Disclaimer: This is a work of fiction. Any names, characters, business, places, events, and incidents are either the products of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidential.
Please be advised that this story has strong language and mature themes that are not suitable for very young readers or audiences. Thank you!
-
"Zairie!"
Rinig kong tawag nila sa pangalan ko kaya napalingon ako sa kanila. Pamilyar din ang boses nito kaya tama nga ang hula ko.
Ang mga bruha na naman! Sawang sawa na ako sa mga mukha nila. Araw-araw ba naman kaming mag-kakasama?
"Problema niyong dalawa?" Masungit na saad ko sa kanila na ikinatawa nila.
"Sungit mo talaga. Sa sama ng loob ka ba ipinag-lihi," natatawang sabi niya.
Hindi ako masungit, 'no! Baka dahil lang 'yon sa itsura at tono ng boses ko, pero mabait naman ako, depende sa pakikitungo mo.
"Aalukin ka lang namin, may book signing kasi ang favorite author mo!" Sabi ni Yarah habang naka-ngiti.
Matagal ko nang hinihintay ang book signing ng author na ito! Hindi pa siya gaanong sikat ngayon, pero naka-suporta na kami sa kaniya. Agad din akong pumayag, sa susunod na linggo pa naman 'yon, hindi busy ang schedule ko kaya sakto, makakapunta ako!
Crush ko ang author na 'yan, eh. Dahil sa mga nobela na isinulat niya, nahulog ako. Ang gwapo niya rin, at feeling ko mabango siya. Excited na ako. Sana mapansin niya na ako. Kung ano ano nang pag-papapansin ko sa kaniya sa social media accounts niya pero hindi niya napapansin. Siguro busy at natambakan na rin dahil sa mga iba pang messages.
Book signing na ngayon at sobrang sabik ko na makita siya. Tinawagan ko na rin si Yarah at Nadia para mapuntahan ko na sila.
Ako kasi ang driver sa aming tatlo, may mga kotse naman sila, pero ako pa rin ang ginawang driver. Mga tamad. Puro sama ng loob ang ibinibigay sa akin, tapos hindi pa nag-bibigay pang-gas. Mga kuripot.
"Good morning, pretty driver!" Pang-uuto ni Nadia sa akin.
"Pretty driver my a*s. Sumakay ka na, nang-uto pa, eh. Dalian mo, susunduin pa natin si Yarah." Sabi ko sa kaniya.
Agad na rin siyang sumakay sa kotse. Tahimik lang ako mag-drive. Wala ring any musics, ayaw ko nang gano'n. Naiirita ako kapag maingay.
Tumingin ako ng masama kay Nadia dahil alam niya namang ayaw ko nang maingay. Kanta ni Olivia Rodrigo ang pinatugtog niya. Broken ba 'to? Damang dama niya pa, eh.
"Sino nag-sabi sa'yo na mag-patugtog ka?" Masungit kong sabi habang naka-focus sa pag-dadrive.
"Ito naman?! Maki-vibe ka naman kahit ngayon lang, Zai. Basag trip ka palagi, ha. Dali na oh, broken ako kahit wala akong jowa. Wala kang pake ro'n." Natatawa niyang sabi tapos kinanta niya na ang chorus ng traitor.
Hindi ko na talaga alam kung ano ang nangyayari sa mga kaibigan ko. Naka-shabu ba sila? Iba iba ang trip bawat oras, eh.
Sinundo rin namin si Yarah at nandito na kami sa book signing. Kaunti pa lang ang tao, wala pa rin ang favorite author ko!
"Nadia, CR muna ako, ha. 4:50 pa lang naman. 5:00PM pa ang simula." Nag-paalam ako sa kanila, baka kasi hanapin ako.
Ihing ihi na ako, hindi ko na mapigilan ang ihi ko dahil sa kahit anong segundo lang, puputok na ang puntog ko.
Kaya nag-lakad ako nang mabilis. Bumungad sa akin ang dalawang CR. Siguro ang isa ay para sa mga babae, at isa naman para sa mga lalaki.
Hindi ko na alam kung saan ako pumasok dahil sobrang naiihi na nga ako.
Pag-pasok ko sa CR, sakto, may mga bukas na cubicle kaya naman ayos na sa akin, na-kakalma na ako dahil sigurado akong tamang room ang napasukan ko. Kampante ako na nasa CR ako para sa mga babae.
Tapos na ako, palabas na. Nandito ako ngayon sa harap ng salamin. Nag-hilamos ako ng mukha at kamay para ma-sanitize ako.
Gulat ko nang may kumalabit sa akin. Basa ang mukha ko at naka-pikit pa, kaya nagulat ako.
Agad kong binuksan ang aking mga mata, gulat ko nang lalaki ang kumalabit sa akin. Siya 'yong author! Nakakahiya, sobra!
"Hi, miss. I think you're in the wrong room? This restroom is for boys. Restroom for girls is on the other side. Are you lost? Or, are you a trasgender?" Nag-tatakang tanong niya sa akin.
Ha? Ano? Ako? Transgender?
Nag-init ang mukha ko dahil sa hiya at dahil na rin sa kilig. Hindi ko inaasahan na ganito ko siya kalapit makikita.
"Oh my God. Hala! Sir, I'm sorry. Ihing ihi na talaga ako. Hindi ko sinasadya, sorry, sorry." Sabi ko habang nakayuko dahil sa hiya.
Tumawa lang siya. Grabe, kahit sa pag-tawa niya kinilig ako. Iba talaga ang epekto niya sa akin, at ngayon ko lang siya nakita in person!
"No worries. Next time, look at the signs before entering the room," sabi niya sa akin habang naka-ngiti.
"I'm Nikolai, nice to meet you." pag-papakilala niya sa akin atsaka lumabas na siya ng CR.
Gusto kong sumigaw sa sobrang kilig. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon.
Dapat ba akong mahiya dahil una niya akong nakita sa CR ng men? Or dapat ako kiligin dahil nakita ko siya nang malapitan, at nag-usap kami kahit sa maikling panahong lang.
He's tall, maybe about 6 flat. He is wearing a white polo, black pants, and a Gucci shoes. Hmm.
His eyes are brown, he has a thick eyebrows, and a pointed nose. His hair are smooth but thick, it is black and short, and he has a pink lips.
Pabalik na ako sa area kung saan ang book signing at hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Siyempre may halong kaba, dahil makikita ko na naman siya. Pero sige, go Zairie, tanga ka, eh!
Naka-balik ako sa area at hindi pa nag-sisimula ang book signing. Natatanaw ko si Nikolai sa likod, naka-upo, at nagc-cellphone habang nag-hihintay.
Ang tagal kong naka-titig sa kaniya, at hindi ko namalayan na nakatingin na rin pala siya sa akin. Nag-init ang pisngi ko dahil nginitian niya ako at kumindat siya sa akin. Nako, huwag naman ganito, Niko! Lalo akong nagiging marupok dahil sa'yo.
Tapos na ang book signing. Noong ako na ang nakasalang kanina, sobrang kabado ko at siyempre masaya rin. Ang awkward nga lang, pero keri naman.
"Hi, what's your name?" Rinig kong boses sa likod. Malalim ang boses nito, at pamilyar pa.
Pag-harap ko gulat ako kung sino ang nakita ko. Si Nikolai ang nag-tanong.
Ano naman ang gagawin niya sa pangalan ko? I-babarang niya ba ako? Siguro crush niya ako. Biro lang.
"Uy.. Hello? Hi? Excuse me, sir? Ano? Anong gagawin mo sa pangalan ko?" Sunod sunod kong tanong sa kaniya dahil sa kaba ko.
Paalis na sana kasi kami, hinihintay ko na lang si Nadia at Yarah dahil nag-CR lang sila saglit.
Jusko naman, Nadia at Yarah, ang tagal niyo naman, 'yan tuloy, tinanong na kung ano ang pangalan ko. Sige, tagalan niyo pa.
"Nothing? I just want to ask, it's for a survey. I'm sorry, ikaw lang kasi 'yung naka-interact ko kanina. And if ever, I want to use your name on my next novel if okay lang sa'yo," sabi niya sa akin habang naka-ngiti, at mukhang nahihiya pa siya sa akin.
"Well, if it's okay with you. If not, I'm not forcing you to tell me your name, right? I'll just find anothe-"
"Zairie Uzumi Salazar." Pinutol ko ang dapat pa niyang sasabihin at sinabi ko ang pangalan ko.
Gosh! Itatanggi ko pa ba, hindi ba? Mailalagay ang name ko sa story ng favorite author ko.
After ko sabihin nang name ko, umalis na agad ako. Lumingon lang ako pabalik at nakita ko siya naka-titig sa akin habang nag-lalakad, ay may hawak siyang papel. Doon niya siguro isinulat ang name ko.
Ano ba naman 'yan, Nikolai! Natutunaw ako sa mga ngiti mo. Sign ba 'yan? Grabe. Huwag mo akong paasahin. Masakit kaya.
Hindi ko na i-kwinento kila Yarah ang nangyari kanina, dahil sigurado ako na gagawa na naman 'yon ng issue at chismis.
Anong oras na at ngayon lang ako naka-uwi galing sa book signing. Siyempre pagod dahil puro kami lakad, at nag-ikot pa kasi kami kanina.
Tapos na akong mag-hilamos, at nandito na ako sa kama ko ngayon.
Pag-bukas ko ng cellphone ko, nagulat ako dahil nakatanggap ako ng message galing kay Nikolai?!
From: Nikolai Andre Axellero
Hi, thanks for giving your name. Well, you have a lot of messages. It's flooded, huh. I'm sorry I can't reply, but yeah. Natabunan kasi, hahaha. You have a crush on me? Hmm. Okay. Good night, have a nice sleep. Thanks for coming earlier on my book signing. ?
Hala ka! Nabasa niya 'yung mga messages ko noon. Nagpapa-pansin nga kasi ako!
Grabe, hiyang hiya na ako. Hindi na tama 'to. Replyan ko na lang siya.
To: Nikolai Andre Axellero
omg. nikolai, i'm sorry about my messages before. but yes, okay. you are very welcome. you too. bye. good night????
From: Nikolai Andre Axellero
No worries. It's fine. Just call me Niko. See you, again, maybe soon. Bye.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Gusto kong sumigaw sa kilig dahil siya ang nag-message sa akin. Hello? Nag-chat lang naman ang isang Nikolai Andre sa akin!
Ano ba 'to, baka hindi ako maka-tulog. Grabe na talaga. Sa sobrang kilig ko gusto kong manapak.
Ang gwapo ng typings, shuta! Englishero pa.
Sorry, Niko. Me is no English because me is Philippines.
Replyan ko pa ba siya? Huwag na. Bukas na lang. Pero kinikilig talaga ako. Sana sinaksak niyo na lang ako ngayon.
Pipikit na sana ako para matulog pero tumunog ang cellphone ko, may notification, kaya binuksan ko ito.
Si Niko na naman. Jusko, ayaw ako tantanan. Siguro na love at first sight sa akin. Chos!
From: Nikolai Andre Axellero
Hi. Last na, Zai. Can I have your number? For emergency lang if ever na kailanganin kita for calls. Hindi lang kasi name mo sa novel. Some details din about your life, para mas maayos and detailed. And if you're comfortable, we can meet tomorrow. Libre ko. Thanks.
To: Nikolai Andre Axellero
huh?? ano?? siguro crush mo ako. pwede naman dito na lang tayo mag-usap, bakit pa hihingin number ko. sus, niko. crush mo ako, 'no? HAHAHAHAHAHAHA same.
From: Nikolai Andre Axellero
Lol.
Ano raw? Ang haba nang sinabi ko tapos Lol ang reply? Talaga naman 'tong lalaki na 'to. Pero sige okay lang, keri kaman attitude niya, gwapo naman, eh.
To: Nikolai Andre Axellero
hindi ka ba mabiro? lol my a*s. yep, we can meet tomorrow. text me what time and where tayo mag-meet. i'll give you my number na lang kapag nandoon na tayo sa pupuntahan. thank you. good night, sungit.
From: Nikolai Andre Axellero
Yeah. Okay. I'm not masungit. Good night. See you tomorrow. Don't reply, baka humaba pa ang usapan natin.
Ayaw niya ba ako kausap? Sakit naman niya sa puso. Matutulog na nga lang ako, mag-kikita kami bukas. Excited na ako!
Nagising ako ngayon at bumungad sa akin ang message ni Niko. Mag-kita raw kami sa SM at 9 AM. Siyempre excited ako, kaya 6:30 AM pa lang nag-prepare na ako, kasi why not?
Nandito na ako sa SM, dala ko ang kotse ko kaya wala akong problema at maaga rin ako rito, nauna ako sa kaniya dahil walang traffic at ayaw ko rin siya pag-hintayin. Oo na, ako na mag-aadjust.
Nag-ikot ikot muna ako sa loob. Nag-text naman ako sa kaniya na nandito lang ako sa department store, sa mga make ups.
Ilang saglit lang nakita ko na siya, naka-mask para hindi siya mahalata dahil medyo kilala na rin siya.
"Zai?" Tawag niya sa akin para masigurado niyang ako nga iyon.
"Hey, Niko? Hello, ako nga," sabi ko sa kaniya para makunsinte na ako nga iyong ka-meet up niya.
"Saan tayo ngayon? Kain muna ba?" Sunod kong tanong sa kaniya.
"Tara sa Starbucks, libre ko na." Sabi niya sa akin habang inaalis ang face mask niya.
Hanep! Ang gwapo talaga niya, naiiyak ako.
"Mali ka. Starsbuck 'yon!" Pag-bibiro ko.
Mukhang hindi niya nagustuhan 'yung sinabi ko dahil ang sama ng tingin niya sa akin.
"Tara rito. Manahimik ka, ang corny mo, Zai." Seryoso niyang sabi sa akin.
"Manahimik ka, ang corny mo, Zai. Wenyenye." I mocked him and start laughing. Mukhang nainis pa siya lalo. Buti nga.
"Isip bata." Masungit niyang sabi sa akin kaya tinitigan ko siya.
"Hoy, Nikolai Andre. Kapal ng mukha mo ha! Sino ka para sabihan ako niyan, eh hindi pa nga tayo mag-kakilala? Kung hindi lang talaga crush ewan ko sa'yo. Sakit mo sa bangs." Tuloy tuloy kong sabi, dahilan para ngumiti siya.
"Hmm? Crush mo pala ako," pang-aasar niya sa akin.
"Wala kang chance." Natatawa niyang sabi kaya tinignan ko siya ng masama.
"Assuming ka masiyado. Ano naman kung wala? Kung hindi mo rin ako crush sana patulugin ka nang konsensya mo. Masiyado akong maganda para hindi ma-crushback, 'no." Pag-bibiro ko.
"Oo, ang ganda mo." Maikling sabi niya at nag-patuloy siya sa pag-lalakad.
Para akong binging walang narinig para hindi kiligin, pero hindi ko maiwasan ngumiti dahil sa sinabi niya.
Like, hello girls? Nag-sisimp kayo kay Niko, tignan mo crush niya na ata ako. Charot!
Maraming nag-kakagusto kay Niko dahil halos nasa kaniya na lahat ng gusto nang isang babae sa lakaki. Sobrang ideal niya kasi.
Family oriented, mabango, matangkad, gwapo, magaling na writer, marunong tumugtog ng gitara, at alam kung ano ang salitang respeto. Alam niya kung paano maki-salamuha sa fans niya. Sobrang bait pa, kaso masungit.
Nandito na kami sa Starbucks at ang tahimik namin pareho dahil nag-cecellphone lang kami pareho habang umiinom, kaya guguluhin ko siya.
"Niko," tawag ko sa kaniya, at itinaas niya sa akin ang isa niyang kilay.
"Ang pag-ibig ko sa'yo ay parang kinopya kong assignment." Natatawa kong sabi.
"What? Why?" Nag-tataka niyang tanong.
"Kasi kapag tinanong ng iba, ang hirap i-explain." Sabi ko sa kaniya habang tumatawa.
Siya naman, walang paki sa sinabi ko. Manhid ba siya? Hindi man lang kinilig sa banat ko, epal.
"Ang corny mo." Sabi niya sa akin na ikinatawa ko pa lalo.
Ano naman sa akin kung corny. Hay nako, Niko. Ang hirap mong abutin at alam kong marami akong kaagaw sa'yo, pero lamang ako dahil kasama kita ngayon.
Natahimik na naman kami at balak kong mag-tanong na lang ng random questions.
"Niko, what age ka nag-start mag-sulat?"
"Grade 4. I am a participant sa journalism namin. I took feature writing before, doon ako nag-simula sumulat, kasi lumawak learnings ko in terms of writing or such things."
I am amazed about what he said. Kasi noong elementary ako, honor student ako pero hindi ako sumali sa mga ganiyan. Hindi ako interesado.
"Who's your inspiration in writing?" Sunod kong tanong sa kaniya.
Nagulat ako nang bigla niyang binitawan ang cellphone niya at tumingin sa akin.
"My ex." He shortly said while awkwardly smiling.
"Hindi ka pa nakaka-move on sa kaniya? I mean, Niko, it's okay if you won't answer my question of you're not comfortable." Sunod-sunod kong sabi, baka kasi ang daldal ko na masiyado.
"I already moved on from her. No one knows that I have an ex. They know that I am NGSB." natatawa niyang sabi.
Oh, so he's writing poems din pala. Hindi lang novels.
"Can I see the poems? If it's okay." I told him.
I'm interested about his poems about his ex. Baka lang naman ipakita niya, 'di ba?
"Yeah, sure. The last time I wrote poems for her was last year. I already stopped, I realized that it's not worth it to write more about her. She has a new guy, and I don't care. I have a type right now."
Nagulat ako sa sinabi niya. May gusto siya ngayon? I wonder who she is. Ang swerte naman niya.
Pina-kita niya sa akin ang poems. May malungkot, may nakakakilig, at marami pa. Ang daming emosyon sa tula ang naisulat ni Niko dahil sa isang babae.
Ikaw ang ilaw,
sa madilim kong mundo.
Ikaw ang kandado,
Sa puso kong sarado.
Salamat kay kupido,
Dahil tayo ang pinag-tagpo.
Hindi mapaliwanag ang nadarama,
Dahil sobrang saya, kapag ikaw ang kasama.
Hindi man ako perpekto,
Pero salamat, salamat dahil tinggap mo ako.
Hindi mahihigitan ng kung sino,
Ang pag-mamahal na ginawa mo.
Iyan ang unang tula na ipinabasa niya sa akin. Ang galing, dahil mayroon pa palang mga lalaki na katulad niya. Na kahit sa simpleng tula lang, na-eexpress niya ang pag-mamahal niya sa isang tao.
Hindi ko alam kung saan kukuha nang lakas,
Para ito'y mabigkas.
Mga luha ko'y dumadaloy nang walang patid,
Habang binabalikan ang sayang iyong nahatid.
Siguro pahanon na,
Para kalimutan ka.
Minahal lang naman kita,
Pero bakit kailangan ako'y masaktan pa?
Pero salamat sa'yo,
Dahil ako'y natuto.
Gigising na sa kahibangang ito,
At mumulat sa reyalidad, na tapos na ang ikaw at ako.
Iyan ang isa pang tula. Ang lungkot, sobra. Hindi ko inaasahan na magiging ganiyan. It was heartbreaking.
"Ang galing mo." Sabi ko sa kaniya habang naka-ngiti.
Ngumiti rin siya sa akin at bigla siyang nag-salita.
"Hmm. Anyways, can I get your number? For emergency purposes only."
For emergency purposes nga ba? Siguro crush talaga ako neto. Bigla bigla, eh. Nakipag-meet up pa sa akin!
"Nasaan cellphone mo. Amina, i-tatype ko." Sabi ko sa kaniya.
Agad ko namang tinype ang number ko para tapos na usapan namin. Para rin maka-alis na at makapag-pahinga kami.
Nag-kwentuhan lang din kasi kami habang nasa Starbucks. Kinilala ko pa siya lalo at mas naging interesado ako sa kaniya.
"Uy, Niko. Alis na ako, ha. It was nice meeting you. See you, next time!"
"See you tomorrow."
—————