HINDI maawat si Luisa sa pagluha habang halos hindi kumakalas sa pagkakayakap mula kay Levi. Paalis ito ng mga sandaling iyon papunta sa New York, USA, para ayusin ang mga negosyo doon ng yumaong ama. Aabutin ng isang buwan bago ito makabalik kaya ganoon na lang ang nararamdaman niyang lungkot. “Bakit ba kasi hindi ako puwedeng sumama?” emosyonal na tanong niya. “May pasok ka pa, exam week mo at kailangan mo mag-review, importante ‘yon. Saka babalik naman ako at tatawagan kita.” “Bumalik ka agad ah?” Ngumiti ito sa kanya. Ngunit sa likod ng ngiting iyon ay ang lungkot na pilit na sinisikil ni Levi. “Pangako. Babalikan kita. Hintayin mo ako, okay?” “Okay.” Bago tuluyan sumakay sa kotse ay mariin siyang hinalikan si Levi sa labi at niyakap ng mahigpit. “I love you.” “I love

