(FRANCHESKA)
Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko salamin. At satisfied ako sa nakita ko. Bumagay kasi sa'kin ang Prada pleated lacy dress ko na kulay puti at hanggang tuhod ang haba. I looked so divine with my outfit and with my french braided hair of course. Nagmukha akong anghel na bumaba galing sa langit. Far from a glamorous Francheska na takaw pansin lagi ang kasuotan.
Tanging hikaw lang ang suot ko. At light make up lang din ang nilagay ko sa mukha ko. Nakakapanibago pero kailangan kong gawin ito para sa lalakeng nagugustuhan ko na bisita namin mamaya.
Lahat ng pagpapansin kay Harvey Yuzon - assistant ng Daddy ko - ay ginawa ko na. Geez! Tinanggap ko ang Manager position sa Company namin para everyday ko siyang makita. Big sacrifice na ito sa'kin dahil ako si Francheska Liu, tagapagmana ng Liu Empire ay babagsak lang bilang manager. Tuloy pinagtawanan ako ng mga friends ko.
Si Daddy din namin kasi. Inilagay niya ako sa mababang posisyon dahil maarami pa raw ako dapat matutunan. Alam naman niya na hindi ako seryoso sa trabaho ko sa company namin. After ko mabingwit ang assistant niya ay magre-resign din naman ako. Si Harvey na ang mamahala ng company as my husband kapag nagretire na si Daddy. At isa pa, Architecture ang natapos kong kurso. Although, hindi ko pa na pra-practice ang propesyon ko pero I don't think na kailangan ko pa magtrabaho.
Inaari ko na si Harvey bilang future husband ko, total do'n din naman bagsak ng lahat. Wala akong gusto na hindi ko nakukuha. I'm the living princess of the country. Tinitingala at kinaiingitan ako ng mga kaedad ko.
I'm also a selfconfess brat. Like, kung trip kong magkape sa ibang Japan, magpapabook kaagad ako ng flight, magsasama pa ako ng chaperone. Noong college nga, I treat all of my classmates to Boracay. All expense paid.
Naalala ko pa nga na may classmate akong tahasan na nagcomment na hindi raw bumagay sa'kin ang suot kong yellow bikini. Like duh! Luxury bikini ang suot ko at binili ko pa sa Italy sa hindi birong halaga. So, napauwi ko siya ng wala sa oras. Umiyak pa nga siya pero hindi ako naawa kasi alam naman niya na pinakaayaw ko ay pinipintasan ang fashion sense ko. Then, ako na nagbayad ng lahat kaya kailangan niyang makibagay sa'kin. Hindi niya ginawa. So, hindi na enjoy ang Boracay.
I know I'm so mean for sometimes, iyan din ang ugali ko na ayaw ni Harvey. E, sa ano'ng magagawa ko? Maikli lang talaga ang pasensya ko. At saka yaw ko rin na magplastik-plastikan na ngingiti lang kahit sasabog na sa galit deep inside. Vocal kasi ako sa feelings ko and prangka rin.
I'm twenty-two years old but no boyfriend since birthday. Sobrang pihikan ko kasi. Mabilis akong ma turn off sa isang lalake. Gusto ko rin kasi iyong katulad ko rin ang estado sa buhay. Ayaw ko sa mahirap na gagawin lang akong gatasan. Pero siyempre, exempted si Harvey kasi nga almost perfect ang mukha at katawan, worth for investing. Pwede rin na ibaling ko sa iba ang pagtingin ko, like sa mga Bachelor's CEO na mga kilala ni Daddy. But sad to say, may own set of standard din sila, hindi ako nakapasa. Gusto kasi nila iyong ubod ng sexy, pang trophy girlfriend at mala-dyosa sa ganda. E, ako? Confidence at pera lang ang nagdala.
Isang Shipping Magnate ang ama kong Si Franco Liu. Bukod pa diyan ay tinagurian rin siyang hari ng Real Estate. Laganap na sa buong bansa angFrancheska's Royal Land .And it made my father belongs to top of the richest man of the country. Maging sa ibang bansa ay kilala ang Daddy ko.
Only child lang ako ng magulang ko. Kaya nga siguro hindi ko rin sila masisisi kung bakit pinalaki nila ako na nasusunod ang lahat ng gusto. Madalas ko nga naririnig sa kanila na ako ang pinakamahalagang yaman nila. And in return, hindi rin matatawaran ang pagmamahal na binibigay ko sila. Malambing ako sa magulang niya kahit spoiled brat ako.
So back to my angelic gorgeous looks, lip gloss na lang ang nilagay ko. Perfect. Nagwisik na lang ako ng konting perfume.
Hindi tumagal ay may kumatok na. Ang katulong. Pinapaalam sa'kin na nasa baba na ang bisita. Dumating na si Harvey!
"Sige, yaya. Bababa na ako," sabi ko. Muling pinasadahan ng tingin ang sarili ko sa salamin. Kinakabahan ako. Biglang kinabahan. Hindi kaya, simple lang itong suot ko? Kailangan ko ba mag glittery eye shadow para mas lalong attractive? Or palitan ko ng red ang pink lipstick ko?
Kailangan kong magrelax. Si Harvey ang makakahaharap - ang lalakeng ayaw sa babaeng garbosa at maarte. Tama! Sakto lang itong looks ko ngayon.
Pinalipas ko muna ang ilang miinuto. Siyempre, kailangan nila maghintay dahil gusto ko na may grand entrnce ako. Mabuti na lang talaga, malakas ako kay Daddy. Napapayag ko siya na imbitahin si Harvey para sa dinner.
Nagdesisyon na akong lumabas. Pati ang mahinhin kong ngiti ay praktisado. I'm so prepared. Ewan ko lang kung hindi pa ma-appreciate ni Harvey ang effort ko. Alam niya ha, hindi ako 'to. Hindi ako nagsusuot ng simple lang. Gusto ko talaga na kahit nasa bahay lang ay parang a-attend ako ng Gala Night. Ganyan ako ka lukaret.
Unti-unti akong bumaba ng hagdan. Agad silang naglingunan sa'kin. Nakita ko ang pagkamangha ng magulang ko sa hitsura ko. Pero si Harvey, No! Hindi siya tumitingin sa'kin. Nakafocus ang atensyon niya sa katabi niyang - babae!
Wait! Hindi ako prepared sa sandaling ito. Sino ang babaeng katabi niya na kahit simpleng kupasing bestida lang ang suot ay ubod pa rin ng ganda? Walang make-up ang babae, masasabi kong natural ang ganda niya.
Bakit sila magkahawak kamay ni Harvey?
Nalilito akong lumapit sa kanila. Hindi ko maitago ang sakit na bumalatay sa mukha ko. Agad naman akong inalalayan ng Mommy Susan ko. Alam kasi niya ang undying love ko kay Harvey.
"Hija, I'm glad bumaba ka na. May ipapakilala si Harvey sa'yo," sabi ni Mommy na tila nanantya. Alam kasi niya na anytime ay mag-outburst na ako.
Tumayo si Harvey pati ang katabi niya. Agad lumipat ang paningin ko sa kanila.
"Hi, Cheska. By the way, kasama ko pala ang girlfriend ko, si Mariel," Pakilala niya.
Hindi ako makapagsalita. Nakatitig lang ako sa kamay niyang humahaplos rin sa kamay ng babae na tila ba binigyan siya ng assurance mula sa pagka-intimadate sa'kin.
Girlfriend? No. Hindi ko matatanggap na may girlfriend na siya. Why I haven't been informed about this!
"Hija..." untag ng aking ina.
"Am.. I'm h-hi, I'm please to meet you, M-mariel." Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob at nakuha ko pang ngumiti.
"Hello, Francheska, fan mo ako sa mga Vlog mo," nakangiting sabi ni Mariel.
"T-thank you." Binalingan ko ang magulang ko. "Mom, Dad, kayo na lang pala ang magdinner. Bigla kasing sumakit ang ulo ko." Pigil ko ang luha.
"Sige sweety, ipahinga mo iyan mo."
Tumango ako. Bago tumalikod ay sumulyap ako kay Harvey. Nakita kong naawa siyang tumingin sa'in. Hindi ko ito na gustuhan. Ako si Francheska Liu, kakaawaan? Damn!
Patakbo kong tinungo ang kuwarto ko. Bumuhos ang luha ko na napasubsob sa unan. Masakit. Sobra! Pakiramdam ko ay pinagkaisahan ako ng lahat. Bakit? Bakit pumayag ang magulang ko na dalhin ni Harvey ang nobya niya dito sa mansyon? Alam naman nilang may gusto ako kay Harvey.
Naramdaman kong may pumasok sa room ko. Si Mommy. Agad akong tumayo. Luhaan ko siyang hinarap.
"Mommy, bakit pinayagan niyong isama ni Harvrey ang babaeng iyon dito?!
"Hija, pumayag kami para marealize mo na hindi para sa'yo si Harvey. May mahal siyang ibang. hija. Kung nabibili lang ang pag-ibig, noon pa sana ay binilhan ka na namin ng Daddy mo. Hindi lahat ay makukuha mo, hija."
"I want him, Mom! Only him."
"Francheska, makakahanap ka rin ng lalakeng para sa'yo."
_______________
(FRANCHESKA)
Suot ko ang Dior dark glasses ko. Naka all black ako. From stilleto to fascinator hat, bag and coat with bodycon dress inside. Nagluluksa ang puso ko. Nasaktan ako ng sobra kagabi.
Pinagtitinginan ako ng mga empleyadong nadadaanan. Marahil ay na weirduhan sa'kin. Pero walang may nagtangkang tumawa dahil kung meron man ay siguradong masisisante sila. Maraming luha ang binuhos ko kagabi. Pero pinangako ko sa sarili ko na iyon na ang huli. Hindi ko sinabing mag-mo-move on ako. May plano ako.
Agad akong dumeretso sa office ni Daddy. Wala pa siya doon pero sigurado akong nandoon na si Harvey para ayusin ang mga papeles.
Hindi nga ako nagkakamali. Nadatnan ko siyang nililinis ang executive table ni Daddy. Minsan talaga, tanga rin itong puso ko. Iibig na lang sa ordinaryong tao pa. Paano pala kung naging mahirap din ako? Mapapakain ba ako ng kagwapuhan lang niya?
Yes, bakit hindi ganyan ang gawin kong mind set ko para maka-move on na? Kung matuturuan lang sana. Hindi ako magpapaka-cheap ng ganito para sa lalake.
Marahil ay naramdaman ni Harvey na may tumititig sa kanya mula sa likuran kaya lumingon siya. Agad akong ngumiti ng matamis.
"Congratulation, Harvey," sabi kong lumapit sa kanya at niyakap siya. "Hindi ko alam na may girlfriend ka pala, tapos lagi pa kitang kinukulit. My bad."
Umaliwalas ang napakagwapo niyang mukha. Tila ba nabunutan ng malaking tinik sa dibdib. "Thank you, Ma'am Cheska."
"Sorry nga pala sa lahat ng pangungulit ko sa'yo."
"Wala 'yon."
"Invite niyo na lang ako sa wedding niyo. Wait, nagpa-plano na ba kayo para sa wedding niyo?"
"Yes. Balak na namin magpakasal in the five months."
Nabigla akong sa narinig ko. Kagabi ko lang nalaman na may girlfriend siya, tapos ngayon magpapakasal na pala. Ngumiti ako kahit ang sakit-sakit na.
"Oh! Congats again, Harvey."
"Thank you, Ma'am."
"Sige, maiiwan na kita. I'll go to my office."
Nang isara ko ang pinto ay saka nanlisik ang mata ko. I couldn't believe that I was able to congratulate him. Really? Pwede rin pala ako maging artista.
Ang totoo kasi ay nagngingitngit at naninibuhgo ang kalooban ko. Pero sinong nagsabi na susuko ako? May plano nga ako 'di ba? Kung sabagay pabor itong gagawin ko para kay Harvey. Para magkaalaman kung faithful nga sa kanya ang santa niyang girlfriend.
I'm planning to hired someone to seduce his girlfriend. Liligawan. Paiibigin. Kung bumibgay, ibig sabihin ay hindi siya tapat kay Harvey. And he must be thankful for me then.
Kinuha ko ang cellphone ko mula sa aking bag. Nag-dial. Na-irita ako nang matagal sumagot ang tinatawagan ko.
"Hello - "
"Magkikita tayo, now," sabi ko nang sagutin na ang tawag.
"Antok pa ako," reklamo ng nasa kabilang linya. Totoo ang sinasabi niya kung ang pagbabasehan ay ang inaantok pa niyang boses.
"One hundred thousand itong ipapagawa ko sa'yo."
"Okay, saan tayo magkikita?" Agad na nabuhayan ng dugo ang kausap ko.
Sinabi ko ang lugar at pinutol ko na ang tawag. Si Aldred ang kausap ko. Kaklase ko noong college. Artistahin ang mukha at matipuno. Siya ang madalas kong kinasasangkapan kapag may gusto akong paghihiwalayin.
Lumingon ako sa office ni Daddy.
"I'm sorry, Harvey pero para sa atin itong gagawin ko."