Nagising si Cassandra mula sa pagkakatulog, agad siyang napabalikwas at nilinga ang paningin. "Alejandro!" tawag pa niya sa kawalan, masama ang kutob niya. Agad siyang tumayo at agad na tinungo ang labas. Pumanaog siya sa hagdan at hinanap ang binata. Magmamadaling araw na sa oras na iyon. Mayamaya ay pumunta siya sa may kusina at doo'y nakita sina Kata at Kulas. "O, Cassandra, nagising ka na pala?" sabi pa ng dalawa na nagtitimpla ng kape. "Nasaan si Alejandro?" aligagang tanong ni Cassandra. "May pupuntahan lang daw sa Manila, maniningil lang daw siya ng utang," walang kamalay-malay na saad ni Kulas. "Oh my god!" bulalas ni Cassandra na may masamang kutob. "O? Bakit, bakit Cassandra?" naguguluhan na saad ni Kata sa kaibigan. "I have some feeling, may kutob akong hindi maganda!" sa

