Third Person Dalawang linggo ang nakakalipas, mula ng makalabas ng ospital si Matthew, ay naging abala ang binata. Mababakas sa mukha n'ya ang kasiyahan, na parang wala s'yang pinagdaanang, aksidente at kalungkutan. Hindi pa n'ya nakikita si Thalia, pero sa pagkakataon na ito, sisiguraduhin n'yang magiging masaya din s'ya at ang nag-iisang babae na minamahal niya. Abala si Matthew para sa nalalapit, niyang engagement. Engagement na matagal na dapat nangyari, pero dahil sa isang pangyayari, na inaakala nilang totoo, nagbago at nagulo ang lahat. Pero dahil din sa pangyayari na yon, doon n'ya napatunayan, na makapangyarihan talaga ang pag-ibig. Mapaglaro man ang tadhana, sabi nga kung kayo ang nakatadhana, darating ang panahon, na kayo talaga ang pagtatagpuin ng tadhana ano man ang man

