Chapter 2- To Let Go or To Hold On?

1871 Words
YVONNE has still a hang over upon her conversation with Alexis. No wonder how she feels like to be sat on the fence. It was two days before since the last time that they talked. Hindi naman kasi niya magawang mag-online or buksan man lang ang mga messages nito. Pakiramdam niya ay kapag hindi niya sinubukang iwasan si Alexis at manatiling bukas ang kaniyang sarili para rito ay para na rin niyang niloko ang kaniyang sarili-- sa desisyon niyang gustong panindigan. And she doesn't know why but her heart would not keep in place unlike her mind. At tila ilang ulit siyang ginugulo ng salitang divorce na 'yon. And a moment of silence would ask her mind, "Does she was willing to divorced to Alexis or she may dealing with the best decision she knew that was right, even if she could no longer to be happy?" For some reason, hindi siya masaya sa naging desisyon at totoo naman talagang may pagdadalawang isip pa rin siya. Lalo na't hindi biro ang tumayo bilang pangalawang ina ni Eliazar. At mas lalong hindi biro ang maging pangalawang asawa. She had encountered different comments and reactions from uncertain people. Madalas nga ay sa mga taong malapit pa sa kanila, lalung-lalo na si Alliana na best friend niya. Masakit, oo, pero iyon ang realidad na kung minsan ay maraming tao ang hindi lubusang maging masaya sa kung anong nagpapasaya sa atin. "Ma'am Yvonne, may bisita po kayo." Bahagyang napataas ang kilay niya sa winika ni Kylein, isang sales administrator assistant sa kompanyang pinapasukan niya habang siya naman ang human resources manager. Mahigit dalawang taon na rin siya sa kompanyang pinapasukan, sa katunayan ay marami na siyang naipundar mula sa katas ng kaniyang pagsisikap. Her company was built over a decade. Kaya tiyak na kilala na talaga ito sa buong bansa. Kung saan ay sila ang nagsusuplay ng ice cream sa iba't ibang panig ng lugar sa Pilipinas. "Kylein, like what I have said lately, I would not accept any visitor today." Isang malalim na pagbuntong hininga pa ang ginawa niya. "Pero, ma'am-- nasa labas na po siya, e. Alangan naman pong pabalikin ko pa bukas?" pahapyaw na biro pa ni Kylein. "Okay, but please, sana ay last na muna 'tong makakausap ko, Kylein--" "Last na talaga, kung hindi mo pa rin ibibigay sa akin ang karapatan ko sa bata." Halos manginig ang kaniyang mga kamay sa inis na nararamdaman. It was Flordeliza, the first became wife or let me say, the former wife of Alexis. Napatayo siya mula sa kinatatayuan, habang ginagantihan ang seryosong tingin nito sa kaniya. "Flordeliza." "I thought that you were going to ignore my visit." "Kung nagpunta ka lang naman dito para insultuhin ako ay makakaalis ka na." Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Flordeliza, 'yung tawang mapapakamao ka talaga sa inis. Of course, ayaw niya naman masabihang kinakaya-kaya lang. Kaya naman pahapyaw niyang ginagantihan ang bahagyang pagtaas ng kilay nito. Habang doo'y nagawa silang pagpalit-palitan ng tingin ni Kylein. "Kylein, iwan mo na muna kami." Napatango naman ito kung kaya't sila na lamang dalawa ang natira sa loob ng kaniyang office. Humakbang siya palapit dito at saka niya ito hinarap nang masinsinan. "'Wag kang mag-alala, wala akong inaangkin sa'yo, Flordeliza. Ibabalik ko ang lahat nang sinasabi mong inagaw ko. Dahil may pinag-aralan ako kaya hindi ko gugustuhing makipagtalo sa katulad mo. What is yours, is yours." "O, iyon naman pala, e. Maayos ka naman pa lang kausap." "But you have to consider na kasal pa rin kami ni Alexis, kaya may karapatan pa rin ako sa bata. At ang idine-demand mo na maibabalik sa'yo lahat, 'wag kang mag-alala dahil darating din ang araw na 'yon. We just have to rely on the legal process." Narinig niya ang mahinang pagngisi ni Flordeliza habang nanlilisik ang tingin. "Bakit kailangan pang dumaan sa gano'n? Sino ba ang nauna sa ating naging asawa? Sino ba ang tunay na ina ni Eliaz? Hindi ba't, ako naman? So, what's your problem about that?" "Problema. Alam mo, ikaw ang problema. You should know the rule of our law. At kahit ipangalandakan mo sa lahat na kesyo ikaw itong nauna, ikaw itong tunay na ina-- walang saysay 'yon kung gamit ko pa rin ang apelyido ni Alexis." "Hoy, for your information ay wala nang bisa ang kasal n'yo ni Alexis simula nang bumalik ako!" "May bisa man o wala, tingnan pa rin natin kung anong magiging desisyon ni Alexis. And for your information too, hindi ka na mahal ni Alexis. Of course, ako na ang mahal niya." "How dare y--" Sasampalin na sana siya nito pero mabilis niya iyong nasalag. At bago pa man dumistansya ang kaniyang braso rito ay mabilis niyang pinagsasampal si Flordeliza. Mataman itong nakatitig sa kaniya habang iniinda nito ang sakit na dulot ng kaniyang pagkakasampal sa mukha nito ay sinabi niya ang mga katagang, "I don't know why but I think.. you deserve that slap, Flordeliza. Para naman magising ka na sa katotohanan na ako pa rin ang legal na asawa." Nagngingitngit ito sa galit nang harapin siya. Saka ito padabog na nag-walk out patungo sa may pinto ng office niya. Pero bago pa man ito tuluyang makaalis ay muli siya nitong hinarap. "Hindi pa tayo tapos, Yvonne! Tandaan mo 'yan!" Ngingisi-ngisi lamang siya hanggang sa tuluyan itong mawala sa paningin niya. Subalit, ilang segundo lamang ang lumipas ay bumalik na naman ang lungkot na nararamdaman niya kanina. 'Yung lungkot na batid niyang si Alexis lang ang magiging way para sumaya siya. 'Yung pakiramdam na balang araw ay hindi na siya magiging buo, dahil sa kamaliang naging tama para sa kaniya noon pa man. She could feel the uncertainty of her mind saying, "To let go, while her heart was keep saying, "To hold on." "Ang hirap.." tanging nasambit niya nang sandaling iyon. Kasabay ang pagpatak ng kaniyang munting luha na hindi niya namalayang kanina pa pala dumudungis sa mukha niya. Napapikit siya habang patuloy na umaagos ang luha. Hanggang sa hindi niya lubos mamalayan na ibang kamay na pala ang nagpapahid ng kaniyang sariling luha. Hanggang sa makita niya sa kaniyang harapan ang taong dahilan ng kaniyang kalungkutan at kasiyahan. No other than, Alexis, who have been in love with her for a long time, and until now, she could feel the sincerity of his love. "Tahan na.." Hindi niya alam kung paano magre-react sa sinabi nito. Gayong ito naman ang rason kung bakit niya nararamdaman ang lungkot. But at the same time, the same person that could brought her a real happiness. Hanggang sa hindi niya namalayan na tinatanggap na niya ang mahigpit na yakap nito. Yakap na nagpapaunawa sa kaniya na sa kabila ng lahat ay si Alexis pa rin ang kailangan ng puso niya-- na ito pa rin ang nagsisilbing kalakasan niya. Nang maghiwalay sa yakap ay tila roon lamang siya natauhan. Oo nga pala't nakapagdesisyon na siya na magpa-file ng divorce para sa kanilang dalawa. At kahit sabihin na wala na rin saysay ang kasal nila ay kailangan pa rin nilang dumaan sa tamang proseso. Namataan niyang magkaharap na sila ng upuan habang nakatuon lamang ang tingin sa kaniya ng asawa. "So, what brought you here?" tila walang ganang tanong niya. "May nagbalita sa akin na nagpunta raw dito si Flordeliza, e, saktong nasa field ako so I decided to check you out." Oo, madalas nga ay nasa labas nagwo-work si Alexis dahil sa pagiging magaling na civil engineer. Doo'y kinakailangang i-maintain ni Alexis ang magandang kalidad at structure ng isang building, tunnel, road o kahit ano pa mang bahagi ng kanilang proyekto. Para sa kaniya ay hindi maitago ang sayang nararamdaman lalo na't kahit ipagtulakan na niya palayo ang asawa ay patuloy pa rin ito sa panunuyo sa kaniya. In fact, pakiramdam niya'y napakahaba ng buhok niya para mahalin siya nang sobra ni Alexis. Sa halos apat na taon nilang pagsasama ay masasabi niyang mas minahal niya si Alexis at maging anak nitong si Eliaz na magpipitong taon na. Ilang taon pa lamang si Eliaz nang makamulatan na nito na siya na ang tumatayong ina rito at ipinaunawa nila rito na kailanma'y hindi na maaaring magbalik ang tunay na ina nitong si Flordeliza, dahil sa pagkakaalam nilang patay na ito. But, what a mess was happening now to their family. That after all they thought that Flordelize was gone, ngayon ay nagbabalik ito upang bawiin ang alam nitong sa kaniya. Pero dahil si Yvonne naman talaga ang lumalabas na mang-aagaw ay ibibigay niya ang kagustuhan ni Flordeliza. Ngunit, batid niya na magiging mahirap sa part ni Alexis dahil alam niyang tumututol ito sa kagustuhan niyang divorcement. Hindi niya namalayang sabay na pala silang naglalakad sa hallway. Sakto kasing lunch break niya na rin kung kaya't nag-insist ang asawa na ilibre siya ng lunch. "Alexis, you don't have to do this," kaswal na pagkakasabi niya nang makarating sila sa cafeteria. "Saka, hindi ka p'wedeng magtagal dito, at baka-- masita pa tayo." Doo'y preskong ipinakita ni Alexis ang hawak nito. "I have a visitor pass, actually." Bahagyang napataas ang kilay niya. "Just what I mean, visitor ka lang, so you don't have the privilege to stay here in a long time." "What if I'm going to pay the head administrators just to give me a chance to stay here with you longer?" Doon siya tipid na napangisi. "And how about your job? Sa tingin mo ba ay hahayaan kong mabalewala ang lahat ng pinaghirapan mo ng maraming taon? Alexis, maraming oras para makapagsama tayo." "What if this could be the last time?" Sandali siyang natigilan. "Cause maybe one or two days after ay maaari mo na akong iwan. You're deciding to file a divorce, isn't it?" Sandali siyang napapikit. At pagkaraan lamang ng ilang segundo ay tila nalula siya sa napakaraming pagkain na in-order ni Alexis para sa kanila. May spaghetti, mushroom soup, rice, beef steak at chicken fillet. "Pati ba naman sa pagkain ay iniisip mong last time na rin nating kakain nang magkasama? What are you planning? Na patayin ako sa kabusugan?" may halong sarkastikong pagkakasabi niya. But because Alexis would not intend to make an argument between them ay nagawa na lamang nitong hindi patulan ang sinabi niya. "Of course, I don't want to think that this could be the last time that we eat together. But, Yvonne, we had a promise before that we would fight for our marriage no matter what happened." Sinentro niya ng tingin ang kamay nitong nakahawak na rin sa kaniyang kamay. Pero kakatwang isipin na hindi niya magawang mapigilan 'yon. And it only proves that no matter what she tried to push him away, ay iba talaga kapag puso na ang nagdikta. "Action is louder than words," ika nga nila. Ilang saglit pa ay nagawa na niyang bumitiw mula sa pagkakahawak nito habang sinubukang tikman ang isa sa paborito niyang pagkain. "We should eat first 'cause time was running," tanging nasabi niya bago pa man kainin ang pasta. Hanggang sa muli na naman siyang matigilan sa naging katanungan nito. "So, are you really sure about the divorce?" Hindi niya alam kung ano ba ang isasagot gayong muli na namang nagtatalo ang puso at isip niya ngayong sila ay nagkasamang muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD