JUST LIKE how everybody would wish to have a complete family. Time has come for Eliazar to know what is really going on to his family.
In fact, isang hindi inaasahang pangyayari ang bumungad dito isang umaga.
Mabilis na napabangon si Eliazar mula sa hinihigaan nang masilayan ang isang taong inakala nitong patay na.
"Mommy?" hindi makapaniwalang tanong ni Eliazar sa ina. Kinusot-kusot pa niya ang sariling mata sa isiping isa na lamang itong kaluluwa na nagpakita sa kaniya. But Eliazar was wrong. 'Cause it was real. Lalo na nang simulan niya itong maramdaman.
"Baby.. I missed you so much." Isang yakap ang iginawad nito sa kaniya habang hindi naman din siya nagpapigil sa kasabikang naramdaman. Subalit ang isipin na baka isa lamang iyong panaginip ang nag-udyok sa kaniya na kusang bumitiw sa yakap ng ina.
"Is this a dream, mom? I thought that you're already dead.." napapailing na aniya. Habang unti-unti namang napawi ang ngiti sa labi ng ina.
"It's not a dream, my son, totoo 'to. Buhay na buhay ang mommy mo." Ilang segundo pa ang lumipas bago tuluyang mag-sink in sa isip ni Eliazar ang mga sinabi ng ina. Kaya naman muling bumalik ang sigla sa kaniyang mga mata at napasigaw ito sa labis na kasiyahan. "Yehey! So, are you willing to stay here with me and daddy?" Doon hindi nakakibot agad si Flordeliza. At nang sandaling iyon ay hindi nila namalayan ang presensya nina Alexis at Yvonne na nakadungaw mula sa pinto ng k'warto ni Eliazar.
"What are you doing here, Flordeliza? And, paano ka nakapasok?" pambungad na katanungan ni Alexis habang mahigpit nitong hawak ang kamay ni Yvonne.
Doon nagsimulang mapangisi si Flordeliza at siyang dating naman ng kanilang katiwala na si Aleng Laura. "Paumanhin po, ma'am and sir, pero ako po ang nagpapasok kay Ma'am Flordeliza kanina."
Napasunod ng tingin si Alexis kay Aleng Laura. "And why did you do that without a permission from me?"
Tila naiilang na tumingin ng sandaling iyon si Aleng Laura gayong umaasa ito na ipagtatanggol ito ni Flordeliza. "At bakit naman kailangan pa ng permission mo, Alexis? Hindi pa ba sapat na dahilan na ako pa rin ang legal na asawa mo para maging malaya ako sa pagpasok at paglabas sa pamamahay na 'to?"
Doon na hindi napigilang magtimpi ni Alexis. At saka niya inutusan si Aleng Laura na dalhin na muna sa dining area si Eliazar at pakainin ng almusal.
Kaya nang sila na lamang tatlo ang natira sa k'warto ay doon lamang niya nagawang magsalita. "When will you understand that I'm no longer care about you? Flordeliza, it's been years at sa loob ng mahigit apat na taon na inakala naming patay ka na ay napakarami nang nangyari. But of course, handa kaming humarap ni Yvonne sa tamang proseso para lang mapasawalang bisa na ang kasal natin."
Doon natawa si Flordeliza. "Kasal ba talaga natin ang mapapasawalang bisa?
O baka naman sa inyong dalawa ni Yvonne." Namayani ang kaba kay Yvonne habang pinipilit pa rin naman itong pakalmahin ni Alexis.
"I promise you, Yvonne, lalaban tayo. Mas magiging matibay ang kasal natin kumpara sa naging kasal namin noon."
"Are you kidding, Alexis? Hawak ko na ang patunay na may bisa pa rin ang kasal natin hanggang ngayon!" Doon nanlaki ang mga mata ni Alexis. Dahil aminado siya sa sarili na isa lamang iyong palabas ni Flordeliza, gayong ang kanilang tunay na kopya ng marriage certificate noon ay matagal niya nang sinunog.
"No, that is just a fake, Flordeliza. Matagal nang sunog ang tunay na copy ng marriage certificate natin."
"So, hindi na ba ako p'wedeng humingi ng copy sa simbahan kung saan tayo ikinasal noon?"
Sandali siyang napapikit habang ngayon nama'y sinusubukan siyang pakalmahin ni Yvonne. "Flordeliza, I admit, I don't understand why you're still alive. At kung mas maaga ko lang sanang nalaman ay hindi sana nangyari 'to. But of course, alam mo naman na nagawa lang kitang pakasalan noon nang dahil sa bata. And now, nagbabalik ka na akala mo ay may babalikan ka pa? But of course, hinding-hindi kita tatanggalan ng karapatan sa anak natin. But I want you to know that I don't care about our marriage contract, Flordeliza, what I only need is to file a divorcement between us."
"Gano'n na lang ba 'yon? Gano'n na lang ba kadali sa'yo na kalimutan ang mga pinagsamahan natin, Alexis?" maluha-luhang wika nito. At doo'y kusang bumitiw ang kamay niya sa kamay ni Yvonne.
He grabbed this as an opportunity to
hold the fake marriage contract that Flordeliza would trying to let him see. At doon nga'y nakita niyang nag-effort pa talaga ito na magpagawa ng marriage contract kung saan ay naroon ang kanilang lagda at petsa kung kailan sila ikinasal noon. Doon siya napailing. "Gagawin mo talaga ang lahat para mapatunayan na may bisa pa rin ang kasal natin, Flordeliza? Don't you think that it's a prohibited doing? A fake marriage contract? For us to believe na may bisa pa rin ang kasal natin? Flordeliza, kumuha ako ng magaling na abogado and he only proves that the moment that you are dead, ay doon na tuluyang napawalang bisa ang kasal natin."
Sinubukang hawakan ni Flordeliza ang mukha niya. "Pero nandito na ako. Buhay na buhay, Alexis. At kahit dumaan pa tayo sa korte ay maraming papanig sa akin. Dahil ako ang nauna mong pakasalan kaysa sa babaeng 'yan!"
Napailing siya. "Paniwalaan ka man ng iba, pero mas marami pa ring maniniwala sa akin dahil inakala rin ng mga taong malalapit sa buhay natin noon na patay ka na! So, kung bumabalik ka para kay Eliaz, then go, but don't you dare to get him without any formal decision from the court. In fact, Eliaz is already seven, at nasa kaniya na ang desisyon kung kanino siya sasama sa ating dalawa."
Hindi nagawang makapagsalita ni Flordeliza. Hanggang sa tuluyan niyang marinig ang tinig ni Yvonne mula sa kaniyang likuran. "Tama na! Alexis, I think I am the main reason why all of these were happening now. Hindi sana kayo nagkakagulo ngayon. Na kung sana ay hindi ko na hinayaang pumasok muli sa buhay mo simula nang malaman kong biyudo ka na."
"Iyon naman pala, e. Buti at alam mong ikaw ang puno't dulo kung bakit hindi na magiging buo at masaya ang pamilya namin," banat ni Flordeliza kay Yvonne.
"Shut up, Flordeliza. Walang kasalanan si Yvonne. At mas lalong wala rin akong kasalanan na nagpakasal ako sa iba sa pag-aakalang patay ka na. And yes, it only means na kahit bumalik ka na ay hinding-hindi magbabago ang desisyon ko na manatili sa buhay ni Yvonne. She will going to be my wife, forever." Doon nagsalubong ang kilay ni Flordeliza habang halatang bigo ang mukha nito na ipaglaban ang karapatan niya bilang asawa.
At sa isang iglap ay napabuntong hininga sila nang padabog itong umalis subalit may pahabol pa itong sinabi, "Babalik ako! Tandaan n'yo 'yan! Babawiin ko ang lahat nang kinuha sa akin. At ikaw babae ka, papatunayan ko sa'yong ako ang mas may karapatan sa mag-ama ko!" Nag-iwan nang marka ang mga sinabing iyon ni Flordeliza kay Yvonne. Pero dahil batid niya na hindi siya iiwan ni Alexis kahit na anong mangyari ay umaasa siya na madadaan sa tamang proseso ang lahat.