini mall na sinasabi niya
“hindi ate ganda”
Naku naman Lord, saan kaya kami mapapadpad nito?
Tumingin ako sa aking relo, alas tres na pala ng hapon
Nalipasan na naman ako ng gutom
Hays
“ito cutie pie?” tumango siya
YES!
“oh siya, halika pasok muna tayo” pumasok kami sa loob at pumunta sa counter
“uhm excuse me miss, naalala mo ba itong batang to? Kasama niya kasi ang Mommy at Daddy niya kanina kaso nawawala daw e”
“ah sina Ma’am Dorothy at Sir Eric ata yun miss”
“narinig mo yun cutie pie? Yun ba ang pangalan ng mommy at daddy mo?”
“opo ate ganda”
“alam mo ba kung saan sila pumunta after dito?”
“naku wala miss e"
“ah ganun ba, sige salamat miss ah”
Aalis na sana kami ni cutie pie ng biglang may pumasok na lalakeng naka mask at naka cap
“HOLDAP TO! WALANG KIKILOS!”
O_O
O_O
HOLDAP?!
NAKNANG! BAKIT NAMAN GANITO?!
“AAAAHHHHH!!!!!”
Nagsigawan ang mga saleslady sa mini mall
Kinakabahan ako!
Hinawakan ko ng mahigpit si cutie pie para hindi siya mawala
Ano ba naman itong pinasok ko dito?! Lord, help!!!!
“DAPA! DAPA! DUMAPA KAYO KUNG AYAW NIYONG BARILIN KO KAYO!”
Pumunta kami sa may likod at dumapa kami
“ate ganda, natatakot ako” nanginginig ang boses ni cutie pie
“wag kang kabahan ah? Nandito lang ako”
Niyakap ko si cutie pie at ibinaon ko ang mukha niya sa may dibdib ko para hindi niya makita ang mga holdaper
May tatlong holdaper
Ang isa nakabantay sa amin
Ang isa naman ang humahalungkat ng pera sa counter
At ang isa naman ay nasa entrance
Natatakot ako
Gusto ko pa po makita ang mga magulang ko
Maya-maya may tumunog na siren ng pulis
“SINONG TUMAWAG NG MGA PULIS?!”
“TOL! BILISAN NIYO!”
“TAKTE PARE! NASA LABAS NA ANG MGA PULIS!”
Biglang tumingin sa amin yung isang holdaper at kinuha si cutie pie
“AAAHHHH!!!”
WHAT THE!!!
“wag po! Please po! Maawa po kayo sa bata!” hindi ko na napigilang umiyak
“TUMAHIMIK KA KUNG AYAW MONG MAMATAY ANG BATANG ITO!”
Ano ba?!!!! Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay cutie pie
“KAMI ANG MGA PULIS! SUMUKO NA KAYO!”
“ate ganda!!!” umiiyak na siya pati na din ako
“cutie pie, wag kang mag-alala, andiyan na ang mga pulis”
Biglang lumapit sa akin ang isang holdaper at sinuntok ako
*BOOGSH!*
“aray!”
*BOOGSSH!* sinipa niya ang paa ko at tinadyakan niya ang tiyan ko
“ple-please tama na po”
“ate ganda!!!”
“TUMAHIMIK KANG BATA KA!” susuntukin na niya sana si cutie pie pero
“WAG!” pinilit ko talagang tumayo at inako ko ang suntok
“a-aray”
“ate!!!!!”
Dumudugo na yung labi ko
Hindi na ito maganda
*BANG!*
Biglang may nagpaputok
Binitawan ng holdaper si cutie pie kaya agad itong pumunta sa akin
“cutie pie”
“ate ganda” patuloy pa din ito sa pag-iyak
“sssshhhh, tahan na okay?” tumango lang siya
Pwersahang pumasok ang mga pulis at sa awa ng diyos nahuli nila ang tatlong holdaper
Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at ipinahid sa bibig ko
Maya-maya
“ANAK!” may isang lalaking lumapit sa amin
“DADDY!”
“ANAK KO!” lumapit din ang isang babae
“MOMMY!”
Haysss
Salamat naman at nandito na ang mga magulang ni cutie pie
Tiningnan at nilapitan ako ng Daddy at Mommy ni cutie pie
“hija! Okay ka lang ba?”
“okay lang po ako Ma’am”
“Mabuti naman at wala kayo masyadong sugat” sabi ng Daddy ni cutie pie
“tara na at sumama ka sa amin, para magamot din kita” sabi ng Mommy ni cutie pie
“naku! Wag na po Ma’am, okay lang po ako”
“no, I insist”
“may gagawin at pupuntahan pa po kasi ako”
“ate ganda!!! Sama ka na sa amin please?”
Hay nako
Sige na nga
“hmm, sige po”
Lumabas na kami ng mini mall at pumasok sa sasakyan nila
Habang nasa biyahe kami
“hija, ano pala pangalan mo?” tanong ng Mommy ni cutie pie
“Francheska Ocampo po Ma’am, Cheska nalang po”
“hija, Tita nalang ang itawag mo sa akin, I’m Dorothy Garcia at isa akong doctor. Siya naman si Tito Eric Garcia, at itong baby girl namin ay si Ellaine Garcia”
“o-okay po Tita hehehe”
“wag kang mahiya sa amin ah? Utang namin ang buhay ng anak namin sa iyo, kundi dahil sayo Cheska baka napano na yung anak namin” sabi ni Tito Eric
“walang anuman man po yun Tito”
“ate ganda, thank you so much ah?”
“you’re welcome cutie pie” I patted her head
Maya-maya dumating na kami sa bahay nila and to my surprise
O_O
ANLAKI NG BAHAY NILA!
MANSION NA NGA ATA ITO E!
Bumaba na kami ng sasakyan at pumasok sa door
“Manang Bebang, paki handa naman po ng hapunan kasi may bisita tayo” tugon ni Tita Dorothy sa isang kasambahay nila
“okay po ma’am”
Pagkapasok namin sa bahay
WOW
AS IN
WOW
ANG GANDA!!!!!!!!!!
“hija, umupo ka muna dito sa sofa ah? Kukunin ko muna ang first aid kit sa itaas”
“sige po Tita”
Minamasdan ko lang ang buong bahay
Ang ganda talaga
Mamahaling chandelier at mga figurine!!! Grabe!!!
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at kumuha ako ng litrato sa mga chandelier at figurine
*CLICK*
*CLICK*
*CLICK*
At ako ay nabigla ng may magsalita sa likuran ko
Paglingon ko
O_______O
O_______O
O_______O
“WHO THE HELL ARE YOU?!”
------------------------------------------
VOTE
COMMENT
SHARE
BECOME A FAN! :)
THANK YOU FOR READING!
SEE YOU ON THE NEXT CHAPTER! :)
- LittleAteMimi / MimiNavarez