CHAPTER 4

782 Words
"Hoy! Bakit mo sinabi 'yon?" Sabi ko sa kaniya habang nanlalaki ang mata dahil sa gulat. Umalis na 'yung dalawang babae at halata naman na nagulat din sila. Siraulo 'to? Adik ata, eh. "Oh tapos? Kinilig ka naman," sabi niya sa akin habang tumatawa. "Magiging girlfriend din naman kita, ah? Soon." Sunod niya pa. Oo na, kinilig na ako. Pero bakit pa rin? Baka ipagsabi nila 'yon kung kanino, baka ma-issue kami. Lagot ako kila Nadia. "Baliw ka talaga, ano naman kung kinilig ako?" Mataray kong sabi. "Tss. Crush mo ba ako?" Pang-aasar niya. Tinitigan ko siya nang masama. "So what ano naman." Sabi ko sa kaniya at bigla akong umirap. "Alam ko naman. Maliit na bagay, Zai. Pogi ko, eh." Pag-bibiro niya. Ang hangin naman pala neto. Ang galing niya mag-joke, ha. "Wow. Joker ka pala?" Nawala ang ngiti niya nang bigla ko 'yon sinabi. Asaran pala, ha? Subukan mo ako ngayon, Niko. "Mukha ba akong nag-bibiro, Zairie? Hmm?" Seryosong sabi niya sa akin dahilan para lalo pa akong matawa. "Oo. Ang hangin mo pala, eh. Ew, idol niyo si Nikolai Andrei?" Sabi ko habang binebelat siya. Para akong isip bata sa ginagawa ko, pero naaasar naman siya kata natutuwa ako. Lalong sumama ang tingin niya sa akin. Lakas mang-asar kanina, pikon naman pala. "Niko? Pikon ka pala? Joke time lang 'di ba? Pangit mo ka-bonding," natatawa kong saad. "Joke lang ulit. Turuan mo na lang ako mag-sulat ng tula." Sabi ko sa kaniya. Gusto ko kasing matuto. Interested ako sa writing. "Uy, sige." Sabi niya sa akin habang naka-ngiti. Mukhang masaya siya kapag writing ang usapan, ah. "Maraming uri ng tula. Pero para makagawa ka, kailangan may paksa ka. Focus ka sa topic mo. It depends na sa'yo kung gaano karaming lines, stanza, at syllable ang gagamitin mo. Basta, tugma ang dulo," "Napansin mo ba 'yung binasa mong tula noon na isinulat ko para sa ex ko? Gano'n lang ka-simple." Sabi niya sa akin habang naka-ngiti. "Sige, subukan ko. Gusto mo gawan kita?" Sabi ko sa kaniya gamit ang mayabang na boses na akala mo propesyonal na talaga sa pag-sulat ng tula "Sige nga oh. Impromptu, ha. Ngayon na, parinig ako." Saad niya sa akin, at mukhang excited pa siya. Tumango lang ako at nag-isip para maganda ang magiging kabuuan ng tula. Naka-isip na ako ng tula at binigkas ko ito sa harap niya. May hinahangan ako, Tawagin na lang natin sa pangalang Niko. Matagal ko na siyang iniidolo, Dahil siya ay magalang, at ma-ginoo. Mabait na tao, Kaya nabihag ang aking puso. Nasa kaniya lahat ang gusto, Hindi ko maisip na hahantong kami sa ganito. No'ng una'y hindi mag-kakilala, Ngunit ngayon, tignan mo na. Hina-hangaan namin ang isa't isa, Nang hindi lang dahil sa itsura. Hindi ko rin alam kung paano ko 'yan nasabi. Hindi ko alam kung paano ko 'yan na-buo, pero 'yan ang lumabas sa bibig ko, galing sa puso ko. Kitang kita ko sa mata at mukha ni Niko na kinikilig siya. Halata talaga, kasi ang pula niya. Ang puti niya, eh. "Ang galing mo," maikling sabi niya sa akin habang naka-tingin sa mata ko at naka-ngiti. "Zairie, sinabi ko na sa'yo, masiyadong mabilis ang pag-kagustonko sa'yo, pero seryoso ako. Sabihin mo sa akin kung handa ka na, liligawan kita." Sunod niya pang sabi sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. Handa naman na ako, siguro. Sayang din kasi ang oras kung pag-hihintayin ko siya. "Niko," tawag ko sa kaniya at lumingon siya sa akin. "Ready ako mag-commit. Kahit huwag ka na mangligaw." Sabi ko sa kaniya. "No," maikling sagot niya kaya nag-taka ako. "Liligawan kita. Pupunta ako sa bahay niyo, mag-papaalam ako sa mga magulang mo. Sign of respect, and I want you to be mine by me, doing something for you. You'll be mine, soon. Let me court you. Sagutin mo ako kapag talagang handa ka na." "Ready na nga ako, ulit ulit kang bwakanangshit ka. Updated ako sa'yo, hello? Kilala ka na rin ng pamilya ko, hindi mo alam? Na-realize ko kasi na sayang lang ang oras. Sasagutin din naman kita, eh. Bakit pa ako tatanggi sa grasya? Hello, Niko?" Natatawa kong sabi sa kaniya. Talaga namang sayang ang oras. Edi simulan na namin ngayon. Bakit pa papatagalin, 'di ba? "Huh? Tayo na?" Na-guguluhan niyang tanong sa akin. "Hindi. Upo na," pag-bibiro ko. "Joke. Oo, tayo na." Natatawa kong sabi sa kaniya. Nagulat ako nang bigla siyang tumayo sa upuan niya at bigla akong niya akong niyakap. Haba ng buhok ko, beh. Isang Nikolai boyfriend ko na? Hello, ako lang 'to. "Talaga, ha." Hindi siya maka-paniwala kaya tumango na lang ako. "Mahal kita." "Mahal na mahal kita." —————
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD