Chapter 6

623 Words
[CHAPTER 006] ___________________________ Nang makarating sa silid ng Don ay agad ko syang niresponde. Ilang segundo din syang hindi makahinga at kung tumagal pa iyon ng ilang minuto ay baka mas lalong lumala ang kalagayan nya. “Kamusta ang Don?” nag aalalang tanong ng kasambahay na pinapanood akong ligpitin ang mga gamit na nilabas ko kanina. “Maayos na ang kalagayan ng Don sa ngayon. Nag karoon lang sya ng Mild Allergic Reaction na naging sanhi sa pansamantala nyang hirap sa paghinga” paliwanag ko. “May mga bagay ka bang pinasok dito na hindi pwedi sa Don?” dagdag ko pa. Saglit naman syang napaisip. “W-wala naman po” sagot nya. “Binalaan na din po kasi ako ng mga doctor na huwag mag papasok ng kung anong makakaapekto sa paghinga ng Don” Tumango-tango ako. Mukhang nag sasabi naman sya ng totoo. Nilibot ko ang paningin sa paligid at nag babakasakaling makakita ng ano mang bagay na hindi pwedi sa Don. Hanggang sa matanawan ang kurtinang hinawi ng hangin sa di kalayuan. “Mukhang alam ko na kung saan nakuha ng Don ang Mild Allergic Reaction...” saad ko sa kasambahay saka pinuntahan ang kurtinang iyon. Nang silipin ang likod ng kurtina ay nakita ko ang medyo malaking awang ng bintana. “Paniguradong nag karoon ng malakas na hangin kanina at ang alikabok sa labas ay napasama sa hangin. Ito marahil ang naging dahilan para makapasok ang alikabok saka nasinghap ng Don” saad ko. Mabilis ko iyong sinirado. Bigla namang kinabahan ang kasambahay sa pagkakamaling nagawa. “Hindi ko po napansin” sabay lingon nya sa pinto. Sinundan ko iyon ng tingin pero wala naman akong nakitang kahit na ano. “Mag iingat na lang po tayo sa susunod” lumapit ako sa kanya saka inabot ang reseta ng Don. “Nandito na po ang lahat ng pangangailangan ng Don. Sana masundan po ang oras ng pag inom nya ng gamot” paalala ko. Matapos ang ilang minutong pananatili sa loob ng silid ay sawakas nakalabas na’ko. Sakto namang pag labas ko ay nakasandal sa may gilid ng pinto ang kaisa-isang apo ng Don. Nakapamulsa ito sa dalawa nyang bulsa na akala mong may iniintay mula sa loob. Maaari narin naman syang makapasok gayong nakalabas na’ko. Lalagpasan ko na sana sya ng mag salita ito. “Kamusta ang Don?” walang timpla ang tono ng boses nya, ngunit mahihimigan dito ang pag-aalala. Aba nga naman... marunong pala syang mag alala. “Nag papahinga na ang Don. Maayos narin ang kalagayan nya. Nag karoon lang sya ng Mild Allergic Reaction pero sa ngayon napaalalahanan ko na ang kasambahay ninyo” iyon lang at lumakad na’ko. “How much?” habol nya na syang kinahinto ko. Kunot noo ko syang nilingon pabalik dahil sa narinig. “Anong sabi mo!?” “Naagapan mo ang Don... Normal lang na kailangan mo ng reward. Mag kano ang gusto mong ibayad ko sayo bago ka makaalis dito” sagot nya. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Naiinsulto ako sa mga sinabi nya. Ano pa bang ugali ang ipapakita nya sakin? “Bilang INTERN STUDENT gaya ng sabi mo!!! Normal lang din sa amin na kapag may nangangailangan ng medical ay dapat naming tulungan. Hindi ko kailangan ng pera mo... pero naisipan mo lang sanang mag pasalamat man lang!” Nangunot nadin ang kanyang noo. Aaminin kong pera naman talaga ang pinunta ko dito kaya ako pumayag sa pakiusap ni miss Zaldua... Na kailangan ko ng pera para sa pagpapagamot kay Eugene pero hindi sa ganitong paraan. “Kung meron man akong ipag papasalamat... Iyon ay ang makakaalis na ako sa mansion nyo at hinding hindi na makakabalik pa!” dugtong ko pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD