Matapos maasikaso ang abo ni Don Ejercito, ay agad na nilisan nina Alejandro, Kata at Kulas ang Las Vegas. Umuwi sila sa San Luisita, gamit ang private plane na na binili ni Alejandro para kay Travis. They're in their misery upon arriving. Naghihinagpis din ang hacienda Monteverde nang mapabalita ang nangyari, mabilis kumalat ang balita. Lulan pa sila ng kotse, papunta sa hacienda nang mapansin ang iilang establishimento sa bayan na naka-half flag. Simbolo na nagluluksa ang mga ito sa pagkamatay ng isa sa magaling na pinuno ng bayan. Tumuloy sila sa hacienda Monteverde, at doo'y naisaayos na ang mansyon, nang makababa sila sa sasakyan ay bumungad kina Alejandro ang naghihinagpis na mga trabahador ng pamilya. Tuloy-tuloy lang si Alejandro sa paglalakad habang hawak ang ceramic vase na pina

