“UNTI-unti ko nang nakikita ‘yong dating mansion na kinalakihan ko,” sabi ni Levi habang umiikot ang tingin sa buong mansion. Makalipas ang ilang araw na trabaho sa opisina. Sinadya niyang lumiban sa araw na iyon para naman masubaybayan ang ginagawang renovation sa mansion. “Naiimagine ko na ang magiging itsura nitong bahay kapag natapos, para siguro akong babalik sa nakaraan. Noong araw na dumating ako dito,” sabi pa ni Luisa. “Maraming binago si Marga noong umalis ako dito, kabaligtaran sa taste ni Mommy,” pabuntong-hininga na sabi pa ni Levi. “Ano ba ang gusto ng mommy mo sa bahay?” “Mom is always on the traditional and elegant side. She wants a bit of classic,” paliwanag niya. “Kaya pala parang old style pa rin ang mga pinagawa mong furnitures.” “Yes. I want her and my da

