Five

1497 Words
Sana and I are inside the cafeteria. Isang linggo na ang lumipas at ngayon niya pa lang nasasabi sa'kin ang gusto niyang sabihin last week. It's about her crush. "Ba't 'di ka na lang umamin?" Tanong ko sa kaniya. "Next time, next time." Nai-imagine ko iyong isang emoticon pagkatapos niyang sabihin 'yon. "Ba't hindi na lang ngayon?" Natawa siya. "Nagmo-move on pa, eh. Saka na." My eyes formed into slits. "What? Nagkagusto ka sa may jowa na? That's foul." Pinitik niya ako sa noo. "Baliw. Hindi, walang jowa. Atsaka, ba't naman magiging foul kung magkagusto man ako sa may jowa na? It's not like I'm gonna steal her from her lover." I shrugged. "Malay ko ba kung may ganoong idea na tumatakbo riyan sa utak mo." Napailing siya sa sinabi ko. Pinagsalikop niya ang mga kamay at nakangiting sinabing, "No, I don't steal. I'm gonna make her like me-- no, love me." Napangiwi ako na ikinatawa niya. "Okay sana kung hindi ikaw nagsabi no'n. Wala ka talagang balak itsismis sa'kin kung sino nagugustuhan mo?" Her smile grow wider. "Na-uh. Saka na nga kasi. Ikaw unang makakaalam." "Sure? Kapag binubudol mo lang ako, makikita mo." Inambahan ko siya ng pitik sa noo. "Oh. Ba't ko naman gagawin 'yon? May iba akong gustong makuha sa'yo." Nangunot ang noo ko. "Ano naman kaya 'yon?" Nagkibit balikat siya. "Soon." Habang nasa bahay ay iniisip ko pa rin kung sino mga puwede niyang magustuhan. Napabuntong-hininga ako nang maalalang wala man lang ibinigay na clue ang babaeng 'yon. Teka nga. Ba't ko ba pinoproblema ang love life ni Sana? Ay, ewan ko rin. Napatitig ako sa kisame. Hmmm, napaisip ako. Sana and I have been friends for nine years pero we've never been close like we are right now. We were in the same class since Grade 7 to Grade 10, but we rarely talk to each other. I barely remember the times that we got to talk and laugh with each other when we were in high school. But, it still amaze me how I became friends with her and our other classmates. I knew little to nothing about her. Iyon ang conclusion na narating ko after minutes of thinking about our friendship. Hmmm, maybe I shall start knowing her more. With that thought in mind, I drifted to sleep. *** Tuluyan na akong sumimangot nang mag-announce si ma'am na gagawa kami ng virtual demonstration teaching para sa Finals' examination namin. Hiwalay siya sa Field Studies 1 & 2 namin. Hindi ko na napigilan ang umungot nang nagsisangayunan ang mga kaklase ko. Feeling ko nga baon na baon na ang mga matatalim kong titig sa mga likuran nila. Narinig ko ang pagtawa ni Mochi sa tabi ko. Sa kaniya ko ibinaling ang tingin ko. "May nakakatawa?" Masungit kong tanong sa kaniya. Tumango siya habang tinatakpan ang bibig ng kaniyang kamay. "Oo, 'yang expression ng mukha mo. You're so transparent." At binuntutan niya pa iyon ng mahina at pigil na pigil na tawa. I was about to pinch her side when my phone beeped. I fished it out from my skirt's pocket (yes, pinalagyan ko ng bulsa ang skirts ko). It's a message from Sana. It reads: Sana Clemente: How's your broken heart? Haha. Peace. My expression automatically formed a frown. Mas lalong natawa si Mochi sa tabi ko pero wala namang sinabi. Nagtipa ako ng reply. Ako: My heart is perfectly fine. How 'bout yours? Ready to confess you love? Sarcastic kong sinend ang mensahe. Sana Clemente: Haha. Thanks sa concern pero my heart is perfectly fine also. Naba-badtrip kong isinilid pabalik ang phone sa bulsa ng palda ko. Kailan ba matatapos ang araw na 'to? *** "Daig mo pa ang nautangan." Bungad sa'kin ni Sana pagkaupo niya sa harapan ko. Inirapan ko siya. "Buwiset ka kasi alam mo 'yon?" Tinawanan niya lang ako. "Oo ba? Hindi ko kasi pansin, eh. Thanks for shoving it into my face." Binato ko sa mukha niya iyong balat ng nilagang saging. "Problema mo?!" Medyo asar pero nakangiti pa rin niyang tanong sa'kin. Iginilid niya ang balat ng saging, malapit sa workbooks ko. Sinamaan ko siya ng tingin. "Mukha mo." "Mukha ko? Cute." Bilib din ako sa confidence level ng taong 'to. "Huh? Sa'n banda?" Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya. I roamed my eyes on her face. Natigil ang tingin ko sa mga mata niya. I stared at her eyes for seconds. "Masiyado kang malapit," Idinuro niya ako palayo sa kaniya. "masakit sa ilong pabango mo. Ano ba 'yan?" Inamoy ko ang sarili. "I didn't use perfume today." "Ah, gano'n? Iba yata naamoy ko." Tinitigan ko siya. "May sakit ka ba?" "Huh? Bakit?" Kinapa niya ang noo't leeg. "Wala naman." "Your ears and cheeks are burning red. Punta ka kayang clinic?" Humagalpak siya bigla ng tawa. Kinunotan ko siya ng noo. "Luh? Ano namang nakakatawa sa sinabi ko?" Umiling-iling siya. "I really am doomed." Baliw rin. Tumingin siya sa'kin nang nakangiti. "Gusto mong kumain muna?" *** Sumakay kami ng tricy para makarating sa paradahan ng bus. Dito kasi marami nagtitinda ng street foods. Nai-excite akong kumuha ng fishball, isaw, at kwek-kwek. Inisang lalagyan ko na lang tutal malaki naman 'tong plastic cup ni manong. "Nagda-diet ka siguro no'ng past life mo, ano?" Napatingin ako sa kaniya. Limang isaw, dal'wang betamax lang ang binili niya. "Akala ko ba nagugutom ka? 'Yan lang kakainin mo?" "Wala naman kasi akong mga alaga na pakakain nang ganiyan karami." Nguso niya sa mga binili ko. "Kuripot. Manong, isang order pa nga ho ng a-20 na scramble." Iyong tingin ni manong at mga kasabay kong bumili, mga ewan. Eh sa gan'to ako kapag bumibili at kumakain ng street foods. Bakit ba? Natawa si Sana sa gilid ko. "Akin na muna 'yang nasa baso, hintayin mo na 'yong scramble mo." Pumunta kami sa dulong bahagi ng pier. Maganda tumambay rito kasi may malalaking bato na pupuwedeng maupuan. Hindi rin abot ng kada hampas ng mga may kalakihang alon. Kaya naman maraming ginagawang dating spot ang part na ito. Naupo ako sa unang batong nakita ko. "Hoy, ingat. Naka-skirt ka." Napapikit ako nang sumalubong sa mukha ko ang pinaghalong init at alat ng hangin. Naramdaman ko siya sa gilid ko. "Oh." She handed me my food. "Hindi ka ba nagsasawa sa dagat?" Umiling ako habang nakangiti. "Dagat, bundok, I love them. I love things that are of colors blue and green." "Pa'no kung brown na kulay ng bundok? Dahil sa kaingin?" Napairap ako, nakangiti pa rin. "It is still a part of a mountain. Kahit maging itim pa, I'll still love them. " Tumingala ako sa kaniya. "Ikaw?" "Hmmm? I also love them." "Gaya-gaya." Natawa siya. "Pero, may tanong ako." "Ano 'yon?" "Do you still like Kard?" Napatigil ako sa pagsubo ng kwek-kwek. Umiling ako. "Surprisingly, hindi na." Natatawa kong sagot. "Seryoso ka? Akala ko ba tatlong taon mo siyang crush? Ano 'yon? Joke-joke lang?" "Hoy ba't naman ang seryoso mo?" "Naka-move on ka na talaga sa kaniya?" "Luh? Para namang naging kami. Pero, wala na akong makapang excitement kapag nakikita ko siya. Hindi na rin ako kinakabahan kapag nakikita ko siya. Hindi na rin bumibilis bigla ang t***k ng puso ko kapag kinakausap niya ako." Nakangiti akong tumingala ulit sa kaniya. "So, yeah. I already moved on." Tinitigan niya ako. Nangangalay na ang leeg ko kaya't hinila ko ang laylayan ng uniform niya, pinaupo ko siya sa tabi ko. "Ba't parang ambilis?" "Siguro hindi nakarating sa love stage iyong nararamdaman ko para sa kaniya." "Pero psychology says that if a crush lasted for more than three months, it's called love." Natawa ako. "Nagpapaniwala ka ro'n?" Umirap siya. "Psychology says nga!" "Oo, 'wag ka sumigaw." "Eh, iyong mga crushes mo dati?" "Dati? Kelan 'yon?" Pinaningkitan niya ako ng mga mata. "Gusto mo isa-isahin ko?" "Huwag na. Hmmm, to be honest, umasa ako. I thought that what we had, sa lahat ng mga nagustuhan ko dati, was real. Alam mo 'yong feeling na paniwalang-paniwala kang hindi ka lolokohin? Na ikaw lang, sapat na? Ang korni no'n pero, wala, eh. They made me feel that I was worth it. That they want me more than just a friend. Pero... akala ko lang pala 'yon." "Umiiyak ka ba?" Pinalo ko siya. "Hindi. Naalala ko lang mga kagagahan ko. Ba't kaya gano'n, ano? When you're in love, you become a fool." "Gano'n naman talaga ang nagmamahal hindi ba? Kahit na iyong ipinangako mo sa sarili mong hindi mo gagawin, magagawa mo. Kasi, when you're in love, you give it all." "Don't you think that it's stupid?" Umiling siya at ngumiti. "No, I think it's lovely and very poetic?" Natawa ako. "Hindi bagay sa'yo mga pinagsasabi mo!" "Pasensiya na kung ito lang ako." Mas lalo akong natawa. "Eh kung mai-inlove ka, ano kaya mong ibigay?" Tanong ko sa kaniya. Tumingin siya sa'kin. "Anything." I feel for a moment that everything around her feels magical. And it's quite fascinating how my heart skipped when she smiled at me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD