“Ang pangit mo,” bulong niya sa tenga ko at umalis na sa ibabaw ko.
Literal na nadismaya ang kaluluwa ko, literal na bumagsak ang mundo ko, literal na ang sarap manakal. Promise.
“Who told you na pumunta sa bahay namin?? Tsaka ano yang dala-dala mong mga notebook? Para saan?” kunot noong tanong niya.
Nakabangon na ako.
“Sabi mo bobo ako, edi papatutor ako sa 'yu.” sabi ko.
“At sinong nagsabing tuturuan kita? Ang mabuti oa, umalis ka na,” utos niya.
Umismid ako at humiga pa sa kama niya.
“Bahala ka, para naman magustohan mo na ako.” sabi ko.
“Tsk! Asa ka,” aniya.
Nyenye, kunyare pa eh. Di na lang aamin.
______
That night, pinilit ko siyang turuan ako. At buti napilit pa, pero bobo pa rin ako. Sa lahat ng tinuro niya kagabi wala tumatak sa isip ko. Nakatitig lang kase ako sa kanya the whole time hakhak. Eww.
“Okay class, we have a quiz right now. Sa math, maghanda ng one whole.” announce ng teacher namin.
Amputik ng quiz na yan, one whole. Pews!
______
In-announce na ni Sir ang scores namin.
“Miss Veron, you've got a zero score. Sana mag-aral ka na sa susunod. Dahil kung palaging gan'to, mababagsak ka talaga.” sabi ni Sir.
“Sir!” tawag ko dito. Pinapahiya mo'ko sa kwass ko!
“Bakit?” tanong niya.
“Sana sinakal mo na lang ako,” sabi ko. Natawa ang mga kaklase ko. Nakajatawa?? Amp!
I look at Zendrius at napailing ito. Sorry babe huhu.