Chapter 7

667 Words
[CHAPTER 007] “Hindi ko aakalaing magagawa mo ito, Ace” Kasalukuyan akong nasa opisina ni Doc Rubi. Lumipas na ang isang araw ng makabalik na ulit ako ng Horizon Springs Medical Complex. “Pumayag ako na maging instructor mo dahil kilala kita. Mabait at mapagkakatiwalaan ka... pero hindi ko aakalaing masisira lang ng ganito ang prinsipyong pinanghahawakan mo” Alam ko din naman ang mali ko. Sa ngayon wala akong karapatang mag paliwanag. Alam ni Doc ang kalagayan ni Eugene at paniguradong may hula din sya kung bakit ko ito nagawa. Hindi iyon sapat na dahilan. Intern lang ako. Wala akong lisensya. Hindi ako propesyonal, kung ano mang nagawa ko kay Don Alejandro La Sierro ay maaaring ikapahamak nya. Maaari din akong makulong kung tutuusin. “Mabuti na lang at hindi ka nila kinasuhan... hindi kita maipapagtatanggol kung sakali” “Pasensya na po Doc” “Wala na tayong magagawa... nangyari na ang dapat mangyari. Sa ngayon pilit parin naming kino-contact si Zarita dahil mag pahanggang sa ngayon ay hindi parin sya sumasagot sa tawag namin” si Doc na nag aalala nadin... hindi para sa kalagayan nya kundi para sa Don. Alam nya na ang nangyayari kay miss Zaldua at gaya ng sabi ni miss... Hindi nga sya nag kamali. Pinaghahanap na sya ngayon dahil walang mag aalaga sa Don. Hindi ko lang maintindihan kung bakit mas importante sa kanila ang mga La Sierro kesa sa buhay ng pamilya ng mga nag tatrabaho dito. “Doc., bakit hindi na lang po kayo mag hanap ng ibang private duty nurse bukod kay miss Zaldua. Namatay po ang ama nya, kailangan po sya sa kanila... Hindi ko lang po maintindihan kung bakit mas importante po sa hospital na ito ang kalagayan ng Don kaysa sa buhay ng kanyang amang namayapa na—” “Santisimang bata ka... ano bang pinag sasabi mo. Baka may makarinig sayo” si Doc na hindi na ako pinag patuloy. Mas lalo lang tuloy tumaas ang pagiging kuryuso ko dahil sa ginawa nya. “Hindi ko na ipaparating ang mga nangyari sa Saint Benedict College... Palalampasin ko ang ginawa mo, sige na bumalik ka na sa trabaho mo” iyon lang at pinalabas na ako. Bakit ba nagkakaganoon sila? Ano ba kasing meron sa mga La Sierro? Sila ba Ang may ari ng hospital na ito kaya ganoon na lang ang pag aalala nila sa Don? “Ace...” pagkalabas ko ng pinto sa opisina ni Doc ay sumalubong ka agad sa akin si Anica. “Nabalitaan ko ang nangyari sayo... Ano bang ginagawa mong babaita ka ha? Gusto mo na bang mamatay?” anang kaibigan ko. “Pati ba ikaw ay may alam nadin sa mga La Sierro?” tanong ko. “Ha? Anong pinag sasabi mo? Sinong La Sierro? Nababaliw ka na ba?” mukhang wala naman syang kaalam-alam sa nangyayari. “Bumisita ulit ang tiya mo rito kahapon. Hindi kita mahanap kaya umalis nadin agad sya. Alam ko narin kung anong nangyari kay Eugene. Saan ka ba kasi nag sisipunta? Ang sabi ni Doc Rubi umalis ka daw para dalawin si Eugene pero wala ka naman doon sabi ng tiya mo. Alam mo bang nag aalala kaming lahat sayo?” ang dami nya na namang sinasabi. “Hindi narin naman ako aalis. Huwag kang mag alala. Sandali may itatanong pala ako sayo...” muli kong naalala ang reaction ni Doc kanina. “Kilala mo ba kung sino ang nag mamay-ari ng Horizon Springs Medical Complex?” tanong ko sa kaibigan. “Aba... bigla ka atang nagkaroon ng interest sa hospital. Pero sa pag kakaalam ko... ang mga Di Giovanni ang nag mamay-ari ng Hospital na ito” “Di Giovanni?” Hindi naman pala mga La Sierro... Ano ba talagang punto ng mga tao sa Hospital na ito?” “Bakit mo natanong?” si Anica. “Na curious lang... Tatlong buwan narin kasi akong nandito, tara na” anya ko at bumalik na nga kami sa trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD