CHAPTER 2

1167 Words
I was shocked about what he said, but, nevermind. Ano namang gagawin namin bukas? Ano na namang trip niya. Hindi niya pa nga ako kilala mabuti pero mag-memeet na naman kami? Hindi ba siya na-aawkwardan sa akin. O kaya naman, hindi ba siya nag-aalala na baka mamaya i-kidnap ko siya? Itanan ko na lang siya. Chos. Naka-uwi na ako sa bahay kaya naisipan ko na lang na mag-review dahil may exam kami next week. Need ko mag-prepare para sa exam na 'yon kasi ang hihirap ng questions na ibinibigay. Bubuksan ko na sana 'yung libro ko kaso biglang may nag-text. From: Unknown Number Hi. This is Niko. Please don't spread my number. Thanks for today, Zai. See you tomorrow! :) Ohh. Ano na namang gagawin namin bukas? To: Niko you're very welcome. pero ano naman gagawin natin bukas? is it important? From: Niko Not really. I just want to see you. I mean, it's okay if you're not available tomorrow. If you're busy, it's fine. We can re-sched it naman. So he thinks busy ako? Pero true, busy nga ako. Hindi ako agad pumapayag makipag-meet sa sobrang hindi ko pa kilala, pero kung si Niko? Shurr why nurrttt, we can talk about naman it 'di ba? To: Niko hey, no no no. i'm free tomorrow. and, we can meet! :) From: Niko Glad to hear. See you tomorrow. Same place. Same time. Thanks for today ulit. Tinamad na ako mag-review dahil kay Niko, shuta. Kaya sabi ko sa sarili ko na matutulog na lang ulit ako. Next week pa ang exam kaya next week na rin ako mag-rereview. Ang yaman niya naman, 'no? Starbucks na naman? Hindi ba siya nag-sasawa roon? Ang mamahal pa nang mga tinda, pero hindi siya nag-reklamo no'ng nilibre niya ako kanina. Yaman na mabait pa. Kung i-pabili ko kaya sa kaniya 'yung buong Starbucks, 'no? Chos. Kakagising ko lang ngayon, maaga pa naman kaya inaya ko sila Nadia na gumala. Doon lang din sa SM. Wala na kasing ibang mapupuntahan dito. No choice kami. As expected, ako na naman ang manunundo sa kanila. Ayos lang din, ako ang nag-aya, eh. Pero mag-papalibre ako sa kabila mamaya. Hindi naman sila nag-bibigay pang-gas! "Dinner na rin ba tayo sa SM mamaya?" Tanong ni Yarah sa akin. "Siyempre. Ang boring din sa bahay. Tinatamad ako mag-review. Si Niko kasi, eh," nanlaki bigla ang mata ko dahil sa sinabi ko. Nadulas na ako. Sabi ko sa sarili ko hindi ko sasabihin sa kanila, eh. "Ano? Bruha ka! Sinong Niko?" Gulat na tanong ni Nadia. "Zairie Uzumi, ano? May lalaki ka na?" Pa-galit na sabi sa akin ni Yarah. "Si Nikolai, teh. 'Yung writer, teh. OA niyo masiyado. Parang nanay ko kayo." Natatawa kong sabi sa kanila dahil OA naman talaga. "Bwakanangshit kang malanding pokpok ka," sinabunutan ako ni Yarah dahil sa narinig niya sa akin at imbis na masaktan ako, lalo pa akong natawa. "Kanina kayo nag-kita? Pokpok ka." Sabi sa akin ni Nadia sabay hampas sa akin. "Hello? Hindi naman kami nag-dedate. May pinag-usapan lang. Tara na nga." Hinatak ko silang dalawa papunta sa loob ng mall para naman hindi na sila ma-curious. "Mamaya ka sa akin, Zairie." Seryosong sabi ni Nadia sa akin. Kinabahan ako bigla, dahil sigurado ako mag-tatanong na naman siya nang kung ano-ano. Ayaw pa kasi nila ako papasukin sa relasyon dahil sa mga past relationships ko. Gusto nilang mag-heal muna ako para sa sarili ko. Sila na raw muna ang boyfriend ko ngayon. Sobrang protective, eh. I'm lucky to have them both. I could never ask for more. Nandito kami sa department store, nag-titingin sila ng mga damit, habang ako ito, hinihintay sila matapos. Hindi kasi ako mahilig sa mga damit. Sayang lang, hindi ko rin naman nagagamit lahat. "After niyo mamili, sa Starbucks na lang?" Tanong ko sa kanila. Sa Starbucks na lang ulit, kahit galing na ako roon kanina. Baka mag-tanong pa kasi ang mga 'yan sa nangyari, hindi na lang ako aangal. Atsaka wala naman kaming ginawang masama kanina, eh. Kaya okay lang sa akin. Hindi naman ako nag-rebelde. Hindi ko rin naman hinarot si Niko, 'di ba? Hindi ko sure. Nandito na kami sa Starbucks ngayon. Naka-order na rin kami ng drinks. Hindi 'to dinner pero sige, ayos na 'to. "Zai," rinig kong tawag sa akin ni Nadia. "Anong sabi mo kanina? Niko? Nikolai Andre? 'Yung writer na pinuntahan natin sa book signing niya? 'Yung crush mo?" Sunod-sunod niyang tanong sa akin kaya natawa ako. "Yes? And so? We just met. Nothing else. Nag-usap lang kami about his life. Kwentuhan, gano'n," pag-eexplain ko sa kanila pero parang hindi pa rin sila naniniwala sa sinabi ko, eh 'yon naman ang totoo! "Girls, come on. Tignan niyo pa text namin sa isa't isa pati chat namin sa messenger." Seryosong sabi sa kanila. Kasi mag-tatampo 'tong dalawang 'to kapag nag-sinungaling ako, pero nag-sasabi nga ako ng totoo. Inabot ko sa kanila ang cellphone ko at gulat ako ng biglang napahilamos sa mukha si Yarah. "Malandi ka! Kakakita niyo lang pala kanina tapos bukas ulit. Alam ba 'yan ni Tita, ha?" Seryosong sabi sa akin ni Yarah. Ang OA talaga! "Tanga, Yarah. Shh ka na. Gwapo naman, oh. Hayaan mo na si Zai na maging tanga." Natatawang sabi ni Nadia. Tama. Kung magiging tanga ka, dapat sa gwapo na. "Oh, 'di ba? OA mo kasi, Yarah. Hindi naman kami nag-dedate. We don't even know each other." "Okay, puwede ba kaming sumama bukas sa meet up niyo ulit?" Natatawang sabi sa akin ni Yarah. Tinitigan ko siya nang seryoso kaya natanggal ang ngiti sa mga mukha niya. "Ito naman? Hindi ka mabiro? Enjoy the day tomorrow with Nikolai na nga, eh." Tumawa ulit siya. Pag-katapos no'n ay nag-kwentuhan na lang kami about sa acads. Tapos umuwi na rin kami. Sobrang pagod kaya naka-tulog ako agad. Anong oras na rin kasi kami naka-uwi. Umaga ba ngayon at nagulat ako nang makita ko kung anong oras na. Marami ring texts galing kay Niko. Hala, lagot! Nag-madali akong maligo at mag-bihis. Saglit na lang din ako nag-ayos dahil matagal nang nag-hihintay doon si Niko. Nandito na ako sa mall at nakita ko siya sa Starbucks, naka-upo habang naka-mask at cap. "Niko. I'm sorry. Na-sobrahan sa tulog, pagod kasi kagabi, eh. Gumala pa kami." Napa-kamot ako sa ulo habang sinasabi ko 'yon. "It's fine. Atleast you slept good. Kwentuhan lang tayo ngayon, na-miss kita agad, eh." He said while smirking. Hindi ko mapigilan ang kilig, hindi ko rin napansin na naka-ngiti na ako. "Alam mo? Para kang tanga. Hindi mo pa nga ako kilala mabuti, eh." "Edi kikilalanin kita." Maikling sabi niya sa akin. Nakakarupok, sobra. Takot ako sa commitment, pero ngayon hindi na. Dumating 'tong kupal na 'to, eh. Chos, assuming lang talaga ako. "Tigilan mo ako, ha. Ano bang meron sa akin, bakit ako? I mean, bakit ako 'yung gusto mong i-meet. Ang daming babae na nandiyan sa paligid, bakit ako?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya. "Gusto kita." —————
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD