Chapter 63

1802 Words

“ANO ba ang okasyon at nagpahanda kayo?” nakangiti ngunit nagtatakang tanong ni Nanay Elsa. Kakarating pa lang nilang mag-asawa doon sa mansion, pero kagabi pa lang ay tumawag na si Levi sa mayordoma at sinabi na magluto ng dalawa hanggang tatlong putahe para sa maliit na salo-salo. “Huwag kang mag-alala, ‘Nay. Mamaya malalaman n’yo din,” nakangiting sagot ni Luisa. “Nasaan na pala si Tere?” tanong pa niya. “Naku eh, pauwi pa lang. May binili lang sa grocery,” sagot ng babae. “’Nay, kumusta na renovation dito?” tanong naman ni Levi. Dahil sa kanyang kalagayan, ilang araw hindi lumabas si Luisa. Ilang araw din nakabantay sa kanya ang asawa kaya hindi rin ito nakapasok o nakabisita sa mansion. “Aba eh, ayos na ayos. Magagaling ang mga tauhan mo. Umikot ka sa buong bahay, makikit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD